2

2248 Words
Sumapit ang araw ng Sabado at sinabihan ako ni Sir na maaga daw akong pumunta. Bandang mga alas otso. Mixed emotions pero kakayanin ko. Simpleng shirt at pants lang ang suot ko pero ternong undies ang suot ko na binili sa online shop. Sexy na lace at matutuwa sya panigurado kapag nakita niya ang suot kong panloob. Nahirapan lang akong magcommute dahil nakakairita pala ang ganoong undies. Di ko malaman kung paanong upo ang gagawin sa jip at gusto ko nang hilahin ang pang ibaba ko. Basta tinungo ko ang address na binigay niya sa akin at naglakad ako papasok sa isang eskinita. Di ko pa rin maiayos ang undies ko at mamaya na lamang siguro pagdating sa bahay niya. Nasa likod ang bahay niya ng ilang magagarang bahay na may nagtataasang pader. Hanggang sa sumapit ako sa dulong bahay na may front yard at may may dalawang puno na naroon . Wala syang gate kaya nagdiretso ako sa pinto ng bahay. Nagtext ako na naroon na ako sa may pintuan niya. Narinig ko ang pag-unlock ng pinto at agad itong nabuksan. “Ms. Montes, good morning. Pasok ka,” nakangitti ito at mukhang masaya na nakita ako. Pansin kong bagong ligo sya at medyo baka pa nga ang kanyang buhok. “Good morning, sir,” bati ko na nag-aalangan at may pagkamahiyain. “Ready ka na? Kumain ka na ba?” tanong nito agad sa akin habang papasok sa bahay niya. “Opo sir. Kumain na ako.” naglibot ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay. Modern ito at maayos ang loob. Ang neat niya kaya lalo akong napahanga sa lalaki. “So, let’s start,” anyaya nito at nakaramdam ako ng kaba. Di ko na rin inayos pa ang undies ko at bahala na mmaya. Start na raw kasi. “Sige po.” “Maghubad ka na?” walang pakundangang saad niya at nabigla naman ako. Natense ako at di ko akalain na gagawin na agad namin. Wala bang getting to know each other muna? Grabe naman itong si sir. “Dito po ba?” saad ko habang nasa living room nya pa ako. “Ahh, sorry, sa kwarto pala. Halika sasamahan kita.” Napalunok ako at parang di ko maigalaw ang aking mga paa. Pumasok kami sa kwarto na malapit sa sala habang hawak niya ang pulsuhan ko. “Ibaba mo muna yang bag mo. Ilagay mo na lang dyan sa upuan at di naman yan mawawala. Ready ka na ba talaga Ms. Montes? Sana kayanin mong ipagagawa ko sayo. Mahirap talaga to at wala pang nakapasa sa akin.” “Yes sir. Kaya ko po para sa grades ko. Kahit ano po ay gagawin ko” nag-aalangan man ako ay wala na itong atrasan. “Ok. Maghubad ka na at magpalit ka ng damit,” inabot niya sa akin ang isang shirt na longsleeve at parang pajama na pants. “Ano to sir?” pagtataka ko. Akala ko ay maghuhubad pero may isusuot pang iba. Ang pangit pa. “Yan ang isuot mo para proteksyon sa balat mo. Mainit kasi sa labas. Nakikita mo ba yun?” itinuro niya sa akin ang malawak na backyard niya nang buksan niya ang bintana. “Yan ang special project mo. Magtatanim tayo. Bilisan mo nang magpalit at medyo mainit na sa labas. Dapat pala mga ala singko ng umaga kita pinapunta.” “Ha? Seryoso ka sir? Magtatanin talaga?” “Oo. Kaya mo ba? Dito nakasalalay ang grade mo. Ano?” nakangiting tanong nito. “Sige po. Kaya naman. Kayang kaya ko yan. Ako pa?” ang totoo ay bigla akong nanlumo sa sinabi niya at napaupo sa kama. Nakahinga rin ako ng maluwag nang iwan nya akong mag-isa sa kwarto. Nagready pa naman ako at nanood ng mga tutorial videos kung paano makipaglampungan at makipaglaplapan tapos ganito pala ang gagawin ko. Bwisit! Nagpalit na agad ako ng damit. May sumbrero pa para hindi ako maarawan ng todo. “Montes, ano na? Ang tagal mo naman.” Lumabas na ako sa backyard na malaki at malawak. May ilang tanim pero napapabayaan na. Halaan pala ang lalampungin ko. “Anong nangyari dito, sir? Ilang bagyo na ba ang dumaan dito sa garden mo?” may konting inis na saad ko at di pa rin makapaniwala sa gagawin namin. “Wala akong time eh. Buti na lang bumagsak ka sa math at may makakatulong na akong mag-ayos dito,” nakangising saad nito. Hay, ako pala ang hinihintay mo. Ako na lang ang pakasalan mo at pagagandahin ko ang bakuran mo. Bulong ko sa sarili. “Ano yon? May sinasabi ka ba?” “Ako na nga po ang mag-aayos dito. Yun po ang sabi ko.” naggagamas na siya ng damo gamit ng malaking gunting. Ako naman ay nag-aalis ng mga halamang tuyot at patay na. Pagkatapos ay nag-alis ako ng mga damo na nasa paligig ng mga halaman. Inilabas ko ang mga halaman na nasa tabing bahay na di naaarawan at nauulanan. “Dapat kasi di mo tinatago ang mga halaman. Gusto nila ng araw at ulan.” payo ko sa lalaki. “Masyado kasing mainit noong summer kaya nilagay ko sa lilim.” paliwanag nito “Kaya dapat nadidiligan sa umaga at hapon. Nalalanta na tuloy.” paninisi ko pa sa kanya na di marunong mag-alaga. “Wala akong time eh. Sorry na.” nakangisi nanaman ito at nagkatinginan pa kami. Hay, kung di ka lang gwapo. “I-hire mo na lang akong gardener mo. Mura lang ako. Aayusin ko itong mga tanim mo.” “Bakit pa ako magbabayad? Libre ka nga lang ngayon eh at sa palagay ko buong semester ka na dito.” pangungutya pa ng lalaki. “Siguro binagsak mo talaga ako sa test. Nasagutan ko naman lahat ah.” “Hoy Montes. Di ako manloloko at mali-mali naman talaga ang mga sagot mo. Wala ka ba talagang natutunan sa mga tinuro ko? Nakakadismaya. May problema ka ba sa pamilya?” “Wala po akong natutunan kasi ang bilis nyong magpaliwanag tsaka ang totoo, nakakantok kang magturo,” pang-iinis ko sabay ngisi. Napatingin sa akin si Sir ng masama. Di sya makapaniwala sa sinabi ko dahil alam niyang magaling syang magturo ng math. Maraming nagsasabi noon at ako lang ang taliwas ang feedback sa kanya. “Totoo ba? Sabi nila magaling daw ako. Ikaw lang ang nagsabing nakakaantok ako,” nawalan agad siya ng kompiyansa dahil sa sinabi ko kahit iniinis ko lang naman sya. “Totoo ang sinabi ko at hwag kang maniwala sa iba. Kung magaling ka, bakit bumagsak ako? Kasalanan mo yun sir.” paninisi ko pa at totoo naman dahil sa pagpacrush ko sa kanya ay binagsak ko ang subject niya. “Ako pa talaga ang sinisi mo ha. Baka kasi puro pagboboyfriend ang iniisip mo at di pag-aaral. Puro pagdedate sa coffee shop at milk tea-han.” lumalaban ng asaran ang lalaki pero di ako papatalo sa kanya. “Grabe ka, sir. Wala kaya akong boyfriend.” Ikaw na lang kasi. Ikaw lang kaya ang iniisip ko. “Talaga? Wala? Imposibleng walang nanliligaw sayo.” “Wala nga po. Wala namang gwapo dun sa school puro mukhang tipaklong. Ikaw lang kaya ang gwapo doon at ikaw na lang kaya ang maging boyfriend ko,” pilyang saad ko na pabiro sa lalaki. “Gwapo si Edward. Kaklase mo yun di ba?” “Eww, gwapo ba yun? Feeling gwapo pero mukhang kwago. Yuck! No way! Marami nga po palang halaman si Mama sa bahay dadalan kita sa susunod,” pag-iiba ko ng topic ng pinag-uusapan namin dahil nakakaawa talaga ang garden niya. “Thanks.” “150 isa. Kapag whole sale 120.” dagdag ko. Akala nya siguro ay libre. Napatitig nanaman si Sir sa akin dahil sa sinabi ko at ngumiti naman ako ng ubod tamis. Binibiro ko lang naman ito pero kung kakagat, why not. “Sige, mga sampung halaman dalan mo ako.” “Ayos ha. Napilitan ka lang yata.” “120 x 10?” tanong nito sa akin. “1200,” mayabang na sagot ko sabay ismid ko sa kanya. “Hihingi ka lang ng halaman yata ng halaman sa mama mo tapos ibebenta mo sa akin? Magaling kang bata ka. Ikaw pa ang kumita. Kapag pera ang usapan, magaling kang magcompute.” “Mapanghusga ka, Sir. Syempre hati kami ni Mama tsaka for pick up yun ha. No free delivery.” di nya alam magaling talaga ako. “Oo na. Kelan ba?” “Anytime kung kelan mo gustong kunin.” “Bukas. Wala pa namang pasok at wala naman akong gagawin. Para magkabuhay din itong garden ko. Nalulungkot ako kapag nakikita kong walang buhay ang mga halaman ko.” Alas onse ng magpahinga muna kami. Magluluto daw sya ng tocino para sa tanghalian namin. Pagkatapos kumain at konting pahinga ay nagpatuloy pa kami sa paglilinis at pag-aayos ng garden niya. “Sir, may itatanong sana ako?” “Ano?” “Ilang sesyon po ba ang special project ko? Nakakapagod po kasi,” reklamo ko sa lalaki. Alam kong mabait sya kaya di nya ako pagagalitan kahit makulit ako. “Hanggang sa umayos itong garden ko para after wedding, matuwa ang future Misis ko.” Putcha! Gusto kong magmura sa inis. Para sa babae nya pala ito na karibal ko tapos akong nag-aayos. Napakawalang hiya ng lalaking ito. Ang kapal mo taksil ka. Parang guto ko syang saksakin ng hawak kong pangdukal ng lupa. Ginisa yata ako sa sarili kong mantika ha. Di ko na sya kinausap pa hanggang sa yayain nya akong magpahinga muli. Kumain kami ng tinapay, pritong itlog at kape. Bwisit talaga sya. Double kill na talaga ako. “Ok ka lang? Pagod ka na?” “Ok lang,” tanging sagot ko dahil naiinis ako sa kanya. “Pahinga ka na. Bukas na lang tayo magkita. Kukunin kong mga halaman sa inyo.” wala syang kaalam alam sa masasakit na sinabi niya at nagdurugo na ang puso ko. “Sige,” tanging sagot ko. Pagkaubos ko ng tinapay at kape ay nagbihis na ako sa kwarto. “Alis na ko sir,” walang gana kong paalam dahil sobra ang inis ko talaga at nawala ako sa mood. Di ko na sya kinulit pa matapos kong marinig ang lahat mula sa bibig niya. Sobrang sakit talaga. “Salamat ha. Ingat ka at kita tayo bukas.” “Ok po,” pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya saka lumabas na ako sa kanyang pinto. Pumunta akong sobrang saya at excited tapos ngayon uuwi akong malungkot. Tulala sa byahe kaya nagmilk tea muna ako sa nadaanang shop. Pagdating ko ng bahay ay namili na ako ng sampung mga halaman na ibibigay kay Sir. Di ko naman talaga pababayaran at binibiro ko lang sya kanina. Nilipat ko na lang sa plastic at sya na ang bumili ng kanyang paso. Inalis ko na lang sa aking isipan ang nakakainis niyang sinabi at inisip na magkikita kami ulit bukas. Ako naman ang may gusto nito at alam kong ikakasal na sya. Ako lang naman ang nagpapahirap sa puso ko kaya tiisin ko ang katotohanan kahit masakit. Kinabukasan ay tinext ako ni sir. Ala una daw sya pupunta at kukunin ang mga halaman. Naligo na agad ako at nag-ayos para sa pagdating niya. Naka- short ako at naka-sleeveless. Nakalugay ang buhok na may headband pa ang ulo. Pulbos sa mukha at konting lipstick. Nagcologne din ng bahagya at baka amuyin niya ako. Feeling ko aakyat siya ng ligaw at kilig na kilig naman ako habang iniisip siya. Inalis ko na sa isip ko ang mga nasabi niya ng nakaraang araw at pinatawad ko na rin sya agad sa sinabi niya. Nagtext siya na malapit na daw siya. Looban din ang bahay namin pero di sing ganda ng community niya. Nasa mayaman sya at ako naman ay di gaano. Tumahol ang aso namin na si Tiyago at nasa gate na siguro si Sir. Nagmadali akong lumabas para salubungin siya. Nakangiti ako ng makita siya na kasama ang nobya niya. “Hi!” bati nito sa akin “Hello!” bati ko naman. “Pasok po kayo.” “Ang daming plants ha. Nagtitinda ba talaga kayo?” tanong ni Sir at panay tingin ng mga halaman. “Hindi po. Alaga lang yan ni mama.” Sa paglabas ni Mama para silipin ang bisita ko ay nagbatian naman sila at konting kwentuhan. Pagkatapos ay hinatid ko sila palabas at sinakay sa kariton ang mga halaman. Si Sir na ang nagtulak. He’s so gentleman talaga. Ang swerte ng nobya niya at mukhang masaya sila sa isa’t-isa. Pagkalagay namin ng mga halaman sa sasakyan niya ay inabutan ako nito ng pera. “Hindi na po sir. Joke lang yun na sabi kong may bayad.” tanggi ko sa offer nito. “Hwag. Alaga ito ng Mama mo kaya tanggapin mo ito.” “Hindi na. Hwag na. Turuan mo na lang ako sa math.” “Hindi pwede. Hindi ako papayag,” pag-iinsist nito sa bayad niya sa akin. “ikaw din ang magtatanim nito kaya tanggapin mo itong bayad ko.” Pilit niyang inabot sa akin ang pera at sumakay na sila sa sasakyan. Kumaway pa sila sa akin sa kanilang pag-alis. Maganda ang nobya ni Sir at sopistikada. Nanliit nga ako at parang ang layo ng ganda nya sa ganda ko. Mukhang bagay sila at kita ko ang saya ng mga mata nila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD