Prologo

429 Words
Sigawan ang mga tao ng pumasok ng ang huling shot ni Anwyll na siyang naging buzzer beater sa pagkatapos ng 2nd half ng laro. Sigawan ang mga tao, lalo na ang mga kababaihan, sino nga namang hindi mapapasigaw? Isa siyang miyembro ng angkan ng "Langston" at siya lang naman ang center at 3points shooter sa kanilang koponan sa "Langston University", pinaka sikat na unebersidad sa bansa at Asya. Tanging mayayaman at matatalino lamang din ang nakakapasok sa koleheyong ito at si Anwyll? Napakakisig, mabait, matulungin, palakaibigan, matalino at anak pa ng may ari ng school. Pagpasok ng bola ay napatitig siya sa dalagang nakaupo sa pinaka gilid ng audience's seats. Freshmen palang ito at sa kabila noon, popular sa unebersidad ang dalaga. Kahit siya ay alam ang pangalan nito---si Aleena Azimi. Bukod sa matalino ito, mahinhin, ay Muslim ito. Oo Muslim si Aleena, at sa kabila ng pagiging Muslim ay kita ang taglay nitong kagandahan. Lagi siyang pinagmamasdan ng lihim ni Anwyll at sa pagkakataong ito ay ito ang nahuli niyang nakatitig sa kanya, kung kaya't nginitian niya ito. Pero sa pag ngiti niya rito ay para itong nakakita ng multo at umalis ng Gym. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 4months later... "H-hoy Wyll! Hindi mo ba alam na pwede kang maputulan ng kamay sa paghawak sa kamay ko?!" Halakhak lamang ang isinagot ni Anwyll sa bulyaw sa kanya ni Aleena. Kasalukuyan kasi silang naglalakad sa hallway, nililigawan niya ang dalaga kahit pa man tahasan ang pagtanggi nitong magpaligaw sa kanya. "Ang ganda mo kasi Ena" "P-p-pwede ba! Wag mo akong tinatawag na Ena! Aleena ang pangalan ko!" Naunang naglakad ang dalaga kung kaya't tinanaw niya na lamang ito natawa nalang siya dahil namumula at nauutal pa ang dalaga nang magsalita bago ito umalis. Sa kung paano at kailan niya ito sinimulang ligawan ay hindi na niya maalala. Basta ang mahalaga alam nya la---"Hoy pre! Mababaliw kana ata sa babaeng yun" Tinapik niya ang kamay ng kaibigan niyang si Paul na ngayon ay nakaakbay sa balikat niya. "Isn't she amazing bro? She's unique" -Nakangiting lintaya nya sa kaibigan "Of course pre She's amazing and unique! Nag iisang Muslim ba naman sa campus?" -Oo nga pala, muntik na niyang makalimutan na hindi talaga sila pwede kahit saang anggulo pa man tignan. "Tara na nga lang" Hinatak nya ang kaibigan dahil baka ma late pa sila sa first class nila. "Bro. Seriously? You're lusting over that forbidden queen" Nginitian niya ang kaibigan at siya naman ang umakbay rito. "I know"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD