BEA'S POV
Isa akong simpleng babae na nangangarap na makaahon sa kahirapan. Kaming dalawa na lang ng aking inay ang magkasama sa buhay. Lumaki ako na hindi ko nakasama ang aking tatay pero kahit na ganoon binuo at ibigay sa akin ni inay ang sobra sobrang pagmamahal.
Ako si Beatrice Vallencia 21 years old na ako at NBSB ako (No boyfriend since birth) hindi ko pa kasi nakikita ang lalaking para sa akin. Crush crush lang muna ako sa ngayon. Mas mahalaga sa akin na may makain at makabili ako ng gamot para kay nanay. Hindi na rin kasi ako nag-aaral tumigil ako simula nang nagkasakit si nanay.
Palipat-lipat rin ako ng trabaho dahil kadalasan hindi ako natatanggap dahil wala naman daw bakante minsan pag meron naman pinapaalis ako kasi nagiging dahilan ako ng away dahil sa mga lalaking papansin at gustong manligaw sa akin. Madalas rin babae kapag inggit sila sa akin. Hindi naman sa pag mamayabang pero may height ako na pang beauty queen at ganda na pang artista hahaha.
Sa ngayon ay nagtitinda muna ako sa palengke. Madaling araw pa lang ay umaalis na ako ng bahay para maaga rin maubos ang paninda ko dahil maglalako pa ako ng meryenda mamayang hapon.
Habang naglalakad ako papunta sa palengke ay napadaan ako sa isang sikat na bar. Madalang ang tao sa daan at medyo madilim ang dinadaanan ko ng may biglang humila sa akin. Nagpumiglas ako at humingi ng tulong dahil natatakot na ako malaking lalaki ang humihila sa akin.
Laking pasasalamat ko dahil may lumabas mula sa bar. Ang gwapo niya at kilala ko siya dahil sikat ito dito sa Iloilo siya lang naman ang may-ari ng Griffin's Diner si Chef Jeff. Halos lahat dito sa amin ay may gusto sa kanya. Simula noong dise otso ako ay naging crush ko na siya ang balita ko ay wala pa itong girlfriend at napaka babaero nito.
Ito na naman ang puso ko sobrang bilis ng t***k nito ngayon hindi dahil sa takot kundi sa kilig ko. Dahil papalapit ito sa amin habang ang walang hiyang lalaki ay hindi parin ko binibitawan. Humingi ako ng tulong pero siyempre pabebe muna ako dahil nasa harapan ko si crush.
"Manong buligi ako," sabi ko sa kanya. (kuya tulungan mo ako). Hindi naman ako nabigo dahil tinulungan niya ako at sinuntok lang naman niya ang lalaki at ngayon ay nakabulagta sa sahig.
Ang buong akala ko ay patay na ito kaya tinanong ko pa si Chef.
"Kuya sa tingin mo, buhay pa ba siya?" Kabadong tanong ko kay Chef.
"Tsk! Inaalala mo pa siya eh," naiinis na sagot niya sa akin. At nagsuplado pa ito sa akin pero para sa tenga ko ay malambing parin ang pagkakasabi niya. Hibang nga siguro ako kong anu-ano na kasi ang naiisip ko at naririnig ko.
Super gwapo at hot niya talaga at napaka manly ng tindig niya. "Ano ba naman Bea umayos ka sa harapan niya?" saway ko sa sarili ko.
Hindi ko alam pero bigla na lang dumukot ang kamay ko sa bayong at binigyan siya ng pechay na paninda ko. Nang makalapit ako sa kanya ay nalanghap ko ang mabangong amoy niya. Sobrang bango niya na parang ayaw ko ng lumayo sa kanya. Inilagay ko sa kamay niya ang pechay ko este pechay na gulay. May bigla na lang may kung anong kiliti ang dumaloy sa buo kong katawan.
Alam ko na nagtataka ito pero alam ko rin na hindi niya ako makikilala kaya mabilis kong dinampot ang bayong at tumakbo palayo sa kanya. Nang huminto ako sa pagtakbo ay napahawak na lang ako sa dibdib ko na ngayon ay malakas parin ang kabog.
Simula nang una ko siyang nakita ay sinabi ko sa sarili ko na ang "Pechay ni Beatrice ay para lang kay Chef hahahaha ang landi mo self," ani ko sa sarili ko.
Isang araw habang nagwawalis ako sa bakuran namin ay may lumipat sa katabi naming bahay. Nang bumaba sila sa sasakyan ay hindi ko mapigilan na magandahan kay ate. Dahil ang kinis niya at ang ganda-ganda niya para itong artista sa telebisyon. Katamtaman lang ang tangkad niya at ang sexy rin niya.
Ngumiti ito sa akin ng nakita niya ako. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Hi neighbor, ako gali si Bea kamo ang bag-o nga maestar diri?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako maintindihan kasi galing pala sila ng Maynila kaya nagtagalog na ako.
"Hi po kapitbahay ako po si Bea kayo po ang bagong titira dito?"
"Hi Bea ako naman si Caye pwede mo rin akong tawagin na ate Aye. Sorry ha hindi kita maintindihan galing kasi kaming Maynila. Oo kami ang titira dito nabili ko ito sa kakilala ni Tita sa Maynila, ito naman si Tita Nene at sila ang mga anak ko si Fae at Blair. Mga anak say hi to ate Bea," sabi niya sa dalawang magandang batang babae.
"Hi po ate Bea ang pretty niyo naman po at ang tangkad niyo para po kayong model," papuri sa akin ni Fae.
"Welcome to Iloilo ate Caye, tita Nene at mga magagandang bata Fae at Blair hindi naman ako model pero pangarap ko maging FA as Flight Attendant someday po," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Thank you Bea."
Bubuhatin niya sana ang mga dala nila ng pinigilan ko siya. "Tulungan na po kita ate," ani ko.
"Salamat talaga Bea tara pasok tayo," nakangiting sabi sa akin ni ate.
Napakabait ni ate Caye pinapasok niya ako. Malinis ang bahay dahil bago pala sila lumipat ay nilinis na nang caretaker.
Kahit may dalawa na siyang anak ay hindi halata dahil ang fresh at ang bata niya tignan.
"Bea sino ang kasama mo sa bahay?" Tanong niya sa akin.
"Ang inay ko po ate kami po ang magkasama sa bahay hindi ko po kasi nakilala ang papa ko," sagot ko sa kanya.
"Sorry ha kung naitanong ko gusto ko lang naman kasi alamin para malaman ko kung sasakto ba ang ibibigay ko," medyo malungkot na sabi ni ate.
"Naku ate okay lang po. At ate nag-abala kapa nakakahiya po," saad ko.
"H'wag kana mahiya magkapitbahay na tayo ngayon."
"Maraming salamat ate kung may kailangan ka tawagin mo lang ako at itanong mo lang sa akin kapag may gusto ka malaman," sabi ko sa kanya.
"Okay Bea thank you," sagot sa akin ni ate Caye.
Umuwi ako sa bahay at ibinigay ko ang pagkain kay inay kasama na rin ang iba pa na ibinigay ni ate Caye.
"Nay may bago tayong kapitbahay galing sila ng Maynila at ang bait nila ito oh binigyan nila tayo nito," masayang kwento ko kay inay.
"Naku! nakakahiya naman anak talaga bang may lumipat na sa kabila.?"
"Opo inay sila ate Caye ang ganda po niya at ang bait bait pa po niya.Sila po kasi ang nakabili ng bahay nila Aling Sita," dagdag na sabi ko.
"Ganu'n ba anak? Kumuha ka ng mga gulay sa bakuran para may maibigay naman tayo sa kanila nakakahiya dahil alam ko ang mahal ng mga ito at ang dami pa," utos sa akin ni inay.
"Opo inay kukuha po ako ng pechay at iba pang gulay para may maibigay tayo sa kanila."
Pumunta ako sa bakuran na kumuha ng gulay pagkatapos ay dumiretso ako sa bahay nila ate Caye.
"Ate pinapabigay po ni inay maraming salamat daw po sa mga binigay niyo kanina."
"Naku! Bea nag abala kapa. Bigay ko talaga 'yon sa inyo at dahil masama ang tumanggi sa blessing tatanggapin ko ito sakto dahil kanina pa ako nag iisip na bumili ng pechay magluluto kasi si tita ng kare kare. Kung okay lang sa inyo ng inay mo sabay na tayo dito kumain mamayang gabi masaya kasi kapag marami tayo," sabi niya sa akin.
"Sige po ate sasabihin ko po kay inay maraming salamat po uuwi na po ako," paalam ko sa kanya.
"Salamat din sa pechay mo Bea."
Ngayong gabi ay pumunta kami sa kanila ate dahil nakakahiya naman ang tumanggi dahil napakabait niya. Si inay at tita ay talagang magkasundo agad nagkukwentuhan na silang dalawa natapos ang hapunan na masaya at puno ng tawanan.
Ngayon lang ako nakaranas na may tumanggap sa amin ni inay dahil kahit ang mga kapamilya niya ay ayaw sa amin.
Masaya ako dahil may bago kaming pamilya ni inay.