CHAPTER 13 Krishna's P. O. V Nakakainis, nagu-guilty tuloy ako. Hindi ko alam kung mag-sosorry ako kay Clarence! Hindi ako yung taong gano’n-gano’n lang. "Ako na bahala dito, punasan mo na lang yung mga kutsara. Ayokong kumulubot ‘yang kamay mo dahil mabababad sa tubig," sabi ni Clarence at iniabot sa 'kin ang towel. Pinunasan ko naman isa-isa ang mga kutsara at tinidor saka nilagay sa lagayan nito. "Clarence--" tawag ko pero nagsalita siya kaagad. "Pagod ka na ba? Pasensya na, 200 lang talaga dinala ko para sa pagkain natin, ayaw naman tayo paalisin nung ale," sabi nito. Napabuntong hininga naman ako. "’Wag ka nga magbait-baitan! Alam kong kasalanan ko, kung sana sumama na lang ako sa 'yo na mag-order sana hindi ako lalapitan nung mga jerks guys na 'yon at--"