Chapter 06

2648 Words
Chapter 06 Malungkot akong nakatanaw sa labas ng bahay. Pang apat na araw na ngayon na hindi nagpapakita sa akin si Gavin. Miss na miss kona siya at nag aalala ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi man lang ito nagpaparamdam sa akin. Sina alfie at carlos ang naghahatid-sundo sa akin dahil iyon daw ang kabilin-bilinan ng bossing nila. Medyo nagtatampo ako ngayon sa lalaki. Kung saan 1st monthsary namin ay wala siya. Okay lang naman sa akin kahit walang celebration, basta andito siya sa tabi ko. "Gavin asan kana ba?" tanong ko sa sarili "Ano ang iniisip mo?" untag sa akin ni aurelia. "Wag mo isipin si Gavin kasi mahal na mahal ka 'non," pabiro nitong sabi Ngumiti lang ako sa kanya wala akong balak sabayan ang biro niya. Binaling ko muli ang paningin sa labas ng bahay. Maaga ako umuwi ngayon magbabasakali ako na madatnan ko siya dito sa bahay. "Asan kaya si Gavin, auring?" hindi ko mapigilan isa tinig sa babae. Nagkibit-balikat lang ito. " Hindi ko rin alam tinanong ko kay Denver pero hindi rin daw niya alam." Ngumuso ako at ang bigat ng nasa dibdib ko.Natitiis ako ni Gavin pagkatapos lang may nangyari sa amin hindi na ito nagparamdam. Okay naman kami noong hinatid niya ako dito sa bahay. Pero bakit ganito ngayon? Nangilid ang mga luha ko sa tagiliran ng aking mga mata. