AFTER TWO YEARS Warning: Mature Content! READ AT YOUR OWN RISK! JEFF'S POV Minahal ko si Caye sa loob nang mahigit dalawang taon. masasabi ko na sa kanya ko binuhos ang oras at pagmamahal ko. Hanggang sa naglakas loob ako na ligawan siya noong una ay sinabi niya sa akin na baka masaktan daw niya ako pero ayos lang sa akin dahil mas mahalaga ay mahal ko siya. Buong akala ko ay Caye na lang iikot ang mundo ko dahil never na nakuha ng ibang babae ang atensyon ko. Pero nagkamali ako dahil sa araw ng kasal ni Celine ay may nanyari na hindi ko inaasahan. Nasa reception kami kasama ang mga pinsan ko at ngayon lang ako ulit iinom kasama sila kaya pinagbigyan ko na. Masaya kaming nag-aasaran ng mga pinsan ko at masasabi ko na namiss ko talaga sila ng sobra. Ano oras na kami natapos at kanya-