Ang sama ng pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan, sobrang sakit ng puson ko. May dysmenorrhea ako dahil sa period ko. Kinuha ko yung cellphone ko. Tinext ko yung boss ko na magsi-sick leave ako. Humiga uli ako matapos ko siyang itext. May kumakatok sa pinto ng kwarto ko, maya maya ay nagbukas yun. Si Abel na naka formal suit yung bumungad sakin. Naka necktie siya. Kapag ganun yung attire niya may imimeet siyang VIP client. Nagtataka yung itsura niya na nakahiga pa ko. 8am na kasi. "Hindi ka papasok?" Tanong niya. "Oo masama pakiramdam ko." Sagot ko. Kinapa niya yung noo ko. "Nilalagnat ka" "Dini- dysmenorrhea ako ang sakit!". Tumagilid ako ng higa. "What will I do? Magpacheck up ka. I'll take you to the hospital." Akma niya kong bubuhatin. "No. Iinom lang ako ng gamot." "Did