It was Sunday.
Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking bag habang nanatili ang aking tingin mula dito sa labas ng simbahan. Pumikit ako ng mariin at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba na aking nararamdaman. Hindi ko maipagkaila na natatakot ako sa sabihin sa pari na kakausapin ko mamaya.
Dumilat ako't nagpakawala na ng hakbang papasok sa loob ng naturang simbahan. Nilapitan ko ang estatwa na hugis mga anghel. Binasa ko ang aking daliri ng holy water at nag-sign of the cross ako bago ako lumapit sa mahabang upuan. Ibinaba ko ang kneeler. Lumuhod ako't ipinagdikit ko ang aking mga palad saka isinandal ko ang noo ko doon sa pamamagitan ng aking pagyuko. Pumikit ako ng mariin para isagawa ko ang pagsusuri ng budhi.
Panginoong Diyos, narito ako ngayon upang humingi ng tawad at tulong mula sa inyo. Kahit na tinalikuran ko kayo mula sa isa sa mga tagapagsilbi ninyo, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa inyo. Hindi ko kayo kinakalimutan. Hinayaan ko ang aking na tangayin ang aking katinuan at ipinagkaloob ko ang aking sarili na nararapat lamang sa mga taong kasal na sa simbahan. Patawarin ninyo ako kung hindi ko nagawang sumunod sa isa sa mga utos ninyo. Patawarin ninyo ako kung hindi naging matatag ang aking prinsipyo.
Pagkatapos kong humingi ng tawad sa panginoon, ay lumapit ako sa kumpisalan kung nasaan ang pari. Lumunok ako kasabay na inihanda ko ang aking sarili para sa pag-amin ng aking kasalanan. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Lumuhod ako sa woodedn prayer kneeler. Nag-atanda ako ng krus bago nagsalita. "Basbasan po ninyo ako, Father, dahil ako'y nagkasala. Ang huli kong pangungumpisal ay noong nakaraang dalawang buwan nang nakalipas at mula noon ito po ang aking mga pagkakasala... Ito po ang aking mga kasalanan, nagawa ko pong ibigay ang aking pagkakababae sa lalaking hindi ko pa asawa... Na hindi pa ako iniharap sa dambana... Na naging marupok ako.Ngunit, hindi ko maipagkakaila na... mararamdaman ko din ito sa kaniya... na nahuhulog pala ako sa kaniya." madamdamin kong pag-amin sa kaniya. "At sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa aking buhay, buong puso akong nagsisisi at humihingi ng kapatawaran sa Diyos, father."
"Lahat ng tao ay may karapatang umibig, anak." sagot ng pari sa akin. "Ngunit dapat ay nasa wasto. Oo, masaya sa oras na tamaan ka nito. Alam natin na masayadong makapangyarihan ang pag-ibig dahil hindi rin natin malalayan na tayo ay nakakasakit na, na tayo'y nakakagawa na ng kasalanan, na minsan ay nakakalimot na. Ang tanong ba ay mahal ka ba niya?"
I slowly released a sighs. "Ilang beses na niyang sinasabi sa akin mahal niya ako. Na ako daw ay para sa kaniya. Naguguluhan ako, Father. Gustuhin ko man siya ay pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil sa oras na malaman ni mama na naging suwail akong anak, mas lalaki ang pagtatampo niya sa akin kahit na sinubukan kong gawin ang mga gusto niya, na sa tingin niya ay isa akong mabuting anak. Natatakot ako, Father. Natatakot ako sa... Magiging reaksyon niya. Natatakot akong harapin ang galit niya." pumikit ako ng mariin.
"Walang ina na hindi maiitindihan ang kaniyang anak. Mahal ka ng iyong ina, kaakibat n'on ay maiitindihan niya ang rason mo. Pour your heart out to God. His spirit is the greatest comforter." dagdag pa niya.
Pagkatapos kong mangumpisal ay binigyan ako ng penitensiya ng pari. Pinadasal niya ako at humingi daw ako ng kapatawaran at pagsisisi. Nagpasalamat ako sa kaniya.
Bumalik ako sa mahabang umupuan saka muli nagdasala. Nakatitig ako sa crucifix sa harap. Inilapat ko ang aking mga labi saka ipinagdikit ko ang aking mga palad
"Panginoon, maraming salamat po sa pagiging maawain at mapagpatawad." mahina kong sambit. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal sa pamamagitan ng aking pag-iisip.
O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasal ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot kong mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap sa Impyerno, ngunit lalo pa't ang kasalanan ay nakakasakit sa kalooban m, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararaapta na ibigin nang walang katapusan. Matibay kong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutupatin ang parusang hatol at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong buhay. Amen.
Pagkatapos kong magdasal ay nagpasya na akong umuwi na sa apartment kung saan ako natuloy.
_
Laylay ang mga balikat ko pagdating sa apartment. Kumawala ako ng isang malalim ba buntong-hininga pagkasara ko ng pinto. Naghubad ako ng sapatos at inilagay ko ito sa shoe rack. Dumiretso ako sa sofa at umupo. Isinandal ko ang likod ng aking ulo sa pader. Pumikit ako ng mariin.
Naguguluhan na ako. Naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin. Sa tuwing nakakasama ko si Rowan, nawawala ako sa aking sarili. Madali para sa kaniya na mapasunod sa kaniyang gusto. Lalo na't nagbitaw ako ng salita na gusto kong maranasan kung papaano maging masaman. Pakiramdam ko ay napakabigat na kasalanan na aking ginawa.
Naputol ang aking pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko mula sa aking bag ang aking telepono. Bahagyang kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang pangalan ni kuya Luke bilang caller. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ang kaniyang tawag.
"Kuya?"
"Kamusta ka na, Ciel?" masiglang tanong niya sa akin pagkasagot ko.
"Ayos lang ako, kuya." kahit ang totoo ay hindi dahil maraming bumabagabag sa aking isipan. "Bakit ka pala napatawag?"
"Pinapatanong kasi ni papa kung makakauwi ka ba ngayong pyesta? Alam mo namang miss ka na namin."
Mas lalo ako nakadama ng lungkot. "G-gusto ko sana, kuya. Pero baka lalo magtampo sa akin si mama kapag pupunta pa ako..."
"Ciel, mahal ka ni mama, imposibleng tatagal ang tampo niya sa iyo dahil umalis ka ng kumbento." I know, he's trying to lift my mood up and I'm still thankful for that. "Pero, gusto mo ba talagang maging madre, Ciel? Wala ka bang pagsisisihan sa kapag babalik ka man doon?"
Pumikit ako ng mariin. Kung alam ninyo lang ang totoo...
"Ciel, kung ako lang, mas masarap kapag may pamilya ka. Oo, mahal mo ang Diyos pero isipin mo naman, pupuwede ka namang manilbihan sa kaniya na may isa pang bagay para makakapagpasaya sa iyo. Maiitindihan din ni mama iyon." dagdag pa niya.
Kinagat ko ang aking labi. Naguguluhan na ako sa nangyayari. "S-salamat sa payo, kuya..." basag ang boses ko.
"Huwag ka na umiyak. Magiging maayos din ang lahat."
Tumango ako kahit hindi pa niya makita iyon.
Pagkatapos namin mag-usap ni kuya Luke, ay nakatanggap pa ako ng mensahe mula kay Rowan.
Rowan : Where are you, my heaven? I want to see you.
Inilapat ko ang mga labi ko. Hindi ko alam kung papayagan ko ba siyang makipagkita sa kaniya pero may parte sa akin na pinipigilan ang sarili ko dahil baka maulit ko na naman ang kasalanan ko.
Sa huli ay nagpasya akong huwag na sagutin ang kaniyang mensahe, maski ang kaniyang tawag. Ipapahinga ko na muna ang aking isipan at matutulog na muna.
_
Pagabi na nang nagising ako. Bumangon ako't kinusot-kuso ang aking mga mata. Humikab ako't nag-unat. Umalis ako sa kama para lumabas. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Dire-diretso ako sa ref. Binuksan ko iyon at kinuha ang isang bote ng mineral water. Uminom ako ng kaunti saka ibinalik ko din iyon sa loob. Aalis na sana ako nang may naramdaman akong tao sa dining chair. Natigilan ako't dahan-dahang napalingon doon.
Napasapo ako sa aking bibig at halos matalon ako sa gulat! "P-papaanong..." nanghihina kong sambit.
Prente siyang nakaupo sa dining chair at nakapangalumbaba. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin. "You didn't answer my calls and text messages. I'm here to pay some visit for my girlfriend. Pinahiram sa akin ng landlady mo ang spare keys dahil hindi ka rin nasagot sa mga katok ko." Tumayo siya't humakbang siya papalapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nagawa niya akong ikulong dito sa pader! "So tell me, my heaven, what's the matter?" seryoso pero naroon pa rin ang panunuyo sa kaniyang boses!
Agad akong umiwas ng tingin. Kinagat ko ang labi dahil bigla din kumalabog ang puso ko sa kaniyang inakto!
"My heaven..." maawtoridad niyang tawag sa akin.
"Naguguluhan ako," hindi ko mapigilang aminin iyon. Ramdam ko na natigilan siya. Lakas-loob akong tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "G-galing akong simbahan kanina... Nangumpisal ako... Humingi ako ng kapatawaran sa Panginoon dahil sa kasalanan na ginawa ko..."
Wala akong narinig na salita mula sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Kunot-noo. Para bang pinag-aaralan niya ang galaw at ekspresyon sa aking mukha.
"At saka... Bakit ba, pakiramdam mo, sigurado ka sa akin? Ni... Hindi pa nga malalim ang ugnayan natin isa't isa..." dagdag ko pa. "Masyadong mabilis ang pangyayari, Rowan..." pumikit ako ng mariin.
"Because I am so much afraid to lose you, Ciel." he finally answered. May bahid na kaseryosohan sa sagot niyang iyon. "Tama nang pumasok ka sa kumbento ng araw na iyon. That was my biggest regret. Ang akala ko noong una, wala na akong pag-asa na mabawi at makuha kita. You leave me no choice."
Muli akong tumingin sa kaniya na hindi makapaniwala.
"Gagawin ko ang lahat para hindi ka na makabalik sa kumbento, Ciel. Magagawa mo naman paglingkuran ang Panginoon kahit kasama mo pa ako. Papayagan kita sa lahat, pero ang iwan mo ako't babalik ka sa pagmamadre, iyon ang hinding hindi ko maibibigay sa iyo." medyo inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. "If loving you is a sin, I want to be a great sinner."
"R-Rowan..."
"If living with you is unholy, I don't want to be holy."
"H-hindi mo maitindihan..."
"If spending my life with you is death, then I want to love and die with you, Ciel." mas matigas niyang sambit.
Kinagat ko ang labi ko para hindi maiyak sa harap niya. Ang hirap naman ng ganito. Hindi ko magawang pumili. Aminado ako, unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Pero gusto ko pang paglingkuran ang nasa itaas. Lalo na't ayokong magtampo si mama sa akin nang tuluyan.
Ramdam ko ang pagkulong ng makabilang palad niya sa aking mukha. "You are my favorite what if, Ciel." he leaned his forehead into mine. He gently close his eyes. "Kahit Diyos na ang kalaban ko sa iyo, I refuse to give up. I'll always fight for you, Ciel..." halos pabulong na iyon.
Pumikit na rin ako. "Natatakot ako, Rowan... Natatakot ako na baka maling desisyon itong gagawin ko sa oras na ikaw na kasama ko." basag ang boses ko.
"No, my heaven. When you're falling in love with me, you did a right decision in your life. I will show you how can I do." namamaos niyang sambit. Dinampian niya ng halik ang aking noo pati ang tungki ng aking ilong.
"Rowan... Natatakot ako sa maaaring sabihin ni mama..."
"Sasamahan kita. Kung tatanggapin niya o hindi ang relasyon natin, hindi pa rin ako susuko. Kahit pahirapan pa niya ako ng ilang beses bago ko man makuha ang kamay mo, hindi pa rin ako susuko." ginawaran niya ako ng isang ngiti. "I will face the odds just to be with you, Ciel."