CHAPTER 1

1131 Words
Mag-iisang buwan na ako dito sa aking work. Nakilala ko si Carlo, isa sa mga seniors dito sa aming kumpanya. Ilang taon pa lang siya ay ka-level niya na ‘yung ibang mas matatagal sa kanya. Magaling siya sa mga technical sa computer at magagnda rin ang mga idea niya sa designs kaya hinahangaan siya ng mga kasamahan namin at ng may-ari ng kumpanya. Gwapo siya. Kayumanggi ang kulay na lalong nagdadagdag sa kanyang appeal.  Sakto lang ang taas niya.  Mga 5’7” ang height. Kaso medyo may pagkasuplado. Madalang siyang ngumiti at mukhang laging seryoso. Sabi nila ay wala itong girlfriend.  Ang sabi pa nila, broken hearted daw ito dahil iniwan ng girlfriend at sumama sa ibang lalaki. Syempre na reaserch ko agad ang mga bagay na iyon. Nagka-crush agad ako sa kanya kasi parang may kakaiba sa kanya. May pagka- mysterious at hindi katulad ng ibang lalaki na feeling pogi. Minsan, nagkasalubong kami sa hallway, tumango naman siya at may maliit na ngiti sa kanyang labi. Masaya na ko kahit sa saglit na sulyap niya sa akin. Pero mas madalas na nakatungo lang siya habang nag-ce-cellphone. Kadalasang nag-o-overtime ang technical team. Late na palagi ang uwi nila dahil palagi silang busy at rush ang ginagawa na trabaho. Kaya nagulat ako isang beses na maagang lumabas si Carlo. Sakto naman na pauwi na rin ako. Halos magkakasabay na sana kami palabas kaso ang bilis n’yang maglakad. Tinanaw ko na lang ang likod niya habang papalayo sa akin. Ako naman si Armie. Isa akong hopeless romantic na babae kaya lang ay nakipag-break ako sa boyfriend ko. Ang hirap niya kasing pakisamahan. Gusto niya na siya lang lagi ang masusunod kaya ayun, nakipag-break na lang ako sa kanya. Simple lang ako at sakto lang ang lahat sa akin. Saktong ganda lang. Sakto lang din ang height 5’2”, hindi rin gaanong kaputian, at balingkinitan ang katawan. Tahimik lang ako at mahiyain lalo na sa umpisa at kapag hindi pa tayo masyadong magkakilala. Pero may konting kulit din naman once na magka-bonding na tayo at maging close sa isa't-isa. Sa aming new trainees, si Mira ang pinakamaganda pero may pagka-chubby ng konti, si Cindy naman ang sexy pero hindi masyadong kagandahan at ako, ayun nga, sakto lang sa lahat ng bagay. Walang espesyal pero kaya kong pangitiin ang mga tao sa paligid ko. Ok naman dito sa aming kumpanya. Mababait ang mga empleyado pati na rin ang Head namin at Supervisor. First time naming a-attend sa pa-dinner party para sa department. Sagot ng company lahat. Food at drinks. For bonding daw ng buong department at pasasalamat sa mga empleyado. May pa-videoke pa para raw masaya. Masaya naman ang party. Tawanan, kwentuhan, kulitan, at kantahan. Masasarap din ang mga foods na nakahain. Nasa kabilang table si Carlo at katabi n’ya ang ibang seniors, at ang mga nasa technical team. Tahimik lang s’yang umiinom at nakikinig sa mga kwentuhan. Hindi ko maiwasang ‘di siya titigan. Ang gwapo niya talaga at ang lakas ng appeal. Kaso ay napaka-suplado niya. Sadyang hindi siya tumitingin. Umiiwas siya sa mata na parang nahihiya or ayaw n’ya ng eye contact sa mga babae. Si Ma'am Lorna na Supervisor namin ang unang kumanta.  Magaling s’ya at maganda ang boses. Nakatatlong kanta siya na sunod-sunod. Bininiro na siya ng Head namin dahil parang concert niya na itong event na ito. “Oh ‘yung mga bago naman ang pakantahin natin. Wala nang makakasingit mamaya kay Ma”am Lorna,” pang-aasar pa ng head namin.  Nagpalakpakan at naghiyawan pa ang iba naming mga kasamahan. Habang hiyang-hiya naman kami at nagtatakip na ng mga mukha. “Sige na. Request ng head natin. Baka mamaya ay si Sir pa ang kumanta,” kutya naman ni Ma’am sa head namin. Si Cindy na makapal ang mukha ang unang tumayo. Go na go sa kakantahin n’ya. Sumunod na kaming dalawa dahil sa pamimilit nila. Pumili na si Cindy ng kakantahin at birit pa na song ang napili. Nag-second voice kaming dalawa ni Mira na halos lipsync na nga lang ako dahil sa boses kong ‘di kagandahan.  Pagkatapos, bumalik agad kami sa upuan dahil sa kahihiyan. Sobrang nakakahiya pero mukhang ok naman ang pagkanta namin. Nagpalakpakan sila at may kasama pang hiyawan. Si Marco yung pinakamakulit sa group ng technical. Gwapo rin s’ya at ma-appeal sa mga kababaihan. Matangkad s’ya at maputi. Madaming nagkakagusto sa kanya na mga kasamahan namin dahil sa pagiging palabiro n’ya at pagka-friendly. Isa rin siya sa mga pinakamagaling sa mga design sa kanilang team. Kaso lang ay mahilig siyang magpa-asa ng mga babae. Marami na raw itong naging karelasyon na ‘di nagtatagal. Maya-maya ay lumapit siya sa aming mga trainee.  “Oh, sino sa inyo ang single pa? Yung pinaka pogi kasi sa amin ay wala pang girlfriend. Alam nyo na kung sino. Mahiyain kasi ‘yang pare namin. Pihikan pa sa babae. Babae na nga ang lumalapit, ayaw pa,” pahayag ni Sir Marco. Nagngisian lang kaming mga trainee na medyo kinikilig pagkatapos ay tinawag niyang bigla si Carlo at pinalapit sa amin para ipakilala. Lumapit at umupo naman si Carlo sa aming table. Nag-hello siya at kinamayan niya kaming tatlo. Medyo halata ang pagka-awkward sa kanyang mukha. “Hindi naman sa pihikan. Wala pa lang dumadating,” paliwanag ni Carlo. “Ayan na nga sa harapan mo oh. Tatlo na yan. Pumili ka na,” pangugulit pa ni Marco. “Umandar nanaman ang pagka-playboy mo Marco. Mag-ingat kayo dito girls ha. Matinik iyan sa mga trainees.”  “Hindi ‘yan totoo. Mabait lang talaga ako at na mi-misinterpret lang,” paawang sagot ni Marco. Nagtatawanan lang kami sa mga pag-uusap at asaran nila. “Hwag mo na silang guluhin at kantahan mo na lang,” sabi ni Sir Carlo. At kumanta na nga si Sir Marco. Totoy bibo ang pinili n’ya na bagay na bagay sa kanyang personality na bibong-bibo. “Dito muna ko sa kabilang table ha. Nice meeting all of you,” paalam ni Carlo. “Sige po Sir. Nice meeting you too,” sabay-sabay naming sagot kay Sir Carlo. Noong kaming tatlo na lang ulit. “Ang cute n’ya no?” kinikilig na sabi ni Mira. “Ang cute n’ya talaga!” pagsang-ayon din ni Cindy. “Oo,” ngiti lang at kilig na ‘di halata na tugon ko sa kanilang dalawa. Maya-maya pa ay madami nang nalalasing. Nag-uuwian na rin ang iba at nagpapaalam na. Pauwi na rin kami sa aming dorm.   “Ingat kayo girls sa pag uwi,” paalam ni Sir Marco sa amin. “Kayo rin po sir! Ingat din po kayo.” Kumaway lang si Sir Carlo sa amin at kinawayan ko din s’ya. “Bye Sir Carlo. Mag-ingat ka sa pag-uwi,” mahinang sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD