CHAPTER 8

3477 Words
AYVEE’S POV: Malalaki ang hakbang kong naglakad palayo sa bahay na ‘yon at inis kong hinawi ang aking buhok. Bakit ba kasi nagkita ulit kami ng lalaking iyon at siya pala ang among pinagnanasaan ni Badiday? Hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli at bigla kong naalala ang sinabi ni Marita sa’kin noong minsang pinuntahan ko siya. Paulit-ulit naman akong tinatawag ni Badiday pero hindi ko siya nililingon dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa’kin ni Marita. Kung ganoon ay nasa panganib ang lalaking iyon at wari ko’y wala siyang kaalam-alam na may masamang balak sa kaniya si Don Manolo. “Yawa ka E.C! Maghinto ka naman oy! Ang hirap mong habulin pagod na ‘ko!” Reklamo ni Badiday at bigla naman akong huminto sa paglalakad. Pumihit ako paharap sa kaniya na nakakunot ang noo at siya nama’y napahawak sa kaniyang dibdib at habol nito ang kaniyang paghinga. Bahagya pa akong lumapit sa kaniya at pinamey-awangan siya. “Bakit ka kasi sumunod? Saka baka mamaya hanapin ka pa noong amo mo” “Hindot ka! Hinila mo kaya ako.” Lihim naman akong napairap at pinagkrus ko ang aking mga braso. “Bakit ba nagmamadali kang umalis kanina? Nakita mo ‘no?” Pang-aasar niya pa sa’kin. “Tsee! Wala akong nakita. Nagulat lang talaga ako kanina nang makita siya” “Nagulat ka sa kapogian niya? Naku pogi talaga ‘yon si ser! At mukhang ang sharap-sharap tekman. Torotot pa lang ulalam na,” sabay kagat pa ng ibabang labi niya pagkasabi niyang iyon. Napailing na lang ako at malakas na nagpakawala ng buntong hininga dahil sa kamanyakan ng kaibigan kong ito. Totoo namang guwapo talaga ‘yong amo niya. Noong una ko siyang makita sa kuwarto ay nagulat pa ako dahil hindi ko akalaing ganoon kaguwapo ang makaka-one night stand ko sa unang pagkakataon. Maganda rin ang pangangatawan niya at una kong napansin ang mala-pandesal niyang abs. Ang hindi alam ni Badiday ay nakita ko na talaga ang sinasabi niya at higit sa lahat ay siya lang naman ang lalaking nakauna sa’kin. Syempre wala akong balak sabihin sa kaniya ‘yon at nababahala ako ngayon dahil baka ang lalaking iyon ang magsabi sa kaibigan ko na may namagitan sa aming dalawa. Sunod-sunod akong napailing at napahawak na lang ako sa aking ulo at mabilis na tumalikod kay Badiday. Muli akong naglakad at nagulat pa ako nang humarang siya sa aking harapan at napahinto naman ako. Makahulugan niya akong pinagmasdan at itinaas pa nito ang isa niyang kilay. “A-anong k-klaseng tingin ‘yan Badiday?” Nauutal kong saad sa kaniya. “Siguro kras mo si ser ‘no?” “Huh! As if naman ‘no!” singhal ko sa kaniya. “Hindi ako magkakagusto sa lalaking ‘yon” “Sa bagay dahil loyal ka kay Rupert ‘yon nga lang dili siya naging loyal sa imo dahil kumadyot siya ng mukhang heto eh.” Hindi na ako nagsalita pa at nagpaalam na rin ako sa kaniya. Nang makarating ako sa aking sasakyan kung saan ito nakaparada ay kaagad naman akong sumakay. Kinalikot ko ang telepono ko at hindi ako nag-alinlangang burahin ang lahat ng mga ala-ala namin ni Rupert at maging ang number niya ay binura ko na rin sa telepono ko. Isa na lang siyang masamang ala-ala sa’kin na kailanman ay hindi ko na puwedeng pagtuunan pa ng pansin. Pagkababa ko sa kotse ay naabutan ko namang paalis na si daddy at kasama niya ang kabit niyang si Tita Jean. Naaawa ako kay mommy dahil tuluyan na niyang pinabayaan ito na para bang hindi na niya ito asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa’kin ang lahat kung bakit sila naghiwalay na lang. Parang kailan lang ay masaya pa kami at nagising na lang ako isang araw na nagdesisyon silang maghiwalay at sinama naman ako ni daddy. Habang nakatanaw ako sa kanila ay tuloy-tuloy naman ang pagpatak ng aking luha dahil dapat si mommy ang kasama ni daddy ngayon at hindi ang hitad na si Tita Jean. Silang mag-ina ang nagpapakasasa sa pera ni daddy at akong sariling anak niya ang natitiis niyang maghirap ngayon. Nang makaalis na sila ay saka lamang ako pumasok ng bahay at naabutan ko naman si Suzette na prenteng nakaupo sa sofa at ang dalawang paa niya ay nakapatong sa center table. Kumakain ito ng grapes at napalingon pa siya sa kinaroroonan ko. Sarkastiko siyang ngumiti sa akin at pagkuwan ay inirapan ko naman siya. Aakyat na sana ako sa kuwarto ko nang marinig ko siyang magsalita kaya bigla akong napaharap sa kaniya. “Kung alam mo lang kung gaano kasarap si Rupert. Nakakabaliw, ang sarap maya’t-mayain.” Napataas ang isang kilay ko at ngumisi sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kaniya at siya naman ay abala pa rin sa pagkain niya ng grapes. Gusto ko siyang batukan o ‘di kaya ay isubo sa kaniya ang mga iyon para mabulunan siya ng tuluyan. Bagay lang sa kaniya ‘yon malandi kasi siya. Umupo ako sa harapan niya sa pang-isahang upuan at pinagkrus ko ang aking mga binti. Napatingin pa siya sa suot ko at mahinang tumawa. Oo nga pala nakalimutan kong magpalit ng damit at suot ko pa rin ang damit ni Badiday na pinahiram niya sa’kin dahil sa pagmamadali ko kanina. “Ah talaga ba? Sayang naman, sana pala tinikman ko muna siya bago ako tumikim ng iba para maipagkumpara ko kung talaga bang masarap siya.” Natigilan siya at ako nama’y mapang-asar siyang nginitian. “So, sa bar ka na rin ba nagtatrabaho tulad ng kaibigan mong malandi? Ano nga bang pangalan niya?” Naikuyom ko ang dalawang palad ko at hindi ko pinahalata sa kaniya na napikon ako dahil sa sinabi niya tungkol sa kaibigan ko. Tumayo ako at lumapit pa ako sa kaniya. Itinukod ko ang isang kamay ko sa sandalan ng sofa at pinakatitigan siya. Nakatitig din siya sa’kin na animo’y gusto akong sampalin nito. “Bantayan mo ang asawa mo. Who knows na baka isa siya sa maging customer ko.” Gigil niya akong pinagmasdan at ako naman ang ngumiti sa kaniya nang mapang-asar. Tinalikuran ko na siya at nakita ko namang nakatayo si Rupert sa may hagdanan at mataman kaming pinagmasdan. Siguro ay narinig niya ang mga sinabi ko at wala naman akong pakialam kahit na narinig niya ‘yon. Umakyat na ako at ng matapat ako sa kaniya ay hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako sa pag-akyat. Nakatitig lang ako sa aking harapan pero alam kong nakatingin siya sa’kin. Hindi ako nagsalita at naramdaman ko na lang na unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko at tuluyan na niya akong binitawan. “I’m starting to forget you Rupert kaya huwag mo na akong hahawakan at kakausapin dahil wala ka ng puwang sa puso ko at isa ka na lang basura sa paningin ko.” Pagkasabi kong iyon ay tuluyan na akong umakyat papunta sa kuwarto ko. Pabagsak ko itong isinara at padausdos naman akong umupo sa sahig. Pinilit kong maging matapang sa harap niya dahil ayokong maging katawa-tawa sa paningin niya lalo na sa asawa niyang si Suzette. Bigla namang nagring ang telepono ko at nakita kong si mommy ang tumatawag. Bago ko pa ito sagutin ay huminga muna ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko. Alam pa naman ni mommy kung may dinaramdam ako o ‘di kaya’y may problema. “Hi mom, kumusta po?” Masayang bati ko sa kaniya pagkasagot ko ng tawag niya. “Ito, anak medyo maigi na ang pakiramdam ko. Salamat sa pinadala mong pera. Pero bakit ang laki naman yata nang pinadala mo? Hiningi mo ba ‘yon sa daddy mo?” “Hindi po ma, iyong iba po do’n naipon ko saka iyong iba galing sa sahod ko may trabaho na po ako,” pagsisinungaling ko sa kaniya. Ang totoo niyan ay tinanggal ako sa trabaho dahil nilalandi ko raw ang may-ari ng resto na pinapasukan ko. Nakita kami ng asawa ni Sir Anton sa opisina niya at nakayakap naman siya sa’kin sa may likuran. Pilit niyang niyayakap ako at gusto niyang halikan pero panay ang iwas ko sa kaniya. Ginagalang ko pa rin siya dahil boss ko siya at alam kong matagal na niya akong pinagnanasaan pero panay ang iwas ko sa kaniya. Hindi ko alam na aabot kami sa ganito at ako pa ang binaligtad niyang nang-akit sa kaniya kaya pinagsasampal ako ng asawa niya at pinaalis na lang sa resto. “Mabuti naman anak. Alam ba iyan ng daddy mo? Hindi ba siya nagalit sa’yo?” May pag-aalalang wika niya. “Wala naman po siyang pakialam sa’kin at isa pa mas pinagtutuunan niya ang bagong pamilya niya.” Hindi ko narinig na nagsalita si mommy at napapikit na lang ako. Alam kong nasasaktan si mommy at sa tuwing tatanungin ko siya sa dahilan nang paghihiwalay nila ay lagi niyang nililihis ang usapan. Kahit isang beses ay hindi ko sila nakitaan na nagsigawan o nag-away man lang. Isang beses ay nalaman ko na lang na maghihiwalay na sila ay pilit akong sinama ni daddy patungo rito. “Mommy__” “Anak, kung ano ang gusto ng daddy mo sundin mo na lang at huwag mo akong alalahanin dito dahil maayos naman ang lagay ko rito at parati akong binibisita ng mama ni Calixto.” Tipid akong napangiti at nayakap ko na lang ang aking binti. “I miss you mommy, I hope someday everything will be alright. Sana magkasama ulit tayo,” malungkot kong wika sa kaniya. Pinutol ko na ang tawag at hindi ko na hinintay pang magsalita si mommy. Iyong kaninang nagbabadyang luha ko ay tuluyan nang bumagsak sa aking pisngi. Namimiss ko na si mommy at namimiss ko rin iyong buo pa ang pamilya namin at masaya kami. Nagpasya naman akong bumalik sa restaurant kung saan ako nagtrabaho para kunin ang ilang gamit ko sa locker. Nandoon kasi ang bag ko at hindi ko nadala dahil kaagad akong pinalayas ng asawa ni Sir Anton. Pagkatapos kong kunin iyon ay mag-aapply ako sa iba para naman may pantustos din ako sa ibang pangangailangan ko. Hindi na ako humihingi kay daddy dahil tiyak na magbibigay lang din siya ng kondisyon kung sakaling hilingin ko ‘yon. Ipinarada ko ang sasakyan ko malapit sa restaurant at nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako. Binuksan ko na lang ang pintuan at napatingin pa sa’kin ang manager at tinaasan ako ng kilay. Hindi ko na kailangan pang maging mabait sa harap niya dahil una sa lahat ay pinaplastic din naman niya ako noong bago pa lang ako rito. Alam kong hindi niya ako gusto dahil sa special treatment na pinapakita sa’kin ni Sir Anton at iyon pala ay may pagnanasa na sa’kin ang manyakol na ‘yon. “Aba at bumalik ka pa talaga ah,” mataray na salubong sa’kin ng manager. “I forgot my bag in my locker. I just came here to get my things,” taas ang isang kilay kong sagot sa kaniya. “Pa-english-english ka pa, hindi bagay sa’yo malandi ka,” mariing sabi nito. Inirapan ko lang siya at sabay talikod ko sa kaniya. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Alam kong sinundan niya ako at paliko na sana ako sa may locker room ng may narinig akong malakas na kalabog. Hinanap ko ito at nakita ko si Rupert at Sir Anton malapit sa kitchen. Nakahawak si Rupert sa kuwelyo ni Sir Anton at kita ko ang galit niya sa kaniyang itsura. Lalapitan ko sana sila nang magsalita si Rupert at idiniin niya pa lalo ito sa pader. “Anong ginawa mo kay Ayvee?” may halong gigil nitong saad. Pagak na tumawa si Sir Anton at ngayon ko lang napansin ang dugo sa gilid ng labi nito. Parang nanghihina na siya at gulo na rin ang buhok niya. “Ikaw naman kasi, bakit pinagpalit mo siya sa anak ng kabit ng daddy niya? Tinulungan ko lang siyang makalimot Rupert at hindi ko alam na ganoon pala siya kasarap.” Isang malakas na suntok ang ginawad niya kay Sir Anton at napatutop na lang ako sa aking bibig sa sobrang gulat. Susuntukin niya pa sana ito nang tumingin sa’kin si Sir Anton at isang nakakaloko na ngiti ang binigay niya sa’kin. Tumingin din sa kinaroroonan ko si Rupert at gulat na gulat ang kaniyang itsura. Unti-unti niyang binitawan si Sir Anton at humarap sa’kin. “Ikaw? Magkakilala kayo ni Sir Anton?” Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at pinunasan naman ni Sir Anton ang dugo niya sa gilid ng kaniyang labi. “Tell her Rupert. Sabihin mo sa kaniya kung paano ka magmakaawa sa’kin na tanggapin ko siya kahit na wala naman siyang alam sa ganitong trabaho. Iyong mayaman ka pero ganitong trabaho ang pinasok mo” “Shut up Anton!” sigaw ni Rupert sa kaniya habang nakatingin sa’kin. “S-si Ayvee m-mayaman?” dinig kong sabi no’ng manager sa aking likuran. Lalapitan sana ako ni Rupert nang mabilis akong tumalikod sa kanila. Dere-deretso akong lumabas ng restaurant at saktong paglabas ko ay hinawakan niya ang kamay ko at iniharap sa kaniya. Tinanggal ko ang kamay niya at sinamaan ko siya nang tingin. “So, naaawa ka sa’kin ganoon ba?” garalgal ang boses kong tanong sa kaniya. Yumuko lang siya at pagkuwan ay mataman akong tinitigan. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sa’kin kaya panay buntong-hininga na lang niya ang aking naririnig. “I want to help you A.C” “Well, I don’t need your help. Asikasuhin mo na lang ‘yong asawa mo at magiging anak niyo. Ikaw na rin ang nagsabi na kalimutan ko na ang tungkol sa’tin ‘di ba? Pero bakit nanghihimasok ka pa rin sa buhay ko?!” sigaw ko sa kaniya at nanatili lang siya nakatingin sa’kin. Nang walang katagang lumabas sa kaniya ay pumihit na ako patalikod at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Tila hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at mas lalong humigpit ang yakap niya sa’kin. “I’m sorry hon, I want you to listen of what I’m about to__” Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya nang kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at hinarap siya at saka siya sinampal. “Sorry? Sorry for what? For betraying me? For making Suzette pregnant? What did I do wrong Rupert? Why are you doing this to me?!” singhal ko sa kaniya at halos manginig na ang katawan ko dahil sa galit ko. Marahan akong tumalikod sa kaniya at naglakad na patungo sa aking sasakyan. Hindi na niya ako hinabol pa at hindi ko lubos maisip na siya pa ang nagpasok sa’kin sa trabaho dahil sa awa at iyon na ang tingin niya sa’kin ngayon. Umuwi na lang ako sa bahay at nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari. Mabuti na lang ay hindi ko nakita ang dalawang mangkukulam dahil baka mas lalo lang akong mabadtrip kung sakaling dumagdag pa sila. Inabala ko na lang ang sarili ko kinabukasan sa paghahanap ng trabaho. Graduate ako ng Business Administration dahil sabi sa’kin ni daddy balang araw ay ako na ang hahawak ng ibang mga negosyo namin. Pero mukhang hindi na mangyayari pa ‘yon. Nag-ikot ikot pa ako kung saan puwedeng mag-apply pero lahat sila ay iisa lang ang sinasabi. Kailangan daw nila ng working experience at dahil wala ako no’n ay mas lalo akong nahirapan. Halos buong Maynila yata ay naikot ko na sa paghahanap ng trabaho at inabot na rin ako ng gabi sa daan. “Paano naman ako magkakaroon ng experience kung hindi ako matatanggap?! Graduate naman ako saka maganda naman ako ano pa bang hahanapin nila? Willing to learn naman ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napasubsob na lang ako sa manibela. Ilang sandali pa ay nag-angat ako ng mukha at inayos ko ang aking sarili. Tumingin ako sa rearview mirror ko at pinasadahan ko pa ang itsura ko at medyo nawala na rin ang lipstick ko. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa aking upuan. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaliwang bahagi ko at nakita ko ang naka-paskil sa may pintuan ng clothing boutique. Naghahanap sila ng sales lady at binasa ko ang mga qualifications nila. Napangiti ako at mabilis kong kinuha ang resume ko na nakapatong sa dashboard at kaagad na lumabas ng kotse. Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong naman ako ng isang babae na wari ko’y sales lady din dito. Malapad siyang ngumiti sa’kin at sinabi ko na mag-aapply ako bilang sales lady. Hindi naman siya makapaniwala na iyon ang inaaplyan ko kaya tanging ngiti na lang ang ginawad ko sa kaniya. Naghintay naman ako ng ilang minuto at dumating din ang manager nitong boutique. Nginitian niya ako at binasa niya ang resume ko. “You are Miss Ayvee Cassandra Constantino?” nakangiting tanong niya. “Yes po maam. Tanggap na po ba ako? Huwag po kayong mag-alala gagalingan ko po sa trabaho at sisipagan ko po” “I’m sorry Miss Constantino may nakuha na rin kasi kami at nakalimutan lang naming tanggalin iyong nasa labas.” Napayuko na lang ako at marahang tumango na lang sa kaniya. Bagsak ang balikat kong bumalik sa aking sasakyan at pabagsak akong sumandal. Hinilot ko ang aking sentido na para bang nanakit ito. Kaagad ko namang binuksan ang engine ng sasakyan ko at pinaharurot ito. Wala na ako sa tamang pag-iisip ko nang huminto ako sa tapat ng bahay ng amo ni Badiday. Sandali akong nag-isip at ilang sandali pa ay bumaba na ako ng sasakyan ko. Nagdoorbell muna ako at ng walang nagbubukas ng gate ay aalis na sana ako ng biglang bumukas ito. Nagulat pa ako ng siya ang masilayan ko, ang lalaking nakatalik ko ng isang gabi. Wala itong suot na pang-itaas at tanging itim na short lang ang kaniyang suot. Tumutulo rin sa katawan niya ang kaniyang pawis kaya naman nag-iwas ako ng aking tingin. “I’m glad you’re back. Have you made up your mind that’s why you are here?” Tumikhim pa ako pagkasabi niyang iyon. “Siguro naman hindi araw-araw ang trabaho ko sa’yo?” Natawa pa siya at niluwagan naman niya ang gate para makapasok ako. Pumasok na muna kami sa loob ng bahay niya at naupo naman ako sa mahabang sofa. Nakayuko ako at nialalaro-laro ko naman ang daliri ko dahil sa nararamdaman kong kaba ngayon. Papasok na ‘ko sa isang desisyon na kahit kailan ay hindi ko maisip na magagawa ko balang araw. Kailangan ko ng pera at mas kailangan din ni mommy ng pera ngayon. Inabutan niya ako ng juice at kaagad ko naman itong tinanggap. Mabilis ko iyong ininom at nang maubos na ito ay inilapag ko iyon sa center table. Binalingan ko siya at nakahalumbaba naman siyang nakatingin sa’kin. Bigla akong nailang at umusog naman ako palayo sa kaniya pero hinapit niya ako sa aking baywang kaya naglapit ang aming katawan. Napalunok ako nang titigan niya ako at bumaba pa ang tingin niya sa aking mga labi. “Don’t worry hindi naman kita aaraw-arawin dahil ayokong mapagod ka.” Bahagya siyang lumayo sa’kin at doon lang ako nakahinga ng maluwag. “Are you willing to start tonight?” “Ano? Ngayon na?!” Gulat kong sambit sa kaniya. Lumapit pa siya sa’kin kaya naman napasandal ako at mariing napalunok ulit. Hinaplos niya ang aking leeg pababa at halos pigil naman ang aking paghinga. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at muli akong binalingan. “I will double the price.” Hindi ako nakasagot at basta lang akong nakatitig sa kaniya. “Pinahirapan mo akong hanapin ka kaya dapat lang na magsimula ka na ngayon. Alam mo bang ilang araw akong nabakante dahil sa’yo?” “Teka bakit kasalanan ko? Ako lang ba ang babae sa mundo?” “But you taste different.” Umiwas ako sa kaniya nang tingin at mariin ko na lang nakagat ang ibabang labi ko. Lumayo na siya sa’kin at tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko at kahit na siya pa ang nakauna sa’kin ay nararamdaman kong hindi lang tulad ng una naming ginawa ang magaganap ngayon. “Let’s go to my room at may damit ka nang nakahanda roon.” Gulat akong napatitig sa kaniya at nauna na siyang umakyat. “My God tama pa ba itong ginagawa ko?” Bulong ko sa aking sarili habang nakamasid sa lalaking iyon paakyat ng hagdan. “Puwede na rin tutal guwapo naman siya at malaki ang tweety bird saka hindi na rin ako lugi sa kaniya.” Pagkasabi kong iyon ay sumunod na rin ako sa kaniya kahit na hindi pa rin nawawala ang kaba ko sa aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD