Feleona's POV . Panay ang tingin ko sa sliding glass door ng balkonahe. Mula rito sa kinauupuan ko sa gilid ng kama ay kitang-kita ko ang balkonahe niya. Madilim na, pero maliwanag ang bahaging ito at maliwanag din ang balkonahe ko. Iniwan kong nakabukas ang ilaw rito. I shouldn't expect him, but he told me earlier that he would talk to me tonight. Pero anong oras na ba? Alas syete 'y medya na! Hindi pa nga ako kumain dahil iniisip ko kung maghihintay ba ako sa kanya? At sasabay siya sa hapunan ko. Dios ko, Feleona! I twisted my lips and went downstairs to the kitchen. Sino ba ang may sabi na magsasabay kami sa pagkain? Ako lang yata. Wala naman siyang sinabi kanina. Kaya kakain na ako. Pagkaraan ng isang oras ay hindi na ako umasa na bibisita siya. Ano nga ba ang sinabi ko kanin