KABANATA 6

2581 Words
I am getting ready to go back to Bulacan. After signing some written contract as a proof of the agreement today, Regan and his lawyer left. My mind was still clouded after that conversation, so I went out to get some fresh air. Naglakad ako para tanawin ang malawak na lupain para makapag-isip. Then I just realized how all of this was so sudden for me. The wind blew again in my face as I remembered my mother. Nanubig ang luha ko. Ngayon ko lang naramdaman muli ang pangungulila at kalungkutan. Na tila nakulong ako sa isang panaginip kaya’t hindi pa ako makapag-isip ng maayos. Maybe this is still the aftermath of my mother’s death. Kahit gaano ko libangin ang sarili ko ay nalulungkot pa rin ako, and the fact na nalaman kong may ibang buhay pala si Mama bago pa ito mapadpad ng Bulacan. Tinanaw ko ang malaking mansyon. Napakalaking bahay pero ako lang ang may-ari at ni isa ay walang nakatira. This is nothing but a huge piece of loneliness. Kung ibenta ko nalang kaya talaga? Marahas akong bumuntong-hininga. Bumalik na ako sa loob ng mansyon. Kung ano-ano ang naiisip ko. Kailangan ko munang bumalik ng Bulacan at baka sakaling makapag-isip at makapagdesisyon na ako ng maayos at mas lalo kong maproseso sa utak ko ang mga bagay na ito. Maybe going back to work will help me too. Pagbalik ko ng mansyon ay nadatnan ko si Shiela na nagpupunas ng railings. I smiled at her when she looked at me and immediately ran towards me. She stopped in front of me and smiled. “Hindi ba naghahanap ka ng trabaho?” Tumango ito nang lumamlam ang mga mata. “Ikaw na ang bahala sa mansyon. May cellphone ka naman hindi ba? Kaya mo bang asikasuhin ang paglilinis rito?” Tanong ko at tumango naman siya. “Sobrang laki ng utang na loob ko sa’yo Ate Ice. Gagawin ko ang lahat ng iuutos at ipapagawa mo saakin ng walang hinihintay na kapalit. Ako na ang bahalang magbantay sa mansyon na ito. Lilinisin ko ang bawat sulok at abot ng aking makakaya.” Tinapik ko ang balikat ni Shiela at tumango, “Makakatanggi ba ako?” Tanong ko at mabilis naman itong umiling. Napangiti ako doon. “Sasahuran naman kita. Ikaw na ang mayordoma sa bahay na ito habang ako pa ang nagmamay-ari at huwag ka nang tumanggi, hindi ba’t naghahanap ka ng trabaho? Dito ka nalang magtrabaho.” Namilog ang mata ni Shiela at mabilis na umiling, “Hindi na kailangan Ate! Huwag mo na akong pasahurin! A-At saka labis labis na ang nagawa mo para saakin, kahit walang sahod Ate, ako na ang bahala rito sa mansyon, a-at labis naman iyong mayordoma.” Umiling rin ako, “Ikaw lang ang maaasahan ko rito Shiela. Huwag ka nang tumanggi, kasi may iuutos rin ako sa’yo paminsan-minsan para naman magaan sa loob ko kapag may ipapagawa ako sa’yo, okay? Huwag ka nang tumanggi. Magpalitan nalang tayo ng numero o social media accounts para may pangcontact ako sa’yo.” Nagulat ako nang bigla akong mahigpit na niyakap ni Shiela. Hindi pa ako kaagad na nakagalaw hanggang sa mapahinga ako ng malalim at niyakap rin ito pabalik. I can feel how grateful she is, and that’s all enough for me. “Isa kang hulog ng langit Ate Ice! Promise! Gagawin ko ang lahat para sa’yo! Kahit anong ipagawa mo ay gagawin ko!” Masayang sabi niya. Tinapik tapik ko ang likod niya hanggang sa humiwalay na siya sa yakap. “Sige na Shiela, kailangan ko nang bumalik sa Bulacan. Ikaw na ang bahala rito at kaagad mo akong kontakin kapag may kahit na sinong nagpunta rito ah?” Habilin ko, tumango naman ito. Hindi na nagtagal ang paalam ko kay Shiela. Inihabilan ko lang rin na mauna niyang linisin ang isa o dalawang kwarto at mga banyo para kapag dadalaw ulit ako rito ay hindi na ako magpupunta kung saan-saan. Naniniwala akong hindi ako bibiguin ni Shiela. “Mag-ingat ka palagi.” Paalam ko saka na naglakad patungo sa kotse at naiwan naman si Shiela sa bukana ng mansyon. “Ate Ice!” She suddenly called my name from our distance at saktong bago ko pa mabuksan ang pintuan ng kotse at lumingon ako sakaniya. “Handa akong sagutin lahat ng tanong mo! Lahat ng nalalaman ko tungkol sa mga Bennet ay sasabihin ko sa’yo! Pero kailangan mo munang maging handa! Aaasahan ko ang pagbabalik mo Ate Ice! Mag-iingat ka!” Sigaw niya. Natigilan ako at nabitawan ko ang pagkakahawak sa pintuan ng kotse. Nakatingin pa rin ako kay Shiela. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero napalunok nalang ako hanggang sa mapahinga ng malalim. She noticed that I am not mentally ready to know more about my family. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit gulong-g**o ako at hindi makapagdesisyon ng maayos. Sa muling pagbabalik ko rito ay doon ko aalamin ang lahat, pero sa ngayon kailangan ko munang magbalik sa reyalidad. Kumaway ako kay Shiela, “Aasahan ko ‘yan!” Sigaw ko saka na sumakay ng kotse. ** THE NEXT DAY, napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa harapan ng salamin. Kinuskos ko ang itim na slacks na suot ko sa ilalim saka na ako tumalikod at kinuha ang bag ko saka na lumabas ng kwarto. It’s time to go back to work, to go back to reality. I’m an architect from a famous company, PrimeLine Designs and Build. It was a dream come true for me when I got accepted by that company that builds huge projects across the country. Pero iba naman talaga ang pangarap sa reyalidad, natupad ang pangarap pero ang reyalidad ng trabaho ay malayo sa depinisyon ng ‘dream’. It requires hard work, dedication, and passion. Pero masaya naman ako dahil mahal ko ang trabaho ko. “Ang tagal! Nasaan ka na?” Tanong ko kay Miles nang sumagot ito. Siya nalang ang hinihintay ko dahil nasakaniya pa ang sasakyan ko. Lumabas na ako sa patio at nilock ang pintuan para pagkadating niya ay aalis nalang ako. “Malapit na! Akala ko ay hindi ka na makakauwi ng buhay! Ichika mo lahat saakin ‘yan adventure mo ah!” “Oo na, basta bilisan mo, ayaw ko ng nali-late.” Sabi ko at tumingin sa pambisig na orasan. Ibinaba na ni Miles ang tawag. Hindi pa naman ako nakakapag-almusal. Magdrive-thru nalang kami sa isang coffee shop. Hindi naman nagtagal nang dumating na si Miles at binusinahan ako kaya lumabas na ako ng gate ng bahay at sumakay sa passenger seat. “Ipag-drive mo muna ako.” Sabi ko nang makita ko ang nagtatanong na mukha ni Miles dahil akmang bababa ito ng driver’s seat. “Wow, pero hindi naman ako mkakaangal nanghiram lang naman ang ng sasakyan ‘e.” Sabi nito saka na pinasibad ang sasakyan. Napahinga ako ng malalim at hinarap si Miles. Kasama ko sa kumpanya si Miles pero iba ang department niya dahil isa siyang engineer at madalang lang na pareho kami ng proyektong tinatrabaho. “Kumusta ka na? Alam mo ikaw? Hindi ka talaga maiwan ‘e ano? Kung hindi lang ako nagkaemergency hindi ka makakawala sa paningin ko. Kaso wala! Makatawag ka bigla nasa laguna ka na!” Pagtatalak niya. “I know right, masyadong biglaan kasi ang lahat.” Sabi ko at habang inaalala ko ang mga nangyari saakin sa laguna bukod sa mansyon, ang pinaka pumasok sa isipan ko ay si Regan. I really thought that he was a nice guy. Kahit nakatingin ako kay Miles ay tumagos naman ang tingin ko sakaniya dahil biglang lumipad ang isipan ko habang nagmamaneho ito, lalo na nang maalala ko ang sinabi ng lalaking iyon. “You can’t even afford a decent car.” Nagsalubong ang kilay ko at humalukipkip sa kinauupuan. A decent car? Hindi naman rin biro itong sasakyan na meron ako na siyang pinaghirapan ko! This is a land cruiser! Hindi na ito biro! If I’m not mistaken, kakaunti lang naman ang nilamang ng Mercedes Benz Sedan niya sa sasakyan ko! “Hmp!” “Oh? Napano ka diyan? Wala ka pang sinasabi nag-aattitude ka na diyan.” Tiningnan ko si Miles at pinagbuti nalang na alisin sa isipan ko ang lalaking iyon. “So this is the thing. I own a mansion.” Sabi ko at namilog naman ang mata ni Miles nang tumingin saakin ng mabilis hanggang sa mapakunot ang noo nito at tumawa ng pagak, nasa daan na ngayon ang mga mata nito. “Lakas ng amats.” Sabi nito. “Seryoso ako!” Kunot noo niya akong sinulyapan. “Anong nangyare? Bigla ka naging multi-millionaire diyan? Mansyon? Anong klaseng mansyon?” Tanong niya. I pictured the mansion in my head, “Mansions like those from Montecito. Remember the client from California a few years ago? When he showed us the houses on Montecito? Mga ganoong klaseng mansyon.” Mukhang inimagine pa ni Miles ang mansyon. “It’s a blend of Spanish and filipino style. Malaki iyong mansyon! Dadalhin kita doon some other time! It also has hectares of lands around it, enough to be called a hacienda.” Muling namilog ang mata ni Miles, “Ngayon feeling ko alam ko na kung ano ang purpose ng pagiging magkaibigan natin.” Sabi nito. “Heh!” Tumawa siya hanggang sa naging seryoso, “Pero seryoso? Paano naman nangyari ‘yan? What’s the kwento? Elaborate!” Sabi niya nang pumasok sa isang drive-thru ng coffee shop. “Caramel Macchiato, and a croissant.” Sabi ko. Umorder naman si Miles. “Hindi ko alam, nagulat nga rin ako, kayanga napasugod ako ng bigla doon sa laguna ‘e! Bigla kong nalaman namay ipinamana palang mansyon saakin, so apparently, my family’s homeland I Laguna, hindi rito sa Bulacan. Kaya pala wala akong kamag-anak, at obviously, my family is crazy rich— back then.” Pawang namamanghang nakatingin saakin si Miles habang naghihintay kami ng order. Nagkatinginan lang kami at walang nagsasalita. “I know right? It’s so shocking.” Sabi ko at umiwas ng tingin. “I’m speechless. I gotta see that mansion of yours!” Sabi niya. “Sure. Kapag babalik ako roon, but argh— how should I say this? Basta marami pa akong ikukwento, marami kasing nangyari, dahil meron rin akong mga nakilalang tao roon, some are good, some are bad, but I prefer not to say it muna dahil gusto kong makahinga muna ng maayos. Maganda pakinggan hindi ba? Na may pgmamay-ari akong mansyon, pero hindi lang iyon! Madami rin akong problema kinaharap roon.” Mahabang litanya ko. Nang makuha na naming ang mga order ay muli nang pinasibad ni Miles ang sasakyan. “Okay, but you’ve got to tell me everything! Okay? I’m so interested! Isa ka palang heredera! Akala ko mahadera lang ang afford mo.” We both laughed. “Shut up.” I said. Pagdating namin sa kumpanya ay todo bati naman ang mga kawork ko at kinakamusta ako. Naghiwalay na rin kami ng landas ni Miles dahil nasa ibang office siya. Bilang lead architect and designer ay meron akong sarili kong office, but my position isn’t the same as the managerial position. It’s like, I command those interns, and entry-level positions, and having my own office doesn’t mean I am above the other architects and designers, mga kapareho ko lang sila ng positions kahit na nasa may desks sila, it just happens that I became a senior, at hindi naman issue sakanila ang bagay na ito. Umupo na ako sa swivel chair at binuksan ang desktop ko. “Goodmorning Icely! Glad you’re back! Dinner tonight?” Sigaw ng isang kawork ko na nasa may desks, it is Cindy short for Cinderalla, literal na Cinderalla ang pinangalan sakaniya ng Nanay niya at isa siyang early bird. Nakadungaw ang ulo nito at nakatingin saakin dahil glass wall lang naman ang namamgitan saamin at nakikita ang lahat ng nangyayari sa office ko. I smiled, “Sure!” Sigaw ko. She silently clapped her hands and focused on her screen. “Sama kami!” “Sama ako!” “Ako din!” Kaniya-kaniyang sabi naman ng mga officemates. That’s already a given. Sumulyap ako sa pambisig kong orasan at sakto na nagsisimula na ang office hours. Ang dami kong naiwang trabaho. Tapos may isa pang upcoming big project na sinakto ko talaga ang pagbabalik ko sa araw na ito dahil ngayon magkakaroon ng meeting patungkol doon. Tinitingnan ko ang mga email, sa mga pinasa kong designs, some are approved, and some needs minor revisions. I started my work while sipping my coffee. I read and take down notes on some of the important and new concepts that I come across the client’s likings. The morning started so smoothly when an hour passed, and I finished my coffee. Tumayo ako para itapon ito sa trash bin nang bilang bumukas ang pintuan at pumasok rito ang department head namin, it’s Ms. Pauline. I know she’s not late because I saw her things in her office next to mine dahil glass door, at kailangan ko rin siyang makausap kaya lumabas ako ng office para salubungin siya. Ngumiti siya saakin nang makita ako pero natigilan ako nang may sumunod sa likuran niyang nagsipasukan, “Icely you’re back!” Magiliw na sabi nito na tila nagagalak na nagbalik na ako. Ngumiti ako sakaniya pero nanatili akong nakatayo dahil nagtatakha ako sa mga taong nagsipasukan. Ms. Pauline clapped her hands to get everyone’s attention. There are five men who came in and they’re familiar to me, they’re from the engineering department, and then another man came in again and he was the one who closed the door, kaya hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa pagtalikod niya. Lahat ng atensyon ngayon ay nakay Ms. Pauline, “Okay everyone! The company’s preparing for a very big project this year, and not only this year, kasi ang project ay gugugulin ang apat na taon at higit pa, I will brief you about it after the conference meeting, but for now, you have to meet the new Department Head of the Engineering Department, at siya rin ang magsusupervise ng maladyamanteng proyektong ating gagawin.” Mahabang litanya ni Ms. Pauline. Nakangiti pa akong tumango nang bigla kong mamukhaan ang lalaking tumabi sakaniya at tumayo ng maayos. He’s in his suit! I didn’t recognize him and what the fcking hell is he doing here? “Regan!” I whispered with my face dumbfounded. When he finally noticed me, I saw how he was stiffened, and his eyes also widened in shock. “This is Engineer Regan Lozano, the new head of the Engineering Department. Engineer Lozano, these are my beloved architects, medyo marami sila kaya hindi ko na sila maiisa-isahin, but that lady over there is our star here, she designs and draws so gracefully, which everyone in this office agrees, kaya siya nalang ang ipapakilala ko, she’s Architect— “Icely Bennet.” Natigilan ang boss ko sa pagsasalita at mukhang hindi inasahan ang pagsambit ni Regan sa pangalan ko. What in the world is happening? Why the hell is he here? Why is he the new head engineer in the company that I work in?! “Oh, you know her?” Ani Ms. Pauline. Regan’s still looking at me and his eyes don’t seem to plan to leave mine. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maputol ang tingin sa mga mata niya. “Yeah, a bit.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD