When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KINABUKASAN, NAGMADALI kaming marating ang bunganga ng kuweba na nakasaad sa mapa sa aking palad, ang kuwebang tinatawag na Bulsutan sa bayang ito ng Vhirac. Madilim pa lang ay nag-umpisa na kaming maglakbay. Tinakbo namin ang papunta sa kuweba dahil dapat ay maaga naming marating iyon. Kailangan may liwanag pa upang mahanap namin ang palabas ng kuweba. Sa kalagitnaan ng aming pagtakbo, dumating si Bangis. Pinasakay niya ako sa kanyang likod, napakabilis niyang tumakbo at parang walang pagod. Ang mga kasama namin ay nilipad na ang daan upang makasabay sa bilis ni Bangis. Ang dapat ay halos walong oras na lakad ay nakuha namin ng wala pang tatlong oras. Niyakap ko si Bangis bago siya muling umalis. MAGKITA TAYO SA PALASYO, PAGKATAPOS NG INYONG MISYON, salitang binitiwan niya sa isip ko. A