SA PAG-ATAKE NG mga kalag, dumepensa ang pitong mandirigma ng Ezharta. May tatlong umatake kay Nate, ang isa rito ay hinarap ni Claryvel. Ang dalawa ay hinarap niya, nakipagsagupa ang kanyang sangtron sa espada ng mga kalabang diwata. Nasasalag ng ginawa niyang kalasag ang ibang atake ng mga ito at malaking tulong rin ang mga kinokontrol niyang nakalutang sa hangin na mga dahon na mistulan nang patalim. Ngunit hindi basta-basta ang dalawang kasagupa niya, may mga mahika itong itim, gumagamit ito ng pulbos na tinatawag na maraot. May isinaboy ang dalawa na itim na pulbos, sa paglapit ng mga lumulutang na dahon ni Nate sa mga ito, nasusunog ang mga dahon at agad nagiging abo. Ang isa ay may itim na bagay na pinalabas sa kamay, sinalag ito ni Nate ng gawa niyang kalasag, ngunit nasunog din it