ERIKA POV Imbes na si Denmark, ang lumantad sa harapan ko si Sir James. Siya ang may dala ng isang platitong cake sa kanyang kamay. Napatayo ako kaagad dahil sa hiya. Lumapit siya sa akin at binigay ang cake. Tinanggap ko naman ito ng nakayuko sapagkat hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. "It's okay, hindi mo na kinakailangan magpaliwanag sa akin dahil sinabi na lahat ni Denmark. But that is just fine, kinausap na rin niya ako at sana ay magka ayos na kayong dalawa. Tayong apat lang ang nandirito sa mansyon. At marami na rin akong mga problema kaya sana ay wag na tayong mag away away pa," mahabang paliwanag niya pa. Lakas loob naman akong humarap sa kanya, "Sorry po talaga sir James, masyado lang din siguro akong nagpadala sa emosyon ko kaya ko iyom nagawa." "Sig