~ SA ISLA NG DULOM ~ MULA SA MALALIM na bahagi ng karagatan, umahon ang maalamat na halimaw na tinatawag na ‘atervih’, ang sinaunang halimaw na ito ay may malakas na kapangyarihang kayang pumatay ng isang batalyong sundalo sa isang kumpas lamang. Mula sa pagiging halimaw na may anyong pagong na may mahabang leeg, buntot at mga palikpik, ang asul na nilalang na may kulay itim na kristal sa noo at may mga batong kumikislap-kislap sa buong katawan ay naging kawangis ng diwatang may taas na sampung talampakan. Agad natuyo ang kulay langit na balat na kumikinang-kinang ng babaeng atervih na nagngangalang ‘Rangawey’, may manipis na mahabang itim na kasuotan at pakpak na kawangis ng palikpik ng isda, siya ang atervih ng dagat ng Ezharta. Nilipad-lipad ng hangin ang mahaba niyang kulay puting buh