Chapter 12

2641 Words
Chapter 12 Nakakunot-noong nakatanaw ako sa delivery truck na dumating sa harapan ng bahay namin. Pina-alis ko sila dalawang beses na pero bumabalik pa rin sila. Dahil wala akong matandaan na may pinamili akong appliances. Wala akong pera para sa mga materyal na bagay, may pinag iiponan ako pero nakalaan sa pagkokolehiyo ng kapatid kong si Winston. "Ma'am wala naman pong ibang, Maddison Alvarez , dito sa lugar niyo kundi ikaw lang po," napapakamot na ito ng ulo sabay pakita ng delivery address. Pinalaki ko na ang mga mata ko para mas malinaw na mabasa ko. Kung ako ba talaga ang nakasulat sa delivery address. Ako nga talaga dahil wala namang ibang Maddison Alvarez kundi ako lang. "Wala po akong matandaan na may binili ho ako na mga kagamitan, kuya," naiinis kong sagot sa lalaki. Ang kulit-kulit kasi niya! "Hindi po kayo ang bumili mam lalaki po," paglilinaw niya na tila nababagot na kanina pa sila paikot-ikot sa barangay namin. At dito rin ang bagsak nila sa bahay namin. Tumaas ang kilay ko! "Sinong lalaki?" "Ano nga pala pangngalan 'nung si pogi?" tanong nito sa kasama niya. "Ga..." huminto ito saglit nag isip. "Ahh! Gavin po mam matangkad, pogi saka kakaiba yong mata niya parang mata ng forenger." Sumimangot ako. "Hindi ho forenger kundi foriegner," pagtatama ko. Napakamot lang din ito ng ulo at nagsikuhan pa sila ng kasama niya. "Sigurado ka?" paniniyak ko. "Opo maam! Lahat nga ng mga tindera namin sa store kilig na kilig," aniya. "Makalaglag panty yong boyfriend niyo, maam," dugtong pa niya at ngumisi sa akin. "Bakit nagpapanty kaba?" pamimilosopo ko para rin kasi itong timang. Magsama sila ng mga saleslady nila na mga timang. Lumapit ako sa truck tiningnan ko lahat kung ano ang pinamili ni Gavin. May sonny bravia flat screen tv, my ref, gas range, washing machine, queen size na bed at sopa. Nasapo ko ang noo ko sayang ang pagiging engineering student ni Gavin noon para hindi niya alam ang tamang sukat ng bahay namin. Palibhasa kasi tambay sa kanto at wala ng ginawa kundi abangan ako araw-araw kaya di naka graduate. Wala din itong ina-atrasan na gulo ang lalaking iyon. Anak ni mayor ang huli niyang nakalaban, tinanggalan niya lang naman ng apat na ngipin. Kaya ayon na expell, 5/6 lang sukat ng bahay namin, paano magkakasya ang sopa na binili niya. May biniling ref! Wala naman akong ilalagay dito tapos gastos pa sa kuryente.Yong washing machine lang ang may pakinabang sa akin at yong TV sa mga kapatid ko. Maya-maya may dumating na taga lawasa magkakabit daw sila ng linya ng tubig namin. Si Gavin na naman ang nagbayad!Napapaisip ako saan kaya niya kinuha ang mga pinambili niya rito.Yong videocam na binigay niya sa akin mahal na yun, tapos ito pa. Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Masaya ako at tanggap ko ang mga bigay sa akin ng lalaki. Ang ayaw ko lang kung ano na naman ang sabihin ng mga kapitbahay ko. Obligasyon ko ang pamilya ko hindi ni Gavin. "Ang bait talaga ni kuya Gavin, ate lahat gagawin niya para mapasaya ka ang swerte mo, ate?" sabi sa akin ni Ricky. Pinilit ko na lamang ngumiti pero sa loob-loob ko medyo naiinis ako! Dapat ako ang gumagawa nito hindi si Gavin. Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Ipapabalik ko na sana lahat pero nakikita ko sa mga mata ng mga kapatid ko na masay sila. Kaya pinababa ko na lahat at inisip ko na lang dahil mahal na mahal ako ni Gavin kaya niya ito ginagawa. Nakita ko si alfie sa tindahan may binibili. Apat na araw ko ng hindi nakikita ang lalaking iyon. Aaminin ko miss na miss ko na din siya. Binilisan kong lapitan ang lalaki. "Si Gavin, alfie?" tanong ko sa kanya. "Baka nasa bahay nila pero kasama ko siya kahapon pinamili ka niya ng mga gamit sa bahay para hindi ka mahirapan. Alam mo naman si bossing ang lakas-lakas mo doon," pagmamayabang nito. "Sana