bc

the beast must die

book_age18+
268
FOLLOW
1K
READ
alpha
dark
possessive
sex
dominant
twisted
bxg
mystery
pack
betrayal
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SPG | R-18 | Mature Content

In where an unknown werewolf who does not belong to any pack, decided to challenge the one of the most powerful alpha that ever existed. He wants them to have a battle in full moon, where the werewolves are in their most powerful form. The thing is, he won. But the Basileio pack refused to accept him as their new alpha, and they wanted him dead.

chap-preview
Free preview
kabanata 1
An Alpha is the leader of a pack of werewolves. They are said to be the strongest, most powerful and the most lethal member of every pack. They possess great power that are very hard to defeat even against multiple average werewolves at once. Kaya naman nang kumalat sa Basileio na may gustong kumalaban sa kanilang alpha ay hindi nila ito sineryoso at pinagtawanan lamang, lalo na’t nalaman nilang hindi ito kilala ng lahat. “Mukhang mas may tsansa pa tayong manalo!” “Eh, paano kung magaling pala talaga iyon?” “Kung magaling siya, sana ay kilala na siya sa buong Basileio.” “Sabagay, mukhang tama ka riyan. Parang gusto lang magpakamatay ng isang iyon.” Nagtawanan ang dalawang lasing ngunit nagpatigil sa kanila ang pagdaan ng isang babae, sabay silang napanganga habang mataman itong pinagmamasdan. A lady with warm tan skin tone, her beige colored hair that is always braided into two tails. Her body’s slim thick, but her loose white shirt does little to show it off. Dainty nose, and oxbow lips. Her crescent shaped eyebrows inclined slightly as she saw the two guys staring at her. Her languid eyelashes of velvet-black blinked once slowly, her amber eyes hit the sunlight when she turned to face them. In a monotonous voice, she asked, “May problema ba?” “W-wala!” Nauutal na sagot ng dalawa. Ngumiti ng tipid ang babae at saka tinalikuran ang dalawa, tahimik nilang sinundan ito ng tingin habang naglalakad ito palayo. Maya-maya ay nagkatinginan silang dalawa at nag-apiran. “Napansin din tayo ni Kali!” Si Kalista Lupus na yata ang pinakamaganda sa pack nila, bukod kasi sa itsura nito ay dumagdag pa ang pagiging matapang nito at mabait sa lahat. Sa katunayan, pati ang ibang alpha ng ibang pack ay nagkakagusto rito. Ngunit bilang respeto sa alpha ng Basileio na si Lionel ay hindi ng mga ito ginagawang pormahan ang dalaga. Si Lionel ay ang kanilang respetadong alpha, maayos ito kung mamahala at pantay ang tingin sa lahat. Ginagawa nito ang lahat upang protektahan sila sa mga kalaban, na nagagawa nito ng walang hirap dahil sa taglay na lakas nito. “Lionel, tama ba ‘yung nabalitaan ko na may gusto raw kumalaban sa iyo?” tanong ni Kali pagkakita niya pa lang dito. Nagpunta siya sa bahay nito sa Basileio nang marinig niya ang balita, sa ilang taon nitong pagiging alpha ay wala pa ni isang nagtangka na kalabanin ito. Kaya’t kung ang ibang tao ay ginagawa lang itong biro, siya naman ay kinakabahala ito. Umupo si Lionel sa mahabang upuan at ngumiti. “Mayroon nga, sa susunod na full moon.” “In full moon?” Hindi makapaniwalang napanganga si Kali. “In your wolf form where you are at your strongest?” Tumango lamang si Lionel kaya’t lumapit si Kali rito at tumigil sa harapan nito, nakakunot ang noo na pinagmamasdan ang binata sa harapan. “Hindi ka ba nababahala rito? Masyadong tiwala ang isang iyon sa sarili niya at balak niya pa na kalabanin ang isa sa mga pinakamalakas na alpha, sa full moon. Where you are in your most powerful form. He may be very powerful, too!” Tumawa ito. “And? He’s just a vagabond, Kali. Sa tingin ko ay hindi niya alam kung ano ang pinapasok niya. Isa pa, alam mong hindi ko pupwedeng tanggihan ang hamon sa’kin.” “Alam ko iyan, pero sana ay maghanda ka. Umaakto ka na akala mo ay normal na araw lang.” Tumayo ito kaya’t napatingala si Kali, saka ito nagsalin ng alak sa hawak na baso, pinanood niya itong uminom bago ito ngumiti. “Wala ka bang tiwala sa’kin?” Hindi sumagot ang dalaga. May tiwala siya rito, at sa lakas nito. Ngunit, hindi pwedeng dahil lang sa malakas ito ay hindi na sila dapat mabahala sa mga pwedeng mangyari. Si Lionel ay sobrang malapit sa kanya, ang pamilya nito ay matalik na kaibigan ng kanilang pamilya. Ang magulang nito ang dating namumuno sa Basileio, ngunit kahit ganoon ay hindi ito naging sakim sa kanila. Mayaman din ang pamilya nito, kaya’t nakapag-ipon ng husto ang mga magulang nito. Kaya ang pinaka-ayaw niyang mangyari sa lahat ay ang mapalitan ito sa posisyon, kapag natalo ito ng gustong kumalaban rito ay mawawala ito. Kung nagkataon ay mapapalitan ang alpha nila ng isang estranghero, na hindi sila sigurado kung pagkakatiwalaan ba nila. Ang masama ay maaaring mamatay pa ang kanilang alpha sa pakikipaglaban dito. “Nagkita na ba kayo ni Gaios? Para naman makalimutan mo ang gumugulo diyan sa isip mo.” Nakangisi siya nitong pinagmasdan. Nag-init ang kanyang mukha bago nag-iwas ng tingin at sumagot, “Nasaan ba siya?” “Nasa siyudad.” Tumango siya at muli itong hinarap. “Saktong tatlong araw ay full moon na, gusto kong maghanda ka ng mabuti. Wag kang masyadong magpakasigurado, ayaw namin na mapalitan ng isang estranghero ang namumuno sa Basileio.” “Kung iyan ang gusto mo.” Ngumisi ito. Dahil doon ay nagpaalam na siya rito. Pagkalabas niya ng kampo nito ay saktong nakasalubong niya si Gaios, nabangga siya rito kaya’t hinawakan siya nito sa magkabilang balikat saka tumatawang umatras ng isang beses. The sight of him made her smile. He had a jawline as sharp as a diamond and a dark copper hair color, and his skin was burnished brown. He was one of the most handsome men Kali had ever seen, and he is her lover. Si Gaios ay ang nakababatang kapatid ni Lionel, isang linggo na ang nakakaraan nang maging kasintahan niya ito. Bata pa lang siya ay may paghanga na siya rito kaya naman nang umamin ito sa kanya sa nararamdaman nito ay lubos na nagalak ang kanyang puso. Naging magkasintahan sila ngunit hiniling niya na huwag muna itong ipaalam sa lahat. Tinanggal ni Gaios ang ilang piraso ng buhok sa mukha ni Kali, hinawakan nito ang kanyang panga at hinalikan ng saglit sa labi. She bit her lower lip. “Galing ka raw sa siyudad sabi ng kapatid mo.” Tumango ito. “May mga binili lang ako.” Bumaba ang tingin ni Kali sa mga itim na plastik na dala nito, kahit kinakain ng kuryosidad ay hindi niya na tinanong kung ano ang sinadya nito. Ang Basileio ay nasa gilid lamang ng siyudad, nasa kalagitnaan sila ng kagubatan. Dahil sa tinagal-tagal ay nagtayo na ang mga ninuno nila rito ng mga bahay, paminsan-minsan ay may dumadayo sa lugar nila na mga normal na tao lamang— na walang kaalam-alam sa tunay nilang uri. Ang mga magulang ni Lionel at Gaios ang nagpatupad ng batas na huwag mananakit ng mga tao, kaya naman nakasanayan na ito ng lahat— ngunit may pailan-ilan na sadyang masasama. Tuwing full moon ay nakakulong sila sa mga sari-sariling kulungan na sinadya para sa kanila para sa tuwing nagpapalit sila ng anyo, dahil bukod sa pamilya nila Lionel ay hindi naaalala ng lahat ang nangyayari tuwing full moon. Bukod doon ay alam din ng mga ito ang kanilang ginagawa kahit na nakapagpalit na sila ng anyo, hindi tulad ng mga normal na werewolves. Kaya’t hindi na kailangan magkulong ang mga ito. Dati ay may mga ilan na hindi kinukulong ang mga sarili kaya’t nakakapanakit ito ng mga tao, pero dahil sa pagiging mahigpit ni Lionel sa batas na iyon ay hindi na ito nangyayari sa ngayon. “Gaios, gusto kong sabihan mo ang kapatid mo na maghanda para sa full moon. Ayaw niyang makinig sa’kin.” Kumunot ang noo nito. “Bakit? Para saan ang paghahanda?” “Diba’t may gustong humamon sa kanya?” “Ayon ba?” Bahagya itong napanguso. “Huwag kang masyadong mag-alala, Kali. Kung sakaling hindi maganda ang mangyayari ay nandoon naman ako.” Nanlaki ang kanyang mata. “Tutulungan mo si Lionel sa laban?” “Kung kinakailangan,” sagot nito at ngumisi. “Ngunit alam naman natin lahat na hindi na dapat. Alam mo kung gaano kalakas ang isang ‘yon.” Ngumiti si Kali ng matamis. “Mas malakas ka ro’n.” “Pinapaikot mo na naman ako.” Umiling ito ngunit hindi nawawala ang ngiti sa labi, muli siya nitong hinawakan sa pisngi at siniil ng halik sa labi. “Sobrang daming nagkakaroon ng interes sayo. I’ve been wanting to mark you, Kali. Nang sa gayon ay wala nang umaligid pa sayo.” Mabilis na umiling si Kali at bahagyang lumayo, nag iwas siya ng tingin at wala sa sariling napahawak sa kanyang leeg. “Hindi pa pwede, alam mo naman na kapag nakita nila ang marka sa leeg ko ay magtatanong sila kung kanino nanggaling iyon.” Nag-angat siya ng tingin sa kasintahan at nagsalita muli, “Hindi pa ako handang ipaalam sa pamilya ko at sa buong pack ang kung anong mayroon sa’tin, Gaios.” “Kinakahiya mo ba ako dahil hindi pa ako ang alpha?” Nanlaki ang mata niya dahil sa tanong nito. “Hindi sa gano’n! Walang kinalaman iyan dito, Gaios. Hindi mo naiintindihan..” Hindi na ito kumibo, kahit pinipilit itago ay nakita ni Kali ang inis sa mata nito. Hindi niya na lang iyon pinansin dahil alam niyang kasalanan niya at gusto lang naman siya nitong ipagdamot. “Ayos lang,” sambit nito at nilagpasan siya para pumasok sa loob ng kampo ng kapatid na si Lionel. “Gaios.” Pagtawag niya rito ngunit hindi na siya nito pinansin at nagdire-diretso lang. Napahawak na lang siya sa kanyang noo at napabuntong-hininga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
482.6K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook