BEAUTY IN THE WOODS
Jagger Montero
KARMA. Iyon ang konklusyon ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa hindi pangkaraniwang mga panaginip niya gabi-gabi. Paraan daw iyon ng Dios para itigil na niya ang panloloko sa mga babae. Pero para sa kaniya, walang masamang ibig sabihin ang pagpapakita ng babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng mahaba at puting puting bestida, at humahabol sa kaniya sa kaniyang panaginip.
Ang nakapagtataka lang, hindi niya makita ang mukha ng babae. Hindi niya maaninag ang mukha nito. At bakit ba niya tinatakbuhan ito? Isang buwan na siyang ginugulo ng panaginip na iyon, hanggang irekomenda ni Kino sa kaniya ang isang taong makakatulong daw para tantanan na siya ng panaginip o mas dapat tawaging 'bangungot'.
Umakyat siya sa bulubundukin para hanapin sa liblib na lugar si Tandang Hadana.
Hindi naman siya nabigo, natagpuan niya si Tandang Hadana matapos ang ilang araw na paghahanap sa tirahan nito. Ngunit nakakagulat na hindi naman ito mukhang Lola. Napakabata ang hitsura nito para tawaging 'Tanda'. At napakaganda. Hindi nalalayo ang katangiang pisikal sa mga tipo niyang babae.
Pero may kakaiba sa isang ito. Para kay Jagger, challenge ang babaeng ito sa kaniyang p*********i.