Chapter 12

1255 Words
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni Fia sa mga kinuwento niya tungkol sa napaginipan niya. "Sigurado ka ba? Kakampi ba talaga siya?" Nag aalinlangan na tanong ni Letizia. "Oo, at sana hindi siya patibong," tugon ni Fia. "Sabagay, sa pangalan palang niya ay muka namang mabait siya. Godric, mag god kaya siguro angel nga siya na pinadala ni lord para tulungan tayo," saad ni Maria shawn. Tumayo si Fia at kinuha ang libro sa kama niya. Binuklat niya ang pahina nun sa page kung saan nandun si Cain. "Sa panaginip ko ay sinabi ni Godric na padating na si Cain. I think kailangan na nilang maghanda. Ang dimonyong ito ay may kakayahang dumukot ng dalawang puso," sambit ni Fia sa mga kaibigan niya. Napatayo sa gulat si Janisa, "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. "Oo, dalawa na ang susunod na mamatay sa kanila," seryosong tugon ni Fia na kinalilito din niya. Napailing si Marianne. "Kawawa naman sila. Sino naman ang dalawang mamatay sa kanila?" Tanong niya. "Sino kina Blaire, Khaine, Vhangz at Sydney?" Tanong din ni Letizia. Sumiryoso ng tingin si Fia sa kanila. "Gusto n'yo bang tulungan natin sila?" Tanong niya sa mga kaibigan niya. Napatayo at umiling si Maria shawn. "Malaking no! Ayokong madamay. Kasalanan nila yun kaya magbayad sila. Mga wala silang puso!" Galit na sambit niya. "Tama si Maria shawn," sang ayon ni Janisa. "Pero may tamang bagay para gumanti, hindi yung marami nilang buhay ang mawawala" sagot ni Fia. "Buhay din naman ni Snow white ang kinitil nila kaya buhay talaga ang labanan," sagot naman ni Marianne. "Hindi nyo ako naiintindihan. Kapag nagpatuloy ito, hindi na tatanggapin sa langit ang kapatid ko. Malaking kasalanan sa diyos ang pagkitil sa kapwa tao," sagot ni Fia habang maluha-luha na ito. "Sabagay, tama ka. Pero kung tutulungan natin sila, parang kinalaban na natin ang kapatid mo," sabat ni Letizia. Gulong gulo ang isip nila. Hindi nila alam kung ano nga bang dapat nilang gawin. Pero isang solusyon ang pumasok sa isip ni Fia. Kailangan na nilang pumunta ni Carter sa mazdean. **--** Magang maga ang mata ng magkakaibigan habang walang gana silang kumakain sa kwarto ni Blaire. Mayamaya ay binasag ni Vhangz ang katahimikan. "May solusyon paba para makatakas sa kamatayan na ito?" Tanong niya. "Hindi ko alam. Kung meron man, sumuko na tayo sa mga pulis," sagot ni Sydney. Napatayo si Blaire. "Ayoko! Hindi pwede!" Sigaw niya. "Eh ano gagawin natin? Hihintayin mo nalang ba na isa-isa tayong mamatay?" Sabat ni Khaine. Sa gitna ng debate nila ay biglang nakatanggap ng text message si Khaine galing sa isa sa kaibigan nila. Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa niya ng maramdaman niyang nag vibrate 'yun. Pagbukas niya sa cellphone niya ay nanlaki ang mata niya sa nabasa niya. "Guys, nag message saakin si Mary shantal," saad niya na kinatigil ng lahat. "What? Pati ikaw?!" Gulat na tanong ni Blaire. "Anong sabi?" Tanong ni Sydney. Binuksan ni Khaine ang message at ng mabasa niya ang mensahe ay napaluha siya. Gaya ni Vhangz ay nabitawan din niya ang cellphone niya. "Ano ito? Pati ako, sinusundo na din niya?" Sambit ni Khaine na kinabigla nilang lahat. "Anong ibig mong sabihin? Dalawa na agad kayong susunod kay Mary shantal?" Tanong agad ni Sydney. Hindi na kinaya ni Khaine. Hinila niya si Vhangz palabs ng bahay nila Blaire. Agad naman silang sinundan nila Sydney. "Wait, saan kayo pupunta?" Pampipigil ni Blaire. "Sa bahay nila Fia. Sasabihin na namin sa kanila ang lahat lahat. Baka dito sakaling makatakas tayo sa kamatayan na nakaabang saatin." Desididong sagot ni Khaine. "Huwag. Hindi pwede. Pare-parehas tayong sasabit dito," saad ni Blaire. Nagulat si Vhangz ng biglang sinuntok ni Blaire si Khaine sa likuran nito na naging dahilan para mawalan siya ng malay-tao. "Anong ginawa mo?" Galit na tanong ni Vhangz. "Vhangz may ibang solusyon. Akong bahala sainyo. Hindi kayo mamatay. Babantayin namin kayo," saad niya saka niya binuhat si Khaine. "Halika, tulungan mo akong buhatin si Khaine. Itatali natin siya para hindi makaalis sa bahay na'to," saad pa ni Blaire na sinunod naman agad ni Vhangz. Tulong tulong sila sa pag buhat kay Khaine. Tinali nila ang paa at kamay nito sa kama ni Blaire. Nagulat nalang din si Sydney ng pati si Vhangz ay sinuntok din ni Blaire sa likuran kaya nawalan nadin ito ng malay-tao. Nabuwal siya at pati si Vhangz ay tinali nadin. "Ano bang plano mo?" Naguguluhang tanong ni Sydney. "Akong bahala sainyo. Walang mamatay at walang makukulong." "Paano kapag nalaman ito ng mga magulang nila. Baka pagalitan tayo nila tita," tanong pa niya. "Ako nang bahalang magpalusot. Sasabihin ko na magpapasama muna ako dahil wala na akong kasama dito sa bahay. Please, tulungan mo nalang ako. Huwag ka nang kung ano-anu pa ang tanong at ginugulo mo lang ang isip ko. Basta bantayan lang tayo. Walang iwanan." Hindi alam ni Sydney kung ano ang tumatakbo sa isip ni Blaire. Sa sarili niya, gusto narin niyang sumuko. Baka yun na nga ang paraan para makaligtas pa sila. Naawa man siya sa nakatali niyang mga kaibigan ay wala siyang magawa. Kapag kasi gusto ni Blaire, gusto niya at walang makakapigil dito. Sa ngayon ay pauubaya na muna niya ang lahat kay Blaire. Pero kapag alam niya na pa mali na ang landas niya ay hindi na siya magdadalawang isip na takbuhan ito at magsumbong na sa mga pulis. **--** Nag aabang sa park si Carter ng makita niyang naglalakad si Fia. Agad niyang nilapitan ito at kinausap. "Fia?" Nagulat si Fia ng makita niya si Carter. "Uy, ikaw pala Carter, saan ka galing?" "Sa bayan. May binili lang. Ikaw saan ka galing?" "May dinaanan lang ako sa bahay nila Janisa." "Anong balita? Nga pala, patay narin si Mary shantal. Nakakatakot. Sunod-sunod sila no?" "Oo nga, anyway, may goodnews ako," saad ni Fia. "Ano 'yun?" "May dadatnan tayong kakampi sa mazdean." "Talaga? Ayos kung ganun. Pero, sino naman siya?" Bago sumagot si Fia ay inaya muna niya si Carter sa isa sa upuan sa park. "May napanaginipan ako. Pumasok sa panaginip ako ang isa sa alaga ni Snow white. Makikipag tulungan daw saatin si Godric," kwento ni Fia. "Si Godric? Ang isa sa alaga ni Snow white na ang sinasabi sa libro ay misteryoso at walang sino man ang may alam kung ano ang tinataglay niyang kapangyarihan?" "Oo, ang sabi niya saakin ay hindi daw talaga siya dimonyo. Isa daw siyang anghel na pinababa ng diyos upang itama ang landas ni Snow white." "Ibig sabihin kaya siya misteryoso ay walang alam ang kampon ng mga dimonyo na anghel si Godric kaya hindi nila alam ang kakayahan nito?" "Ganun na nga," maikling sagot ni Fia. Sa nalaman ni Carter ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. Lumalaki ang ang chance na maari niya pa ulit makita ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Labis na siyang nanabik kay Snow white. "Miss na miss ko na ang kapatid mo. Sana talaga ay makita at mayakap ko pa siya." Sandaling natahimik si Fia. "Sakaling iba na ang pag iisip niya, mamahalin mo pa ba siya? Hindi ka ba matatakot?" Seryosong tanong ni Fia. "Kahit ano pa siya at iba na ang pag iisip niya ay siya at siya parin ang pipiliin at mamahalin ko. Ibabalik ko ang dati niyang pag iisip at ako ang magtatama sa tamang landas na tatahakin niya," seryosong tugon ni Carter. "Masaya ako sa sagot mo. Tama nga na ikaw ang napili ko na isama sa mazdean. Lahat lahat ay gagawin natin, maibalik lang sa dati si Snow white."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD