ERIKA POV
Hinawakan ni sir James ang kamay ko at tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata. Isang tanong ang pinakawalan ng kanyang bibig.
"Ayaw mo ba talagang mag aral ulit? Open ulit ang accountancy course sa school namin. I will grant you 100 percent scholarship. Basta wag ka lang babagsak at gagawin pa rin kitang s*x slave ko," pagsusumama niya sa akin.
While sobrang thankful ako na nagmamalasakit sa akin ang amo ko. Kaya lang ay wala na talaga akong plano na ituloy ang pag aaral ko dahil mas gusto kong makitang makapag tapos ang aking mga kapatid at mapagaling ang papa ko.
"Salamat po sa alok ninyo pero kagaya po ng sagot ko nang mga nakaraang araw, hindi ko na po talaga gustong ipagpatuloy ang pag aaral ko. Masaya na po ako sa ganitong estado ng buhay ko."
"Ha?" nanlaki ang mga mata niya sa gulat, "Pero dapat ay intindihin mo rin ang sarili mo kasi paano kung hindi ka tulungan ng mga kapatid mo kapag nakapagtapos sila?"
"Pero pamilya naman po kami at tsaka maayos naman ang pagpapalaki ng mga magulang ko sa akin. At tsaka hindi naman po siguro nila ako magagawang talikuran kasi isinakripisyo ko ang sarili ko sa kanila."
"Makinig kang maigi sa akin, yung mga kapatid mo, kapag nagsipag laki sila, mag aasawa ang mga yan at pamilya nila ang magiging top priority nila. Kaya bago mo sana sila tulungan, hindi masamang tulungan mo rin ang sarili mo. Mahirap maging katulong ka lang kung pwede ka naman mangarap ng mas mataas."
Ang bait bait talaga ng amo kong ito. Napaka matured niya pang mag isip, malibog nga lang siya pero totoong tao at may malasakit sa akin. Pero kasi, hindi na talaga sumasagi sa isip ko ang pagpapatuloy ng aking pag aaral. Sadyang priority ko lang ang pagtulong sa pamilya ko at Diyos na ang bahalang magbalik nito sa akin.
"Sorry po sir pero never na po talaga akong babalik sa pag aaral. Ayaw ko lang din mahati ang atensyon ko, baka sumuko lang ako sa pagwoworking student."
Bigla namang sumulpot si kuya isko sa harapan naming dalawa ni Sir dahilan para bitawan niya ang kamay ko.
"Good morning sir," nakangiting sabi ni kuya isko, umupo siya at hinainan ang sarili niya.
Sure na sure ako na kitang kita ang pag hawak ni sir James sa kamay ko kanina. Baka kung ano ang sumagi siya isipan niya.
"Good morning. Mabuti naman at maaga kang nagising. Mukhang may amats ka pa yata?"
Napakamot ng ulo si isko, "Ahhh... yes po sir... medyo nahihilo lang ako. Napasarap lang po ako ng inom kagabi pero mabuti na lang po at naging maayos naman ako. Isang tasang kape lang ang katapat nito at siguradong mawawala na ang amats ko."
"Siya nga pala, 9:30 tayo aalis at may iuutos pa ako sayo mamaya."
Eksaktong 9:30 naman ng umaga ay diretso na silang umalis gamit ang mamahaling Ferrari ni sir James. Bago nga siya umalis ay nginitian niya ako. Niligpit ko ang pinagkainan nila at naghugas ako ng plato. At nang tanghali, kinuha ko ang mga labahan niya sa cr at maging ang labahan ni isko.
Nag washing ako ng mga damit nila at pagkatapos kong labhan lahat ng ito, nagpunta ako sa kwarto ko para idamay na rin yung ilang damit na labahan ko para hindi sayang yung sabon. Kaya lang, habang kinakalkal ko yung mga damit ko, nakita ko yung bimpong puti na binigay sa akin ni sir. Ito yung ginamit niya kagabi pamunas sa akin.
Nandito pa rin yung dugong may mantsa. Ang sabi niya sa akin, ito raw yung souvenir ko na mag papaalala na siya ang nakauna sa akin. Parang ayaw ko na rin itong labhan kaya nilagay ko lang sa table ng kwarto ko baba. Pagkatapos ko namang mag laba ng aking damit, nagpahinga ako sa aking kwarto.
Nakatanggap ako ng isang text message mula kay Mama Helen habang nakahilata ako sa aking kama. Pagod na pagod ako dahil sunod sunod ang mga ginawa ko ngayong araw.
"Anak, maraming salamat sa 100 thousand mo ha? Alam kong mahirap yung buhay mo jan sa manila pero salamat sa sakripisyo mo."
Halos mapangiti ako at nawala ang pagod ko dahil sa sinabi ni mama. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakakatulong ako sa kanila. Pero ang hindi nila alam, yung 100 thousand na yun ay kapalit ng dignidad ko na dapat ay ibibigay ko sa mapapangasawa ko- ang dapat ay ireregalo ko sa kanya.
Since wala na akong masyadong gagawin, tinawagan ko si mama, "Kamusta po?" tanong ko pa ng sagutin niya ang tawag.
"Anak? Ayos na ayos naman kami rito! Salamat sa padala mo ha? Makakaasa ka na makakarating ito sa papa mo at mga kapatid mo."
Panatag naman ang loob ko sa mama ko. Alam naman niya kung paano i budget ang pera na pinadala ko sa kanya. Bukod rito, maliliit pa ang iba kong mga kapatid kaya naman siya lang talaga ang maaasahan ko pagdating sa pagpapadala ko.
"Sige ma, kamusta pala si papa?"
"Ganun pa rin, nakaratay siya sa hospital," malungkot na sabi niya pa. Damang dama ko lang yung lungkot niya kasi mahal na mahal niya ang papa ko. Kaya noong naospital ito, tinatago niya yung iyak niya sa akin pero alam ko naman ito.
"Sana naman gumaling na si papa-"
"Hay nako sinabi mo pa. Ang laki laki ng bayaran natin ngayon."
"Ma, chill lang kayo. Mabait naman yung boss ko at hindi naman niya ako pinapabayaan eh. Ang pangako naman niya sa akin ay tutulong siya hanggang sa makakaya niya."
Gusto ko sanang dugtungan ang sinabi ko, kaya lang ayaw kong ipagtapat sa mama ko na hindi na ako virgin. Sigurado akong magagalit siya sa akin kapag nagkataon.
"Sige anak. Sana ay wag mo munang maiisipan na mag asawa ha? Ayaw ko lang ng may kahati ako sa perang ipapadala mo," prangkang sabi niya pa sa akin.
Sa isip ko, bata pa naman ako kung tutuusin. Kaya ayos lang sa akin yung sa kanya muna mapupunta ang buong sahod ko kasi libre lang naman ang pagkain at tirahan ko rito. Habang nasa kalagitnaan naman kami ng pag uusap, biglang may nag doorbell sa labas.