Chapter 3
Tristan's PoV
NAISIPAN kong mag-commute ngayong araw. Matagal ko na kasing binalak mag-commute pero nawawalan ako ng oras. Isang buwan pa lamang ako rito sa probinsya para asikasuhin ang sarili kong negosyo. Minabuti ko na sumunod kay Kuya Samuel dahil maganda raw ang takbo ng negosyo dito sa probinsya lalo na't maraming mga turista ang namamasyal sa ganda ng Calauag Paradise.
Sa probinsya kami lumaki ni Kuya Samuel ngunit pinili kong manirahan sa Maynila kasama nila Papa dahil sa nangyari noong bata pa ako.
Umaandar ang jeep na sinasakyan ko nang may humabol pang isang pasahero. Nakipagsiksikan ito sa tabi ko. Umusog ako para makaupo ito.
"Manong, pakisiyo po ng bayad!" sabi nito sa katabi ko.
Nang iniabot ng lalaki ang bayad ng babae sa driver tumingin ang driver dito.
"Saan ito Miss?" tanong nito sa akin.
"Sa palengke lang, Manong."
Tumingin ako sa babaeng katabi ko. Pamilyar siya sa akin, at iniisip ko kung saan ko ba siya nakita.
"Kulang ng piso itong pinambayad mo," reklamo ng driver.
Humawak ang babae sa handle na nasa itaas at tumingin sa driver.
"Manong, kahapon sumakay ako rito rin sa jeep mo. Otso pesos lang ang binayad ko sa 'yo, ngayon naman nagtaas ka na ng piso. Pambihira ka naman, Manong, baka sa susunod na araw sampung piso na ang singil mo. Aba maawa ka naman sa aming mga pasahero mo!"
Napatitig ako sa babaeng katabi ko.
Napahanga ako nito dahil sobrang halaga ng pera para rito. At nakakatuwang isipin dahil pareho kami nito.
"Manong, ako na ho ang bahala sa bayad nilang lahat!" malakas na sabi ko at inilabas ang isang libong piso sa wallet ko.
Tumingin ito ng masama sa akin. "Pulitiko ka ba? Kunsabagay malapit na eleksyon. Hayaan mo at iboboto kita kapag lumaban kang Mayor," nakangising sabi nito sa akin.
Hindi ko na sinagot ang babae dahil mukha itong badtrip.
Hinawakan nito ang hanggang balikat nitong blondeng buhok. Mukhang nakikilala ko ang babaeng ito. Tama! Siya iyong tumulong sa akin noong nakaraang araw. Himalang hindi niya ako tinawagan. Mukhang hindi ito nangangailangan ng trabaho. Gusto ko pa sana itong alukin na magpanggap bilang asawa ko.
"Manong, salamat!" sabi ng mga ito sa akin. Nginitian ko lamang sila. Nagsibabaan na ang mga ito sa palengke. Bumaba na rin ang babae. Bumaba na rin ako para sundan ito. Inihabol ng driver ang sukli ko pero hindi ko na iyon kinuha rito.
Napansin marahil ng babae ang pagsunod ko kaya huminto ito at nilingon ako.
"Teka nga... sinusundan mo ba ako? Hoy, wala kang mahihita sa akin wala akong pera!" Singhal nito sa akin.
Tinawanan ko ito. "I'm Tristan Elizarde. Ako iyong tinulungan ninyo noong nakaraang araw."
Umikot ito sa harapan ko. "Ay oo!" Tinapik nito ang balikat ko. "May maitutulong ba ako sa 'yo? Pasensya ka na kanina, a. Badtrip kasi sa akin iyong mga taong mahilig manamantala sa mga tao. Aba mahirap ang buhay ngayon."
Nginitian ko ito. "Gusto sana kitang makausap."
"Ano? Trabaho ba. Saktong-sakto kailangan ko ng pera." Nangislap ang mga mata nito. "Pasensiya na hindi kita natawagan, hindi ko nahintay iyong sinasabi no'ng, secretay mo, nawalan kasi ako ng load."
"I see. Gusto sana kitang alukin ng trabaho," sabi kong nakatitig sa mukha nito.
"Oo naman, sir. Kahit ano." Nilapitan pa ako ng babae.
"Willing ka bang maging asawa ko?" seryoso kong tanong.
Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?"
Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ito dahil sa pangungulit sa akin ni Papa na mag-asawa na raw ako. Pero hindi pa ako nakahanda sa bagay na iyon. Isa pa hindi ko pa nahahanap ang babaeng para sa akin. Hindi pa ako nakahandang magmahal dahil natatakot akong maulit ang nakaraan.
Kaya naman naisipan ko na lang na kumuha ng babaeng magpapangap bilang asawa ko at willing na magsinungaling para sa akin. Ito na lang ang naiisip kong paraan para tumigil na sina Mama at Papa. At maitutuon ko ang sarili ko sa antique shop ko at sa paghahanap sa nawawala kong kababata.
"Hindi mo ba gusto? One month lang naman. Gusto ko lang na may magpanggap na asawa ko. At hindi ba kailangan mo ng pera?"
Hindi umimik ang babae. At tinitigan akong mabuti. Iniisip siguro nito kung mabuti ba akong tao o hindi.
"Para mapanatag ka, gumawa ako ng contract. Nakasulat doon ang mga p'wede at hindi p"wedeng gawin. Nakalagay din doon ang kasunduan nating ito. To be honest, hindi kita gusto. Naisip ko lang na dahil kailangan mo ng pera ay gagawin mo ito para sa akin. I have my words at hindi ko iyon babaguhin. Pero nasa iyo na iyon kung ma-in love ka---"
Tinignan niya ako ng masama. "Ang feeling mo rin, no?"
Nagkibit-balikat ako. "So papayag ka ba o hindi?" Muli kong tanong dito na ikinalaki ng mga mata nito.
"Lilinawin ko lang, a. Kung sakaling papayag akonsa gusto mo, masisiguro ko ba na hindi mo ako lolokohin. Baka mamaya ginagawa mo lang ito dahil... dahil gusto mo akong gantihan." Kinagat nito ang ibabang labi.
"Wala kang kasalanan sa akin. Unless may kasalanan ka sa ibang tao o may pinagtataguan kang sindikato." Inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Luningning.
"Grabe ka naman kung makahusga! Perfect ka?" pang-uuyam na tanong nito sa akin.
Tumingin ako sa sarili ko. "I don't know pero I can make everything perfect." Pagmamayabang ko.
"Wow! Bilib na bilib ka sa sarili mo, no?" nakalabing tanong nito sa akin.
Sumandal ako sa kotseng nakaparada sa gilid. "Look at you, alam ko kailangan mo ng tulong at alam ko rin na hindi kita maloloko. Noong tinulungan mo ako naging wais ka na. Naisahan mo nga ako, e. Pero hindi ko na iyon pinansin dahil kailangan ko ng tulong that time. At kahapon, naging mabuti pa ako dahil binigyan ko ng trabaho ang mga kaibigan mo. Hindi ka ba makokonsensya sa maliit na bagay na hinihingi ko?"
"Balikan mo ako bukas, pag-iisipan ko pa. At salamat ha dahil tinulungan mo ang mga kaibigan ko pero 'wag mong ipamukha iyan sa akin dahil hindi sila lumapit sa 'yo. Ikaw ang nagkusa na gawin iyon kaya wala kang karapatan!" Tumaas ang boses nito.
"So hindi ka pumapayag, well then, aalis na ako at maghahanap ng iba." Akma na akong tatalikod ng harangin ako nito.
"Teka... sandali!" Hinawakan ni Luningning ang kamay ko.
"What?" tanong kong nakangiti rito.
Ilang segundo itong nag-isip habang tinitignan ako pataas at pababa. Naninigurado pa yata ang babaeng ito kung nagsisinungaling ako o hindi. Wais na nga ang babaeng ito sobrang choosy pa. Tsk, mabuti sana kung type ko.
Hinila ko ang kamay kong hawak nito. "Luningning, aabutin ba tayo ng gabi bago ka magdesisyon?" Iretable kong tanong dahil sa mahapding sikat ng araw.
"Sandali lang naman, sir. Nag-iisip pa ako." Humalukipkip ito.
"Okay fine. I'll give you ten minutes." Inilabas ko ang cellphone ko at saka tinignan ang orasang suot ko. Lihim akong napapangiti sa hindi maipaliwanag na itsura ni Luningning habang nakatingin sa akin.