Prologue

968 Words
Bata palang ako, ipinamulat na sa akin ni mama kung papaano maging isang mabuting Kristiyano. Mula sa pagdadasal bago kumain para magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya na natanggap namin, magdadasal bago matulog para humingi ng gabay sa pang-araw-araw na buhay, magdadasal na gamit ay ang rosaryo, ang magsusuot ako ng bestida na hindi masyadong kita o bakat ang aking kurba para hindi mabastos nang kung sinuman, lalo na't pinapaaral niya ako noon sa isang Catholic School. Iyon pala, may dahilan kung bakit. Gusto akong ipasok ni mama sa kumbento para maging isang madre. Dati, hindi ko alam kung bakit. Naniwala kasi ako sa tinatawag ako ng Diyos para manilbihan sa kaniya kaya pagkatapos ko ng Kolehiyo, pumayag akong pumasok sa kumbento dito sa Tagaytay. Hindi lang pagiging tagapagsilbi sa simbahan ang gagawin ko, katabi din pala ng kumbento ang bahay-ampunan. Kami ang mga madre ang magtuturo sa kanila ng mga tamang-asal at kung ano ang mga dapat nilang matutunan. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkatapos ay pinihit ko ang pinto ng kuwarto kung saan ako natutulog. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang babaeng namimilipit sa sakit. Naliligo na ito sa pawis. Agad ko siyang dinaluhan. "Sister Thelma?" tawag ko sa kaniya sabay hawak sa kaniya ."A-anong nangyayari sa iyo?" medyo nataranta ako dahil sa pag-aalala. Napangiwi siyang bumaling sa akin. "Masakit ang puson ko, sister Ciel. Magkakaroon na yata ako ngayong buwan..." nanghihina niyang sambit. "M-may gamot ka ba d'yan?" "Iyon ang problema ko, eh. U-ubos na 'yung gamot ko—" "Bibilhan kita sa labas. Maaga pa naman." alas siete palang naman ng gabi, kaya maaga din naman ako makakabalik dito sa kumbento. "S-sigurado ka ba?" Tango ang naisagot ko. Dinaluhan ko muna ang back pack ko pagkatapos ay nilabas ko ang wallet ko bago ako tuluyang nakaalis sa kuwarto. Iniwan ko muna si Sister Thelma. Pinili kong dumaan sa secret door. Baka kasi mapagalitan ako ni Mother Superior sa oras na malaman niyang aalis ako ng ganitong oras. Pero mas iniisip ko ang kalagayan ng kasamahan kong madre. __ Nagpasalamat ako nang makuha ko na ang gamot na kailangan ko. Oras na para bumalik na sa kumbento. Para na din gumaling na si Sister Thelma. Marami pa naman kaming gagawin bukas. Itinulak ko ang pinto ng botika. Naglakad na ako sa gilid ng kalsada. Kampante pa akong naglalakad dahil wala na masyadong tao, maliban nalang sa mga nadadaanan kong mga bar at resto. Weekend ngayon at karamihan sa mga ito ay puno dahil dumadayo pa ang mga taga-Maynila dito sa Tagaytay, marahil dahil sa relaxation na kailangan nila. Sana naman ay maging maayos sila pagkauwi nila. Diyos ko, kayo na po ang bahala magbantay sa kanila. Nawa'y mag-iingat sila. Patuloy ako sa paglalakad. Tanaw ko na din ang kumbento. Dadaan na sana ako sa gilid nang biglang may humigit sa akin. Titili sana ako nang naunahan naman ako—biglang tinakpan ang bibig ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang matagpuan ko ang sarili ko dito sa eskinita. Madilim at talagang hindi ko maaninag masyado ang lugar na ito. "Finally," isang baritonong boses ang aking narinig mula sa aking gilid. Kung hindi ako nagkakamali, talagang itinapat niya ang kaniyang bibig mismo sa aking tainga. "Sister Celestina, or should I call you, Ciel?" Sino ito? Papaano niya ako kilala? Sa pagkakatanda ko, hindi ako masyadong malapit sa mga lalaki! Hindi ko lang inaasahan na tinanggal niya ang kaniyang palad sa aking bibig. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Napatulala ako dahil isang chinito ang humigit sa akin dito. Mas matangkad siya sa akin. Hanggang balikat niya lang ako. Naka-corporate attire pa ito! "S-sino ka?" nanghihinang tanong ko sa kaniya. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya maalala! "You are the chosen one to reach the heaven with me, sister." malamig niyang tugon. Humakbang siya palapit sa akin. Gusto ko sanang umatras pero hindi ko magawa. Ni ayaw gumalaw ng mga paa ko! Bakit ganoon?! "A-anong ibig mong sabihin?" nanginginig ang boses ko. His eyes darted on me. He lift up my chin. "You are chosen to please me, my heaven." then he give me a devilish grin. Bakit may heaven na pinagsasabi ang isang ito? "H-hindi ko alam ang sinasabi mo—" hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko nang bigla akong sinunggaban ng isang mainit at mapusok na halik sa aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sinubukan kong itulak siya pero hindi ko magawa dahil masyado siyang malakas. Sa oras na tinutulak ko siya, siya naman ang pagdiin ng sarili niya sa akin. Hindi ko rin magawang igalaw ang binti ko. Pero bakit ganoon? Bakit nanghihina ang mga tuhod ko sa mga halik na iyon? "I hope this is your last minute as a f*****g nun, Ciel." malamig niyang sambit. May inilabas siyang maliit na papel, napasinghap ako nang napagtanto ko na ipinasok ng lalaking ito ang isang kamay niya sa under garment ko! Doon ko naramdaman ang papel na hawak niya kanina! Talagang doon niya isiniksik?! "Call me if you think about it, my heaven." Namulat ako na ang Panginoong Diyos ang tumatawag sa akin para pagsilbihan siya pero nagbago ang lahat buhat nang nagkrus ang mga landas namin ng lalaking nakakuha ng aking unang halik. Parang sinasabi niya na kailangan niya ako para siya ang pagsilbihan ko siya sa hindi ko malaman, kung sa anong paraan. Humabol ako ng tingin sa papalayong lalaki. "Sandali!" malakas kong sabi. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa aking direksyon. He's waiting. Lumunok ako. "S-sino ka ba talaga? A-anong pangalan mo?" Again, he smirked. "Rowan Ho, my heaven. Remember that." binawi na niya ang kaniyang tingin saka muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad niya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. And yes, this is my last night as a nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD