Unmarked

Unmarked

book_age4+
1
FOLLOW
1K
READ
others
kickass heroine
brave
slavery
female lead
high-tech world
another world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Journey Aliza Prime is one of those unique people who doesn't have a MARK, but she stood firm and entered the FORCE full with MARKED people.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napuno ng hiyawan ang buong pasilyo nang tumama sa gitna ng target ang palaso ni Journey. Hindi pa man tapos ang laban ay alam na ng madla kung sino ang mananalo sa pagitan ng dalawang nagtatagisan sa larangan ng Archery. Napangiti si Journey nang makita ang kaniyang iskor na naka-flash sa hologram. Sa siyam na tira niya ay wala ni isa ang hindi tumama sa Diyes o yellow ring, samantalang ang katunggali ay puro otso at nuwebe lang ang iskor. Nangangahulugan iyon na lamang na siya sa match at malabo nang makahabol pa ang kapwa manlalaro niyang si Trent Magsano. Sa mga oras na ito ay dapat nasa paaralan siya at nag-klaklase ngunit dinala siya rito ng kaniyang mga paa nang makatanggap ng hamon mula kay Magsano. Buong akala niya'y sa isang pribadong lugar gaganapin ang laro, ngunit laking gulat na lamang niya noong bumungad sa kaniya ang mga taong tila sabik na sabik na makita siyang maglaro. Muling umingay ang buong paligid nang matapos na ang ikasampong tira ng kaniyang kalaban. "Uwian na may nanalo na!" Nangibabaw na sigaw ng dalawang boses sa gitna ng kumpulan. Awtomatikong napalingon si Journey sa pinanggalingan ng mga tinig na 'yon. Nakakunot noo niyang pinagmasdan ang dalawang lalaking kumakaway habang nakangiti sa kaniya. Paano nila ako nasundan? Saad niya sa kaniyang sarili. Sa pag-kakaalam niya'y wala siyang pinagsabihan ni isa sa kanila na pumunta siya sa lungga ng mga range fighters sa Stratopolis, ngayon paanong nandito ang mga kaibigan niyang si Kin at Kenji? Napapikit na lamang ito at iwinaksi sa kaniyang isipan ang nakita niya. Hinarap niya ang target, para tapusin na ang laro. Pumosiyon ito at itinaas ang hawak niyang bow at nilagyan ng arrow. Muli niyang pinakawalan ang bow sa target na 70-metro ang layo mula sa kinatatayuan niya. Journey's Point of View: "And once again! Our Range Unmarked Queen conquered the field with her amazing straight 10 shots!" Sigaw ng announcer at muli na namang umingay ang buong paligid dahil doon. May ibang napatayo dahil sa tuwa, marahil ay 'yun ang mga nanalo sa pustahan at ang mga nanatiling nakaupo't nakabusangot ay ang mga taong natalo. Kumaway ako sa camerang nakatutok saakin bago umalis sa shooting area. "Hey Trent Magsano!" tawag ko sa katunggali ko kanina. Nakatingin lang kasi ito sa target na may mga arrow na puro nakatarak sa diyes. Lumingon ito saakin at halos balutin na ng pulang kulay ang kaniyang parehong pisngi nang magtama ang mga mata namin. Kinamot pa nito ang tungki ng kaniyang ilong bago nagsalita. "W-wala ka pa ring kupas, even a sight marked like me has no match to you," nahihiyang saad niya at inilahad ang kaniyang kamay para sa isang handshake. He has a lot of advantage since isa siyang sight marked, he can see things clearer than I do, pero hindi pa rin asintado ang kaniyang mga tira. Totoo nga ang sabi nila, lots are gifted but only few knows how to use it properly. Anyway, bata pa siya at according to sa profile na sinend niya saakin ay 16-years old pa lang siya. A fellow rule breaker. Agad kong tinanggap ang kaniyang kamay at ginawaran siya ng isang ngiti. "Tamang practice lang 'yan. Your mark is useful lalo na sa mga ganito. Use it well Trent, bata ka pa," sabi ko sabay g**o sa kaniyang buhok na halos hindi na matangay ng hangin dahil sa sobrang tigas at ayos. Agad na akong nag-paalam sa kaniya nang matanggap ko ang napag-usapan naming prize. Isang premium arrow na nanggaling pa sa Ignis City, it's not enhanced with marks but it's made from a special stone called Alc. Kung hindi ako nagkakamali'y nasa 80k Odyssean Nummus ang isa nito kung ibebenta. Worth collecting. Nakasukbit ang quiver sa kanang balikat ko, habang hawak-hawak ko naman ang recurve bow. Hindi ko man lang nagamit ang dinala kong bow, hindi kasi puwedeng gumamit ng sarili. Instead, they gave me a bow na halatang gamit na gamit na dahil sa kupas na ang kulay niya. Well, what do I expect? Hindi ito tulad ng mga malalaking paligsahan na sinalihan ko. This is not even a legal match for me since tumakas lang ako. Habang papalabas sa shooting hall ay iginala ko ang paningin ko. Nagbabakasakaling mahagip ang pagmumukha ng dalawang mokong na walang tigil sa pagsigaw kaninang naglalaro ako. Maraming sumalubong sa akin at bumati pero tanging ngiti lamang ang binigay ko sa kanila. Nang hindi ko na makita ang hinahanap ko ay naglakad na ako pataungo sa parking lot at tinahak ang daan kung saan ko iniwan ang sasakyan ko. Malayo pa lang ako ay alam ko na kung kaninong likuran ang nakaupo sa kani-kanilang Fury habang nagtatawanan, I can even hear their laughs from here. Kahit kailan talaga, hindi sila sinasaniban ng kahit katiting na hiya! Agad akong nagtago sa likod ng puno nang isa sa kanila ang nakaramdam sa presensiya ko at nilingon ang direksiyon na kinaroroonan ko. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa aking bibig at inilabas ang aking bow. Tignan natin kung makakatawa pa kayo after this. I suddenly felt butterflies flew into my stomach that almost made me laugh when I loaded that bow with arrow. Just by thinking on what will be their reaction once this arrow reached them, is more than winning in archery competitions. I released my grip from the arrow na gumawa pa ng ingay sa hangin ang paglipad nito papunta sa kanila. Ang kaninang tawang-tawa na si Kin ay napatigil at unti-unting napalingon sa nakatarak na palaso sa puno kung saan sila naksilong. Bumilog ang mga singkit nitong mata at napatingin sa kakambal niyang si Kenji. I quickly hid myself again and covered my mouth to stop myself from laughing. "Journey!" Sigaw nilang dalawa. Napalingon sa akin ang mga tao nang tumawa ako at nilagyan na isang explosive arrow ang aking pana bago ako tumakbo papalapit sa kanila. Hindi gaya ng ordinaryong arrow na pinalipad ko kanina ang isang 'to. It's enhanced with marks that listens to certain commands. Nakatayo na silang dalawa at nakahanda na sa mga susunod kong gagawin. Unti-unting lumabas ang tubig sa paanan ni Kenji na ngising-ngisi, mabilis na gumapang ang tubig papunta sa direksiyon na tinatahak ko kaya agad kong iniba ang direksiyon ko at pinakawalan ang palaso sa itaas. Kumuha ulit ako ng isang arrow, the yellow tip of it indicates that it's the paralyzer. Jackpot. Napatigil ako sa pagtakbo nang maramdaman kong basa na ang sapatos na suot ko. Agad namang tumawa ang dalawa at yumuko si Kin. Damn. Nahulog na naman ako sa trick nila? Tatlong stream pala ng tubig ang humahabol saakin kanina. Yung dalawa'y hindi ko namalayang ipinadaan niya sa gilid at harapan ko. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa tubig at umusok ito. Hindi ko akalaing mahuhulog ako sa combo ng kambal na ito. Yes, they are twins with very nice marks. Si Kenji ay kaya niyang imanipulate ang tubig, samantalang si Kin ay kaya niyang baguhin ang temperatura ng isang bagay kahit sa simpleng paghawak o tingin lang. The water turned into ice quickly as Kin's hand landed on the water. Making me unable to move from where I'm standing. "Checkmate Journey Aliza!" Sigaw ni Kin na nakapatong pa rin ang kamay sa ibabaw ng yelo. I laughed and crossed my arms over my chest. "No Kin. Checkmate!" I shouted back and said,"Dimittere!" (Release) Bumulusok ang arrow na pinakawalan ko kanina at ngayo'y patungo sa kanila. Agad na tumakbo si Kin at Kenji paalis sa kinaroroonan nila para hindi sila matamaan. Well, every mark needs extreme concentration when using it. Unless, you're well trained by the Organizations here, you won't even need to think to unleash your power. As for these two, they are not an exception. Agad na nawala ang yelo sa paa ko at mistulang namatay na ang tubig na kinokontrol ni Kenji kanina. Gumawa ng mahinang pagsabog ang explosive arrow nang malapit na ito sa lupa dahilan para makuha namin ang atensiyon ng mga taong naroroon. I even saw someone taking video kaya yumuko ako at itinago ang mukha ko mula sa lense ng camerang iyon. Itinago ko ang arrow na naka-load sa bow ko sa quiver at tumakbo ulit papunta sa kinaroroonan nila Kin at Kenji. Pareho nila akong sinalubong ng nanlilisik nilang mata na parang gusto nila akong gilitan ng buhay. "Cut it out Kin, Kenji. Tara na," kinuha ko ang arrow na nakatarak sa puno at hinila ko ang kambal papunta sa kaniya-kaniya naming Fury at sinakyan ito. "Let's go!" Ulit ko sa kanila at pinaandar na ang Fury. Lumutang ito ng ilang metro mula sa lupa at agad kong pinaharurot ito palayo roon. ... Tumigil kami sa isang cliff kung saan tanaw na tanaw namin ang kabuan ng Stratopolis Division, magdidilim na at nagmistulang bituin na naman ang mga ilaw na galing sa mga naglalakihang gusali sa bayan namin. "Journey," tawag saakin ni Kin. Hinawakan nito ang balikat ko at marahan itong tinapik-tapik. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. " How did you manage to find me?" Tanong ko. Natatawang lumapit din si Kenji sa kinatatayuan ko at humalikipkip. "Nakalimutan mo na ata na nag-eexist ang Archer Site?" Ipinakita nito saakin ang hologram ng site mula sa cellphone niya. "What?!" Ginulo ko ang buhok ko at hinablot ang kaniyang cellphone. My name is all over the place! Cheese sticks! Paano? There is an agreement between me and that guy na hindi nila ipopost sa archer site at kahit anong media yung match namin! Damn! I'm in great trouble right now! "Ayaw mo no'n Journey? Ikaw kaya ang nangunguna na trend diyaan? Hashtag the Range Unmarked Queen at McKenley Borders," natatawang sambit ni Kenji. Ikinumpas pa niya sa hangin ang kaniyang kamay. Umupo ako sa damuhan at ihinilamos ang kamay sa aking mukha. "At isa pa, wala ka sa klase natin kanina kaya agad naming tinignan ang site. Galit na galit nga si Teacher Ping kanina e kasi wala ka," ani Kenji. Paniguradong magrereport na naman 'yon kay Dad! "Ayaw ko nang umuwi!" Sigaw ko. Nag-echo naman ito kasabay no'n ay ang pag lipad ng mga ibon paalis sa mga puno. Natawa ang kambal sa ginawa ko. Napaka walang kuwenta talaga nitong dalawa, imbes na pakalmahin ako ay tinatawanan pa ako! Kung may mark lang sana ako kagaya nila, kanina ko pa ginamit sa kanila pero sa kasamaang palad, hindi ako isa sa mga nabiyayaan ng mark na katulad nila. Kaya ang tawag saakin? Unmarked. I inherited it from Dad at halos lahat na ata ng traits ay nakuha ko sa kaniya? I could've just inherited Mom's mark which is Nature, pero no choice e, mas malakas ang genes ni Dad. Unmarked has lots of disadvantage in this world. Only 5% of our kind has the opportunity to enter the Federation of Odyssean Rangers and Cerebral Expansion, as known as, the FORCE, due to their high skills and intellectual standards, which most of us doesn't have. But that won't stop me from barging into their doors and declare that I'm one of those unmarked with no flashy marks who entered their association. They said, everything was normal before. Walang ability, walang marks, but then a group of people saw an old man which they believed, the Root of everything. This old man made them choose which mark would they want to acquire and use. Each of them chose between, elemental, technology, nature, and mind related marks, and after choosing, the old man held their hands and marks with black tint appeared on the different parts of their body. After that, this old man disappeared and never showed up. Sabi pa nila, ang dahilan kung bakit wala kaming mark ay isa sa mga grupo noon ang tumanggi sa alok ng matanda at gusto niyang mamuhay na lamang ng normal at ipagpatuloy ang nakasanayan niyang buhay. Well, just like in normal biology, genes from our ancestors started to spread and ended up building new powerful marks, which leads Odyssey to its current state. In Stratopolis, they value and believe in this myth but sa ibang division? No, they have their own belief kaya nahati sa pitong dibisyon ang Odyssey. Stratopolis, who highly believe in this story, nagpatayo nga sila ng templo para sa misteryosong matandang iyon e. They value the way people live in diverse way and believes that everyone, even the Unmarked, are full of potential. Darendale, this division is the neutral one but because of some circumstances, they got separated with the capital of Odyssey. Kadalasan dito inaangkat ang mga goods, specifically, meats and milk kung saan sila pinakakilala. Dad is also from here, karamihan kasi sa mga Unmarked dito naninirahan. Valoran, also known as the habitat of technology. I don't know if they believe in the myth but they've been busy developing new technologies to prosper Odyssey. Brains from different Odysseans are working with techno-marks here. Flora, home of nature. Kung sa ibang dibisyon ay halos makabago na lahat ang teknolohiya, rito, pinapahalagaan nila ang natural na kulay ng kanilang mga lupain. Kung kaya't hindi nakakapagtaka kung bakit hindi sila sumama sa ibang division at naisipang bumuklod din. I'm fond of their tradition since my mother grew up here. They usually offer animals, to their 'Inang Kalikasan' para sa kapakanan din ng Odyssey. Zariya, tirahan ng mga workaholics, business minded and where the transactions are. Hindi ko rin alam kung bakit sila bumukod, pero at least their goal is still to lift Odyssey. Krymmeni or the hidden city. No one knows any bit of information about this division but rumors says that creatures outside Odyssey can be found here. Ignis, they named this division the 'darkest division'. For some reason, the light doesn't reach this area of Odyssey, sabi kasi nila dito raw ipinanganak ang may mark na Sol at Luna na kayang kontrolin ang liwanag at ang dilim. Isa pa'y 'di nila kailangan ng ilaw galing sa araw dahil sa mark nilang Apoy, na pinaniniwalaan nilang pinakamalakas sa lahat at iyon ang rason kung bakit sila bumuklod. Buti na lang at natigil na ang mga digmaan sa pagitan ng pitong divisions kung hindi? Hindi magiging ganito kaganda at kaunlad ang Stratopolis ngayon. Big thanks sa inistablish nilang FORCE na naglalayong protektahan ang buong odyssey sa mga taga labas o taga-ibang Nasyon, na sabi nila'y mga tunay na kalaban. "Itutuloy mo ba ang pag-pasok mo sa Force?" Biglang tanong ni Kin. Nakaupo na rin pala sila sa tabi ko? Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang hangin gamit ang aking bibig. "Yes, syempre. Bakit ako aatras?" Humalikipkip ako at nag-chin up pa. "Hindi ba't ayaw ni tito Dusk na sumali ka?" Yes, he's right ayaw ng Dad ko na maging miyembro ng Force ang kaisa-isa niyang anak, he wanted me to be one of the cerebrals of Odyssey, but I always wanted to be one of the Rangers. Ayaw ko na nakaupo lang ako sa isang sulok at naghihintay na may pumasok na ideya sa isip ko para maisalba ang Odyssey no! I want to live with action! "It doesn't matter anyway, tara na?" Yaya ko sa kanila at tumayo, they both agreed dahil madilim na rin at baka maabutan kami ng curfew para sa katulad naming nasa 20 pababa ang taon, 18 pa lang kami e, at ayaw din naming mapunta sa dungeons. Isinuot ko ang helmet at pinindot ang button na nasa tapat ng kaliwang tainga ko. Lumabas sa wind shield nito ang monitor ng Fury, nandoon na ang speedometer at energy level nito. Nilingon ko muna saglit ang tanawin ng Stratopolis bago pinaharurot paalis ang sinasakyan ko. I will soon serve the whole Odyssey and Stratopolis, not as a person that my parents desired me to be but as a person whom I desired to be. I will prove everyone that even if I don't have mark, I can still surpass those obstacles that hinders me towards joining FORCE and being one of their Rangers. ... |Fury- it's like big bike but it floats|

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
154.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
157.2K
bc

Summoners Path

read
52.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
192.2K
bc

His Obsession

read
97.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook