BEA'S POV Maaga pa lang ay gising na ako. Mamimitas kasi ako ng mga pechay at mga gulay sa taniman namin. Hanggang ngayon kasi sa amin pa rin pala kumukuha ang Griffin's Diner ng mga gulay. Ang pagtatanim ang gulay ang pinagkakaabalahan ni inay. Nais ko rin sana na dalhin siya sa Manila para doon na lang manirahan pero tumanggi ito. Mas gusto daw niya ang sariwang hangin sa probinsiya. Marami ang naani ko kaya itinabi ko muna ito at naligo na ako dahil ako na ang maghahatid nito sa Restaurant. Nagbihis lang ako ng simpleng t-shirt at short. Tapos nilugay ko lang ang buhok ko bawat nadadaanan ko ay binabati ako ng mga kakilala ko. Naglakad lang ako papunta doon dahil sa totoo lang namiss ko ang maglakad ng malayo. Ilang buwan din akong hindi nakauwi kaya pakiramdam ko marami na ang nagba