Luciana Nandito na kami ngayon sa green house ng Dark High. Dito ako hinatak ni Karmy matapos ang eksena ko kanina kasama si Ciel. "What the hell was that Luciana?" ang lapad ng ngiti niya at nandiyan na naman ang kakaibang kislap ng kapilyahan sa mga mata niya. "Natapilok ako," walang-ganang sagot ko sa pag-uusisa niya. "Natapilok ka? Natapilok ka?" "Oo nga, ano ba paulit-ulit naman." "Iiihh! 'To naman! Epic ka do'n ah! Aysus! If I know na mangyayari yon naku! Vinedeohan ko na sana yon!" hinampas niya ang balikat ko at nagtitili. Lihim akong napangiti nang maalala ko ang pagkakalapit ng mga mukha namin na nawala rin nang maalala ko ang repleksyon ng kaniyang mga mata. "Diyan ka nga ang ingay-ingay mo," tinalikuran ko na siya kaya mabilis siyang sumabay sa akin. "Iiih! Sa'n ka p