man lang tinanong niya ako kung gusto ko," naiinis kong sagot sa kanya. "Makaka-ayaw ka ba sa kanya?" tila may ibig sabihin ito. Umismid ako. " H-hindi..." nauutal kong sagot. "IYon naman pala nagpatatto nga 'yun si bos—" Huminto ito at mabilis na sinipsip ang softdrink ng maubos ay agad siyang tumalikod. "Anong sabi mo? Tama ba ang pagkarinig ko tattoo?" balik tanong ko sa kanya. Nagkamot ito ng ulo at hinakbangan ako pero mabilis ang refflexes ko agad kong nahila ang laylayan ng t-shirt niya. "W-wala akong sinabing ganun." "Uulitin mo o pupunitin ko to," i warned at hinila ko talaga. "Puntahan mo na lang siya sa bahay niya para makita mo ang tatto niya. Wag mo lang punitin ang damit ko mahal yan Maddison," pakiusap niya na mikkita sa mukha ang pagmamakaawa. Binitawan ko siya at inayos-ayos ko pa kunwari ang pagkagusot ng t-shirt niya. Napabuntong-hininga ito sabay punas ng butil.butil niyang pawis sa noo. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. Bago ko ito tinalikura! Pupuntahan ko si Gavin sa bahay nila. Ano na naman ang nakain ng lalaking iyon at may pa tatto-tatto pang nalalaman. Makatikim siya sa akin ng one to sawa na sermon. *** Binilisan ko ang bawat hakbang marating lang ang bahay ng lalaki. Hindi ko pansin ang hingal ng marating ko ang huling step ng hagdanan patungo sa bahay nila. Pawis na pawis ako at saglit na huminto para humugot ng malaliman na hininga. Nakakapagod puntahan ang bahay niya. Bakit ba kasi nasa ibabaw ito ng burol. Mula rito sa kinatatayuan ko natatanaw ko ang buong barangay namin, ang malawak na ilog at mga taniman ng mais isa sa mga pinagkikitaan dito sa amin. Napasinghap ako ng maramdaman ng balat ko ang malamyos na simoy ng hangin. Nilipad-lipad nito ang mahaba kong buhok. Napangiti ako! Ang ganda ng view puro kulay green ang nakikita ng mga mata ko. Nang maalala ko kung ano ang sadya ko rito ang lalaki. Hinakbang ko ang mga paa patungo sa bahay niya. Naabutan ko itong nakayukong nakaupo parang wala sa wisyo na nakatingin lang sa baba. Walang sout na t-shirt at mukhang bagong gising magulo ang mga buhok niya. Napatingin ako sa sout kung pambisig na relo mag alas-diyes na. Hindi man lang niya nararamdaman ang presensiya ko. Sumadal ito sa upuan at pumikit! Ang gwapo talaga nito hindi nakakasawang tingnan. Dahan-dahan akong lumapit itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya. I feel his warm breath! Napasigaw ako ng bigla niyang akong hapitin sa beywang at napaupo sa kanyang kandungan. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa beywang ko. Naalala ko yong unang beses may nangyari sa amin, ganitong-ganito yun!At nakakaramdam na ako ng nerbiyos kung maari hindi na dapat masundan pa. Kahit anong pilit ko pakikipaglaban sa kanya tila bakal ang mga braso nitong nakapalupot lang sa bewang ko. Hiningal na lang ako pero ayaw parin niya akong bitawan. "G-gavin, bitawan mo nga ako," na aasar kong wika sa kanya. Hindi siya kumibo! Isinubsob pa nito ang ulo sa balikat ko. Doon ko napansin na may tatto nga ito sa likod pero hindi ko mawari kong ano. Mukha siyang ibon na iwan. "Totoo pala ang sinabi ni Alfie nagpatattoo ka nga," pagtatampo ko at naiinis ako. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin kung papayag ba ako o hindi. "Miss mo ako noh," aniya ng tumingin sa akin. "Kasi ako na mi-miss kita sobra," sabi niya sa mukha ko mismo. Tinitigan ko lang siya. "Talaga lang ha Gavin apat na araw kang hindi nagpakita sa akin ," panumbat ko at sinubukan ko ulit tumayo pero ayaw niya akong bitawan nanatili sa beywang ko ang mga braso niya. "Masakit ang likod ko tapos kahapon second session." "Bakit? Dahil diyan sa tatto mo, sino ba kasi nagsabi sayo na magpatattoo ka? ani ko na hindi maalis sa akin ang inis. "Hindi mo naman ako papayagan kapag sinabi ko pa." "Hindi talaga dinudumihan mo lang ang katawa mo, Gavin , ang kinis mo tapos nagpapatattoo ka," pagalit kong sabi sa kanya. Tumawa lang siya at pinisil ang ilong ko.Tumayo siya buhat-buhat ako. "Sa kwarto na nga lang tayo." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya at natataranta ako. "G-gavin ibaba mo ako, ayoko yang iniisip mo meron pa ako," protesta ko. "May mga patak-patak pa," paliwanag ko pero iba ang mga kinang ng mga mata nito may gusto talaga siyang mangyari. "Nakamonitor ka sa akin kaya alam ko kung meron kapa o wala na?" ngumisi ito. Itinapat nito ang noo niya sa noo ko. "Pagbigyan muna ako hindi mo ba ako namimiss," he said seductively at hinalikan ako sa labi. Nanlalambot na naman ang mga tuhod ko. "Ibaba mo si Maddison, Gavin," sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Tito Saul ang tatay ni Gavin halatado sa mukha niya ang pagkadisgusto sa naabutan. Kasunod niya si Tita Conchita nakakunot ang noo nito na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Gavin. Walang nagawa ang lalaki kundi ibaba ako pero hindi ko man lang ito nakikitaan ng gulat! Samantala ako kulang na lang tumakbo ako at magtago dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon. Laking pasalamat ko narin at na save by the bell ako kung nagkataon.Lagot na naman ang pempem ko mabubog-bog na naman. Nagpaalam na ako na uuwi pero pinigilan nila ako. Nagkwentuhan kami ni tita conchita sa sala habang nasa kusina si Gavin nagluluto. "Inaalagaan kaba ni Gavin, Maddison?" masayang tanong niya sa akin. "Opo tita," tugon ko. "Mabuti naman lagi namin pinapa-alalahanan ni Saul ang batang yan. Wala naman kaming ibang gustong maging manugang kundi ikaw lang." "Salamat naman po!" "Magmahalan kayo at alagaan ang isat-isa at ikaw na minsan ang umitindi kay Gavin alam mo naman na may ugali ang batang 'yan," paalala niya sa akin. "Ganun naman po Ginagawa ko, tita." Narinig namin ang pagtawag ni Gavin sa akin mula sa kusina. Nanghihingi ng tulong kaya iniwan ko muna si tita conchita at pinuntahan ang lalaki. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Nakatalikod siya. Doon ko lang nakita ng mabuti ang tattoo niya. Hindi pala ito ibon kundi Angel, natutop ko ang labi ko na ng makitang nakasulat ang pangalan ko sa ibaba. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako pero may part na alanganin ako. May nabasa kasi ako na hindi good idea ipatattoo ang pangngalan ng partner mo sa katawan mo. Because its a sign of budluck the realtionship between the two of you will be doomed. Bagay na ayaw ko mangyari sa amin. Dahan-dahan akong lumapit kay Gavin ng makarating ako sa kinaroroonan niya. Hinaplos ko ang likod niya, 'yung parteng andoon ang pangalan ko. Maraming beses ko na napatunayan kung gaano niya ako mahal. Sobra na yata kung pati pangalan ko isusulat pa niya sa katawan niya. "Nagustuhan mo ba, Mahal?" malambing niyang tanong sa akin at humarap siya. Kinuha niya ang isang kamay ko. Dinampian niya ng mga halik ang likod ng palad ko. Napatitig ako sa kanya. Masyado niya akong mahal para masaktan ko siya. Bagay na hindi ko kayang gawin sa kanya. "Oo naman," wala sa sariling sagot ko kahit may alanganin ako. Hinaplos niya ang pisngi ko para mapapikit ako. "Pasalamat ka dumating sila nanay kung hindi baka napapatirik ko na mata mo ngayon," bulong niya sa tenga. Napadilat ako at nahampas ko siya sa dibdib. Nag eemote na nga ako pero heto siya nagagawa pa niyang biruin ako. Biro na laging may ibig sahihin. "Buti na nga lang dumating sila," sabi ko sabay irap sa kanya. " Bakit mo pala ako tinawag?" tanong ko ng maalala ko na tinawag niya ako kanina. "Wala maupo ka lang diyan," nguso niya sa upuan na nasa harap ko. "Gusto ko panoorin mo ako kung paano at gaano ako kasarap magluto," pagmamalaki pa niya at lumapit sa akin. "Sumasakit 'yong puson ko Mahal," bulong niya sa akin. At parang kasalanan ko pa kung hindi siya nag isip ng kung ano-ano di wala sanang puson na nanakit ngayon. "Timang ka talaga, Gavin , ayyy uu nga pala Mahal salamat sa pinadeliver mo sa bahay. Sobra-sobra naman yata," pag iiba ko ng usapan. "Wala yon basta para kay, Maddison, na mahal na mahal ni Gavin lahat gagawin makita niya lang masaya ang babaeng pinakamahalaga sa buhay niya," sabi niya na puno ng pagmamahal at ngumiti siya sa akin. Nangingislap ang kanyang mga mata at nakikita ko ang buong pagmamahal niya sa akin. Lahat ng mga sinabi niya ay sobrang tumatagos sa buong pagkatao ko. Ano ba ang meron ako at sobra akong mahal ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hiniling ko lang siya isang beses pero ito ngayon siya walang iba ginawa kundi ang mahalin ako at ipadama sa akin araw-araw kung gaano niya ako kamahal. *** Pagkatapos niyang magluto nag ayos na ako ng mesa at tinawag ko ang kanyang mga magulang. Masaya kaming nagtatanghalian at nagkwekwentuhan sa mga panahon na nagdaan. Lalo na yong mga time na bata pa ako at nagbibinatilyo si Gavin. Hindi maiwasan ang magtawanan kaming apat. Nang matapos kami nagtanghalian, pumunta kami sa isang burol na nasa tabi lang din ng bahay nila. Mababa lang ito at may nag iisang puno ng narra. Natatawa ako sa sarili ko hindi ko ma lubos maisip na dito sa burol na ito. Una kong sinuko ang sarili ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya, kanina pa pala din ito nakatitig sa akin. Malagkit at may ibang pinapahiwatig at maya-maya, ngumiti siya at naglakad patungo sa puno ng narra. Nagyuko ito ng ulo tila may hinahanap sa damuhan. Ilang saglit lang yumuko ito at may pinulot. Umupo ako sa damuhan habang pinapanood lang siya. May inu-ukit siya na kung ano sa puno ng kahoy. "Anong ginagawa mo?" takang tanong ko. "Halika dito para makita mo," tawag niya sa akin. Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan niya. Napailing na lang ako ng ulo pati ba naman puno hindi pa pinalampas. "Gavin love Maddison," usal ko. "Iwan ko sayo Gavin kung ano-ano na lang ang naiisip mo." "Witness kaya ang lugar na ito," aniya na may nais ipakahulugan sa binitawan na salita at kumindat pa sa akin. Napamaang na lang ako! Isa sa mga kahinaan ko ang mga kindat na yan!Tumalikod na ako bago pa ako malunod sa kumunoy ulit. Hindi pa naman ako marunong tumanngi. Lumayo na ako pero maagap ang mga kamay niya. Nayapos ng mga braso niya ang bewang ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Sunod-sunod ang mga paghinga niya tila ba may kumuha siya ng lakas at may nais sasabihin. "A-Ano kung magpakasal na tayo, Mahal..." nauutal niyang sabi sa akin. Nasamid ako sa narinig ko sa kanya. Magka baby nga hindi pa ako ready magpakasal pa kaya? Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kanya. "Hindi naman kita minamadali naisip ko lang nama," dagdag niya. Napabuntong-hininga ako himala hindi uminit ang ulo niya. Nagagalit agad ito kapag against sa gusto niya ang isasagot mo. "Darating din tayo diyan, enjoy lng muna natin yong magjowa status natin," mahina kong sabi. Inikot niya ako paharap sa kanya at tumango siya at hinalikan ako. Sa pagkakataong ito tumugon ako. Pero lumalim ang mga halik niya kaya pasimple kong binitawan ang labi niya baka kunh saan pa kami makapunta. Pwede lang namin gawin dito yun lalo pat may distansiya ang area na ito sa bahay nila. Humingi ako permiso sa kanya kung pwede ihatid niya muna ako ng bahay. Naalala ko yung lakad namin ni Aurelia hindi ko na lang sasahihin sa kanya baka hindi niya ako papayagan. Maayos niya kong hinatid sa bahay. Para makita na rin anv mga binili at pati ang pagkabit ng mga taga lawasa ng tubig sa amin. Nagpasalamat din ang mga kapatid ko sa kanya at nagpaalam na din siya na uuwi na muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD