Kabanata Tres

2120 Words
UNO Alas otso pa lang ng umaga nang marinig ko ang sunod-sunod na ingay mula sa door bell. Nagtakip ako ng unan sa aking ulo. Shiiit! Istorbo ng tulog! Sobrang inaantok pa ako. Ang aga-aga nanbubulahaw na? I groaned in frustration. Iritado akong bumangon nang tila wala itong balak tumigil sa pagpindot ng door bell. At hindi ko na pinag-aksayahan pang ayusin ang aking sarili. Dinampot ko lang ang boxer short ko at dali-daling sinuot iyon at dere- diretso akong nagtungo sa pintuaan para mapagsino ang maagang nangbulabog sa pagtulog ko. "s**t!!! Sandali lang! 'Di makapag antay lagot ka sa'kin kung sino ka man, putol sa'kin ang daliri mo kakapindot ng door bell ko!" Salubong ang kilay ko at padabog kong binuksan ang pintuan. Napatda ako at naumid bigla ang dila ko nang mabunggaran si mama sa labas ng pintuan. Saglit ko lang tinapunan ng tingin ang kasama nitong babae na sa palagay ko'y nasa 40 taon pataas. Agad nagbago ang awra ng mukha ko. Ngumiti ako kay mama na seryoso ang mukha. Alam kong galit pa rin ito sa'kin ngunit binabaliwala ko na lamang iyon. Alam ko naman kasalanan ko at alam ko rin na lilipas din galit niya at babalik kaming muli sa dati. Hiling ko lang na sana hindi magtagal ang tampo o galit niya sa akin. Hindi na nga ako nagprotesta nang umpisahan nitong magsagawa ng interview para sa magiging katulong ko sa unit ko o, mas tamang sabihin espiya niya sa unit ko. Agad akong humalik sa kanyang pisngi at bahagya lamang tinapunan muli ng tingin ang kasama nitong ginang. Nakita ko pa ang pag-iwas ng tingin sa'kin sa akin ng ginang. Oh, jeeezzz... Saang planeta kaya nahanap ito ni mama. Damn it. Ito na ba 'yon? Seriously? Napalunok ako. s**t. Ang pangit! "Hey ma, good morning. Napaaga ang punta n'yo?" "Maaga kong hinatid ng personal dito si Marie. Hindi rin ako magtatagal at may meeting pa ako bago mag 9am.This is Marie, Uno. Siya ang napili kong makakasama mo dito sa unit mo. Please naman Uno, h'wag mo na sana kaming bibigyan pa ng sakit ng ulo. Baka mamatay kami ng maaga ng daddy mo sa mga pinaggagawa mo!" Ang mahabang lintanya niya. Hinagod ako nito ng tingin. Tumiim ang labi niya at alam kong pigil na naman ang inis niya sa akin. "Tingnan mo nga 'yang ayos mo! Bakit ka ba lumabas na 'yan lang ang suot? Nakakahiya kay Marie!" Ano naman ang masama kung boxer short lang ang suot ko? Parang nanay ko na rin naman yang kasama niya. At ano ba ini-expect nila e, kakagising ko lang. Buti nga at nagawa ko pang magsuot ng boxer short. Binalingan din ni mama ang katabi nitong ginang at pinakilala ako. "This is Uno my son, hija. Pasensya ka na at naabutan mo pa siyang ganiyan." Tumango lang ang Ginang sa akin. May tipid na ngiti. "Marie 'yong bilin ko, kung ano't ano pa man problema, tawagan mo lang ako. H'wag kang papasindak sa kanya at ako ang bahala sa 'yo. At pagpasinsyahan mo na talaga ang ayos ng anak ko hindi 'yan sanay na matulog ng may damit." Ang sabi at mahabang paliwanag ng aking ina. Huling huli ko naman na napalunok ang ginang. Gusto kong matawa. Tumikhim ito. "Yes, ma'am makakaasa po kayo ma'am, tatawag ako araw-araw para balitaan kayo." ang sabi naman ng Ginang sa aking Ina. "Segi na, mauna na ako at ayaw kong ma-late. Saka na lang tayo mag-usap ulit." Ang sabi sa'kin ni mama at tatalikod na sana ito nang pigilan ko. Marahan kong inakay si mama medyo palayo ng kaunte sa kasama nito. "Wait ma, I heard, you're choosing between two candidates, isang matanda at isang bata. Ma naman, baka 'yong bata na lang ang ibigay mo sa'kin?" hininaan ko ang aking boses at bahagya pang nilingon ang Ginang na matamang nakatingin lamang sa 'min ni mama habang nag-uusap. "Ano bang sinasabi mo? Hindi matanda si Marie, siya nga 'yong bata at napili ko. She's just 24 kakaiba lang ang taste of fashion niya. Mas mabuti na 'yan dahil kung maganda at sexy ang pipiliin ko malamang unang araw pa lang baka sa kama mo na natutulog 'yon! Gusto ko ang mga tipo ni Marie para makasama mo. Conservative, may pinag-aralan, at may delicadeza." Ang walang gatol na sabi ni Mama. Laglag panga akong nakatingin lamang kay Mama at nang mahimasmasan ay napatingin ako sa babaeng tila ba may konting ngisi itong nakatingin sa 'kin. "E, kung 'yong matanda na lang kaya piliin mo Mama? Pareho lang din naman." Napalunok ako ng sunod-sunod nang makita kong ngumiti ang babae. Napamulagat ang mga mata ko. Lumabas ang mga ngipin at malaking gilagid nito. Kinilabutan ako nang husto ng makita 'yon. My Mom just glared at me and gave me warning look. At alam ko na kapag gano'n na ang inakto ng aking Ina'y wala nang makakapagbago pa ng desisyon nito. Pinagmasdan kong mabuti ang babae, nakasuot ito ng long sleeves na puti at paldang kulay itim na sobrang haba. Abot hanggang bukong-bukong. Kulot-kulot ang buhok nito na parang pugad ng ibon at may suot na makapal na salamin sa mata. Pa 'no ko maiisip na 24 yrs old pa lang ito e, mukha pa itong matanda kaysa kay Mama? Hindi na ako nakahuma nang tumalikod na si Mama at nagmamadali itong maglakad patungong pintuan. Tinanguan lamang ito ng babae bago tuluyang umalis. Dala-dala ang isang malita nito ay hinatid ko ito sa tutuluyan nitong kuwarto. Binigay nito ang isang copy ng kanyang kontratang pinermahan. "Yan Sir, para naman alam mo kung ano 'yong nakasaad sa kontratang pinermahan ko at kasunduan namin ng Mama mo." "Hindi ba nasabi ng mga ninuno mo na uso na ngayon ang contact lense? Tingnan mo 'yang salamin na suot mo, kahit yata tamaan ng kidlat 'yan or ng ligaw na bala 'di man lang 'yan magkakalamat, sobrang kapal." Nasilip ko ang pagtaas ng isa nitong kilay. Gusto kong insultuhin ito ng insultuhin para sumuko at ma-resign na lang ito ngayong araw na mismo! Isipin pa lang na makakasama ko ito araw-araw ay kinikilabutan na ako. "Mas makapal pa nga d'yan ang mukha mo. " Ang bulong nito pero nakarating pa rin sa tainga ko. "What did you say?" ang nakakunot noo'ng tanong ko. Nagkamali lang ba ako ng dinig o, totoo ang narinig ko? Nangunot ng husto ang noo ko at hinarap ko siya at pinakatitigan ito. Sobrang lapit ko na sa kanya at muli akong kinilabutan ng ngumiti na naman ito ng todo at lumabas ulit ang isang ektaryang gilagid nito. "Joke lang Sir, dito kase sa salamin ako sanay. Hindi ako sanay sa contact lense." Ngiti nito. Tumango lang ako, at umiwas ng tingin. Shitt! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganito. Sobrang manang na nga manamit, sobrang panget pa! Makinis naman ang mukha nito at pansin ko rin ang maganda kutis ng kamay nito at ang magandang hubog ng daliri nito ngunit bukod doon ay wala na akong makita! Lahat ay natatakpan ng mga mahahabang telang suot nito. Ni hindi ko nga maaninag kung maganda ba ang mga mata nito, masyadong makapal at malapad ang suot nitong salamin. So, hindi n'yo ako masisi kung sa una pa lang akala ko e, matanda na ito. Pinasadahan ko ang laman ng kontrata, nakasaad dito na Sunday to Friday ang trabaho nito sa'kin. Ayon dito'y puwede na itong umalis ng Friday ng gabi for day off at balik na nito ay sunday ng umaga. At kung sakaling kakailanganin ko ito ng Sabado ay maaga ko itong ipapaalam sa kanya. At nasa kanya ang desisyon kung tatanggapin ang trabaho ng Sabado o, hindi. At kung sakaling tatanggapin nito ang trabaho ng Sabado ay may karagdagang bayad ito. Sa tingin ko naman ay 'di ko na siya kailangan ng Sabado. 'Yon pa nga lang makasama ito ng Sunday to Friday ay para na akong mawawalan ng ulirat. This is a heavy torture! Nakalagay pa sa kontratang ito na dapat lagi ko itong kasama saan man ako magpunta! Damn it. Mamatay yata ako ng maaga! At sa gabi naman ay tapos na ito ng 8pm at puwede ng magpahinga. Kung mayroon man akong pupuntahan ng gabi ay may nakatalaga naman bilang personal kong bantay na pang gabi. So, lima na ngayon ang body guard ko kung ganon? Damn. I hate being too crowded pero may magagawa ba ako? Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya pa'y nakatanggap ako ng tawag mula sa isa kong body guard na may dumating na isang lalaki. Pinadala daw ito ni dad. So, talagang bantay sarado na ako. Ngayon pa lang e, para na akong nasasakal at 'di makahinga. Naiisip ko pa nga lang na may napakapanget na bubuntot-buntot sa'kin ay umiinit na ang ulo ko. "30k for a month, hmmm...Pa'no kung doblehin ko ang sahod mo kapalit ng katapatan mo sa'kin, ako ang magsasabi sa'yo kung ano ang ere-report mo kay Mama? " Nakita ko siyang natigilan, tiningnan ako ng matiim. 6OK ang matatanggap nito buwan-buwan nang walang kahirap-hirap, malaki na rin yon. Hindi na masama. Hindi katanggi tanggi ang offer ko. Bahagya akong napangisi nang makita kong tila binabasa nito ang mukha ko kung seryoso ba ako sa aking sinabi. Humugot ito ng malalim na hininga at tila tiningnan ako nito sa mga mata. Gusto ko nga rin aninagin ang mga mata nito ngunit mahirap talaga makita dahil sa kapal ng salamin nitong suot. "Sorry Sir, pero gusto ko po ay pang-matagalan na trabaho. Nasa Mama nyo pa rin ang katapatan ko. Oo nga po't kailangan ko ng pera 'di ko po itatanggi 'yon. Ang alok nyo'y nakakaakit, pero ang sabi ng Mama n'yo, wala naman kayong pera kase sa dalawang anak niya kayo ang pinakatamad. Ang natatanggap n'yong allowance ngayon mula sa mga magulang n'yo ay kulang pa na pang date sa dami ng babae n'yo. So, pa'no n'yo ako mababayaran? At kung sakaling may pangbayad man kayo sa'kin , pipiliin ko pa rin ang Mama n'yo. Dahil unang-una siya talaga ang amo ko, siya ang nag-hired sa'kin at nakalagay na amo ko sa kontrata ko. At higit sa lahat tulad ng sabi ko gusto kong magtagal sa trabaho." Laglag panga akong nakatingin lang sa kanya. Hindi ako makapaniwalang sinabi iyon ni mama sa panget na 'to. Hindi lang ako napahiya ng husto. Kung tutuusin ay naging maayos naman kahit papaano ang trabaho ko noon. Ang tanging problema lamang ay lagi akong sumasabit sa mga secretary ko. Ilang beses akong naabutan ni Mama at Papa kasama ang secretary ko na gumagawa ng milagro. Pero nagtino ako ng makilala ko si Kristen. Nagumpisa akong mangarap at isipin ang hinaharap kasama si Kristen. Ngunit tutol naman si Mom and Dad sa relasyon namin. Ganon pa man ay nagpatuloy pa rin ang aming relasyon. Handa ko s'yang ipaglaban. 'Ni hindi ako nagpapaniwala sa mga masasamang balitang nakakarating sa'kin. Ang tanging pinaniniwalaan ko lamang ay si Kristen. Pero masyado akong nasaktan nang isang araw ay makipaghiwalay na ito sa'kin at sinabing may iba na nga itong mahal. Noong una'y inisip kong baka pinuntahan ito ng aking ama at binalaan... baka tinakot. Ngunit isang araw, ako na mismo ang nakakita sa pinagtatrabauhan nitong bar. Nakikipaghalikan ito kay Miguel. At nang konprontahin ko ay walang habas nitong sinabi sa'kin na mas mahal nito si Miguel kaysa sa akin. Nagmakaawa ako pero sinabi nito na hindi nito kayang mawala si Miguel. Para akong sinampal-sampal ng paulit-ulit nang sandaling 'yon. Tandang-tanda ko pa ang nang-uuyam na ngisi ni Miguel sa akin noong gabing 'yon. Nagmakaawa ako kay Kristen, pero hindi na ako nito pinakinggan. Pinagtabuyan n'ya ako na para bang ang isang taong masayang relasyon namin ay walang halaga at naglaho na parang bula. Si Kristen lang ang babaeng seneryoso ko. Minahal ko ng totoo. Kahit nga ayaw ko ng male secretary ay napapayag niya akong mag-hired ng lalaking secretary dahil nagseselos siya kapag babae ang secretary ko. Masyado ko siyang mahal kaya sinusunod ko lahat ng gusto niya. Ngunit 'di pa rin naging sapat 'yon at ipinagpalit pa rin ako sa iba. Pagkatapos ng naging relasyon ko sa kanya, ay parang nawalan na rin ako ng ganang magtrabaho. Unti-unting naging patapon at naging matamlay ang buhay ko. Napasok ako sa maraming iskandalo, puro sakit ng ulo ang dinala ko sa mga magulang ko. Isa sila sa mga sinisisi ko kung bakit nawala sa'kin si Kristen. Kung sana sinuportahan lang nila ang relasyon namin dalawa, kung sana naging maayos ang pakikitungo nila sa kanya baka hindi pa naisipan ni Kristen na tumingin sa iba. Iniisip kong marahil isa sa dahilan ni Kristen upang 'di ako piliin ay dahil sa pagka disgusto ng mga magulang ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD