JEFF'S POV Habang naglalakad ako papunta sa monitoring room ay labis ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o hahayaan ko na lang pero nanaig ang kagustuhan ko na tuklasin ang katotohanan. Malapit na ako at binati ako ng security guard namin. "Good evening po, Sir Jeff." "Good evening rin Manong John puwede niyo po ba akong iwan muna may nais lang akong i-check," sabi ko sa kanya. "Sige po, Sir. Sa labas lang po kami tawagin niyo na lang po kami kapag may kailangan po kayo," aniya sa akin. "Sige po, salamat." Lumabas na sila at ako naman ay pumunta sa tapat ng computer para magsimulang hanapin ang cctv footage noong araw ng kasal ni Celine. Medyo natagalan ako dahil medyo matagal na rin iyon. Nang makita ko ay umayos ako ng upo. Sinimulan ko itong panoori