Chapter 3

2567 Words
BEA'S POV Naging maayos naman ang trabaho ko sa bar. Pinatigil na din ako ni inay magtinda ng meryenda dahil tinutulungan ko si ate Caye sa pinapatayo niyang bakeshop. Naging kaibigan ko na din si Ced dahil napakaabait niya minsan ay dumadalaw ito sa bahay napagkakamalan na siya minsan na manliligaw ko minsan naman ay boyfriend ko. Kagaya ngayon ay nandito na naman ito sa bahay dahil wala naman daw itong magawa sa condo niya ay dinalaw niya ako.Wala akong pasok sa bar mamaya. Kaya gusto ko sana gumala sa mall pero paano aalis kung may boysita ako na walang ginawa kundi matulog sa sofa.Nilapitan ko ito at ginising gamit ang paa ko. "Hoyy! psstt.. Gising.. Gumising ka nga diyan! Wala ka bang balak umuwi sa inyo? Ginagawa mo ng tambayan ang bahay namin hindi naman ito spa at hotel para magrelax ka. Mas maganda pa nga ang sofa niyo sa bahay niyo pero dito ka natulog," mahabang sermon ko sa kanya pero hindi ako pinapansin nagkukunwari ito na tulog. "Bahala ka nga diyan! Kung diyan mo gusto 'di diyan ka. Nay alis na po ako hayaan mo na lang si Mr Griffin dito ayaw pa magising," paalam ko kay inay sabay talikod kay Ced pero nagulat ako dahil may humawak sa pulsuhan ko. "Saan ka punta bebe? Sama ako?" Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin. "H'wag na umuwi kana may date ako at bawal ang third wheel doon masisira mo. Saka antok ka pa diba?" Pagsisinungaling ko sa kanya dahil sasama na naman 'yan ang kulit pa naman nito. At may pa endearment pa ito na bebe lagi na lang siya ganyan. "Tsk! Sino naman kadate mo?" Akala ko ba ayaw mo ng boyfriend ba't ka makikipag date? Sabi niya sa akin habang magkasalubong ang mga kilay. "Bahala ka nga diyan," asik ko kay Ced sabay talikod ko para lumabas na sa pintuan. "Wait! bebe sama ako promise behave lang ako please," nagpapacute pa ito habang nagsasalita. "Sige na nga! Pero magpakabait ka doon ha lagot ka talaga sa akin," kunwaring paalala ko sa kanya. Tumango naman ito sabay ngiti dahil alam niya na hindi ko siya matitiis. Bumiyahe na kami papunta sa mall. Nasanay na lang din ako na kasama siya pero wala pa ako sa stage ng pagkagusto sa kanya. Kagaya ng pagkagusto ko kay chef. Ewan ko ba kung ano nakita ko doon bakit siya talaga ang gusto ko. Speaking of Chef gabi gabi nasa bar parin ito minsan naiisip ko kung paano niya namamanage ang Griffin's Diner kung lagi itong lasing sa gabi.Gabi-gabi ko rin tinitiis ang panget na tanawin na nakikita ko. Sarap gawing bbq ang mga babaeng nakalingkis sa kanya. Hayy nakakainis talaga bakit ba kasi ang gwapo niya? Pero napaka babaero pa niya, di ko mapigilan mag buntong hininga. "Ang lalim naman nu'n may problema ka ba bebe?" Tanong sa akin ni Ced. "Napatingin ako kay Ced dahil nakalimutan ko na kasama ko pala siya at kanya pala ang kotse na sinasakyan ko. Feeling ko kasi sa akin hahaha nagdadrama pa ako sa isipan ko sinira na naman niya. "Tskk! Panira ka ng drama ko," mataray na bulalas ko sa kanya. "Hahaha! Nagdadrama ka pala. Nakit artista kaba?" Pang-aasar niya sa akin. "Tumahimik ka nga diyan!" Bulyaw ko sa kanya pero ang loko tinawanan lang ako. Nakarating kami sa mall at dumiretso ako sa bilihan ng damit. Dahil may sahod na ako kaya ibibili ko ng magandang damit si inay kahit ngayon lang. "Bebe, What are we doing here? Diba may date ka?" Nagtatakang tanong ni Ced sa akin. "Ano ba ginagawa dito? At may kadate talaga ako," sagot ko sa kanya. "Eh ano ginagawa natin dito? Sino ba kasi kadate mo?" Itinuro ko sarili ko. "Ako! Sarili ko kaya lang sinira mo sumama kapa kasi," mataray na sabi ko sa kanya. Tumawa naman ito pero natigil lang ito ng bigla ako nagsalita. "Gwapo ka rin naman pala kapag nakangiti. Kadalasan kasi ang panget mo," wala sa sariling saad ko sa kanya sabay punta sa mga damit para ipagpatuloy ang pagmimili. Nilingon ko ito dahil hindi ito umaalis sa kinatatayuan niya. Habang namumula ang buong mukha nito siguro kinilig ito. Napangiti naman ako sa ginawa kong kalokohan. "Ano pa inaantay mo diyan pasko? Matagal pa 'yon kung gusto mo antayin mo na lang diyan. Mauna na ako sa labas, bye." Sabi ko sa kanya. Pero inaasar ko lang siya dahil hindi pa naman ako tapos sa pamimili. Pero ang bilis niya dahil nasa tabi ko na ito. "Samahan na lang kita, uupo na lang muna ako dito," sabi niya sa akin sabay upo niya sa may couch. Ako naman pumili ng damit at isa isa ko itong sinukat. Balak ko kasi na bumili ng tatlong pares lang para naman may maisuot ako kapag may lakad ako. Lumalabas ako kapag tinatanong ko siya kung alin ang bagay sa akin. "Ced tingin mo bagay ito sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Pwede na bagay naman." Sagot niya sa akin. "Eh ito kaya bagay ba?" "Okay din 'yan pwede na." "Ito?" "Okay rin 'yan," sagot niya. "Wala bang bago sa sagot mo? Nakakainis ka naman kasi pare-pareho lang sagot mo bakit ka pa kasi sumama dito!" Inis na sabi ko sa kanya. "Ano ba mali sa sagot ko? Lahat naman ay bagay sa 'yo kasi maganda ka. Kahit siguro basahan ang suot mo maganda ka pa rin," aniya sa akin saka umiwas ng tingin. Ako naman ay nagulat sa kanya. Kaytumingin ako sa paligid. Mabuti na lang walang tao kaya hindi nakakahiya. Dahil nailang ako sa sagot niya pumasok na lang ako sa dressing room at pinili ko ang medyo mura. Lumabas ako at ibinalik ko ang mga damit na hindi ko na bibilhin. "Bakit mo ibinalik? 'Yan lang bibilhin mo?" Tanong no Cedrick sa akin. "Oo ito lang saka maganda naman ito sabi mo kahit ano bagay sa akin," sagot ko sa kanya. "Pero maganda rin naman ang mga iyon bilhin na natin." "H'wag na okay na ito saka ito lang kaya ng budget ko," sabi ko sa kanya. "I'll buy it for you." "H'wag na tara na, magagalit ako kapag binili mo 'yon hindi kita papansinin, pagbabanta ko sa kanya. Hinila ko na siya kita ko sa mata niya na gusto niya iyon bilhin pero ang mahal nu'n at ayoko'ng magpalibre sa kanya ayaw ko na gumastos siya para sa akin. Hindi ko siya boyfriend at kahit boyfriend ko siya ayaw ko pa rin. Binayaran ko na ang mga damit at lumabas na kami sa store. Niyaya niya ako kumain. Tumanggi ako dahil alam ko na sa mahal na naman kami pupunta.Hinila ko na lang siya papunta sa food court. "Dito na lang tayo kumain. Masarap din naman dito. Kung ayaw mo dito sa labas na lang tayo kumain 'yong street food," saad ko sa kanya. "Dito na lang tayo, tara order na tayo." Hinila ako ni Ced. Nag ikot-ikot kami para humanap ng makakain namin. Hindi nga kami kumain sa labas pero ang dami naman ng inorder niya parang katumbas din ng nasa restaurant. "Bakit ang dami naman nito kaya ba natin ito ubusin?" Manghang tanong ko sa kanya. "Gusto ko kasi itry lahat. Kung hindi natin maubos i-uwi na lang natin kay inay," sagot sa akin ni Ced. Napatingin ako sa kanya dahil naalala niya si inay. Ang bait niya talaga kahit sa trabaho masungit siya pero kapag kami ang magkasama ay ang bait-bait niya. Natapos kami sa mall at inihatid niya ako sa bahay. Hindi na siya bumaba dahil may urgent daw sa bar. "Salamat sa paghatid Ced ingat ka sa pagdrive," sabay ngiti ko sa kanya. "Opo mag iingat po ako (liligawan pa kita kaya kailangan ko mag ingat") sagot niya sa akin pero hindi ko narinig ang sinabi niya sa bandang dulo. "Ano 'yong sinabi mo?" Tanong ko sa kanya. "Ang sabi ko pumasok kana aalis na ako. Bye bebe," sagot niya sa akin. "Sige na alis kana bye." Nang makaalis ito ay pumasok na ako sa bahay. Tatlong buwan na ako sa bar at masasabi ko na maayos naman ang kinikita ko dito. Kahit madalas ay puyat ako. Malapit na mag bukas ang bakeshop ni ate Caye kaya busy na kami lahat tinutulungan ko kasi siya dahil malaki na ang tiyan ni ate Caye. Napansin ko din na lagi ng wala sa bar si Jeff. Hindi na ito pumupunta doon. Siguro ay busy na ito. Sa totoo lang napamahal na sa akin ang bar. Pero kailangan ko ng lumipat kay ate Caye. Hindi ko siya pwedeng pabayaan dahil napaka buti niya sa amin ni inay. Maganda rin ang sahod kaya pumayag na ako. Makakasama ko ang kaibigan ko na si Kate sa trabaho. Pumasok ako sa office ni Ced para pormal na magpaalam sa kanya. Napalapit na kmi sa isa't isa dahil na pa kabuti niya na tao. "Ced gusto ko sana magpaalam sayo. Magre-resign na ako dahil kailangan ko tulungan si ate Caye sa bakeshop niya," ani ko sa kanya. "Kailangan mo ba talaga umalis?" Malungkot na tanong niya sa akin. "Nasanay na ako dito, pero gusto ko tulungan si ate dahil kapamilya ko na siya. Sa iyo kasi maraming puwedeng magtrabaho samantala kay ate ay wala," saad ko sa kanya. "Okay sige, Bebe pupunta pa rin ako sa inyo. At kung kailangan mo ng trabaho ay welcome ka dito anytime," nakangiting sabi niya sa akin. "Maraming salamat Ced," pasasalamat ko sa kanya at niyakap ko siya. Ramdam ko ang pagkagulat niya pero gumanti din ito sa pagyakap sa akin. Umalis ako sa bar ng may ngiti sa labi. Sa susunod na araw ay opening na ng Cayelicious. Marami kaming ginawa inayos namin ang bakeshop naglagay ng palamuti para kitang kita at mapansin kaagad ang store. Sabay kami ni ate pumunta sa shop. Nag-aayos ako ng sarili para sa maging presintable akong humarap sa customer namin. May pa store blessing din muna bago kami nagbenta at nagbigay ng freebies. Halos kalahati na ng cakes ang naibebenta namin. Nagulat pa kami dahil nagpadala ang Griffin's Diner ng mga pagkain. Hindi ko pinahalata na excited na ako matikman ang luto niya. Kumain kami nang wala ng bumibili. Unang subo ko pa lang ay dilat na dilat ang mata ko dahil sobrang sarap ng pagkain nila. Kaya hindi ako magtataka kung bakit mahal at sikat ito. "Ate ang sarap ng food nila kasing sarap ng chef sa kabila," pagbibiro ni Kate. "Hahaha! Ikaw talaga friend masarap diyan kasi mahal (pero mas mahal ko yong chef nila ani ko sa isipan ko hahaha)." sabi ko sa kaibigan ko. Si ate naman ay ngumiti lang sa amin. Maaga kami nagsara dahil na sold out na kami kaagad. Palabas kami sa bakeshop ng bigla akong napatingin sa kabila. Nakita ko na nakatingin ito sa amin mas magandang sabihin na kay ate Caye siya nakatingin. Binalewala ko na lang dahil sino ba ang hindi lilingon kay ate maganda ito kahit na buntis ay namamayagpag ang kanyang kagandahan. Higit sa lahat na pa kabuti nito sa kahit na sino. Hindi ko pinansin itong puso ko na parang may kumukurot. Sabay kami lagi umuuwi ni ate malakas ang benta namin dahil masarap ang mga cakes na gawa ni ate Caye. At sa ngayon ay gumagawa na rin kami ni Kate. Dahil tinuruan niya kaming magbake. Lumipas na naman ulit ang mga buwan at anim na buwan na ang tiyan ni ate Caye. Sinamahan ko muna siya sa ultrasound niya dahil ngayon namin malalaman ang gender ng babies kaya may naisip akong paraan. "Ate, magpa gender reveal ka uso 'yon ngayon." Suggestion ko kay ate. "Okay, kayo na ang bahala," nakangiting sabi niya sa akin. "Yes! Ako muna dapat ang unang makakaalam ng gender ate ha para may pagames din tayo," masayang bulalas ko sa kanya. "Sige Bea, thank you." Sagot sa akin ni ate. Alam ko na masaya si ate pero hindi siya gaanong showy. Natapos kami sa check up ni ate ay tumuloy kami sa shop. "Ate, saan ang venue natin? Maganda sana sa Griffin's Diner kaya lang mahal naman," tanong ko kay ate pero hindi ko napigilan ang bibig ko na banggitin ang Griffin's. "Samahan mo ako Bea, mag inquire tayo." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Talaga bang seryoso si ate Caye. Bigla akong nahiya pero kailangan kong panindigan. "Sige po ate," nahihiyang sagot ko sa kanya. Tumawid kami ni ate inaalalayan ko siya kasi medyo nahihirapan siya dahil malaki na ang tiyan niya.Nasa tapat na kami ng pinto ng biglang nasa likuran namin si Jeff suplado na naman ito pero hindi pa rin nababawasan ang kakisigan nito.Hindi man lang niya ako tapunan ng tingin dahil kay ate Caye ang atensiyon niya.Kung sa bagay sino ba naman ako.Pumasok na kami ang ganda talaga ng restaurant nila ng matapos kami sa transaction ni ate ay bumalik na kami sa bakeshop. Si Kate ang kasama ko na nag-ayos ng party ilang araw na lang 'yon mula ngayon. Lumipas ang mga araw at nagiging maganda ang takbo ng bakeshop ni ate Caye. Si Ced naman minsan dumadalaw pa rin sa bahay. Dumating na ang araw ng gender reveal party ni ate Caye masaya kami at nakasama rin namin si Jeff sa party. Dahil sa kanya binigay ni Kate ang huling cupcake. Aaminin ko nagseselos ako dahil panay ang titig niya kay ate Caye. Nakikita ko sa mha mata niya ang paghanga niya kay ate Caye. Nang hindi ko na makayanan ay pumunta muna ako sa Cr. Simula noon ay naging magkaibigan na sila ate Caye at Jeff.Napakabait niya kay ate inaalagaan niya ito at kung minsan ay sila ang magkasama sa check up pati na sa panganganak ni ate. Inalok din ako ni ate kung gusto ko daw mag aral siyempre masaya ako kaya ipinagpatuloy ko ang kolehiyo ko.Pagka galing ko ng school ay tumutulong ako sa bakeshop para naman masuklian ko ang kabaitan ni ate. Masakit sa dibdib na makita na masaya si Jeff kapag kasama niya si ate at nalaman ko rin na nanliligaw ito kay ate Caye. Hindi ko rin masabi kay ate na may nararamdaman ako para kay Jeff. And I think this is the right time to let go. Nagparamdam na rin si Ced sa akin na may gusto siya. Noong una ay hindi ko alam ang gagawin pero naisip ko rin na ipaubaya na lang si Jeff kay ate kaya pinayagan ko si Cedrick na ligawan ako. Mabait si Ced maalaga at sweet din siya. Masasabi ko na hindi rin siya mahirap mahalin minsan nagde-date kami kung saan saan. Hanggang sa sinagot ko na ito. Walang masama kung ibaling ko na lang kay Cedrick ang pagmamahal ko. Madalas niya akong sinusundo kapag nasa school ako at hinahatid sa bahay pag-uwi. Malapit na akong gumraduate dahil dalawang taon ang pinili kong kurso. Dahil balak ko na mag-apply sa airlines pagka-graduate ko. Sa mga buwan na nakalipas ay naging masaya ang pagsasama namin ni Ced hindi siya nag take advantage sa akin hanggang halik sa pisnge lang ang ginagawa niya. Dahil ni-rerespeto daw niya ako. Kaya masasabi ko na unti-unti ko ng nakakalimutan si Jeff. Dahil iyon sa pagmamahal sa akin ni Cedrick. Gusto daw niya ako ipakilala sa pamilya niya pero tumanggi muna ako. Balak ko kasi kapag nakapasa na ako saka na ako magpapakilala para may maipagmalaki naman ako sa sarili ko at sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD