CHAPTER 13

1613 Words

"Ang unfair din pala," Azy murmured behind my back as the stylist straightening my hair. Tiningnan ko siya at pinagtaasan ng kilay mula sa repleksyon ng salamin. "Kapag kami stress, mukhang pangbardagulan ang mukha namin. Pero kapag tulad mong maganda, isang pahid lang ng foundation, kaboom! Dyosa na ulit," he stated. Inirapan ko lang at hindi na lang pinansin. Isa na naman ito sa mga araw kung saan pupunahin niya ako nang pupunahin. "Okay ka lang?" usisa niya, naroon ang pag-aalala at kaseryosohan sa kanyang tono habang nakatitig sa akin mula sa salamin. I forced a smile. Okay ba ako? "Yeah," tipid kong sagot. It's been two weeks since that argument. Mukha namang hindi siya naniwala roon, ngunit hindi na rin nang-usisa pa. "Ahmm. Will he... pick you up?" tanong niya kapagkuwan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD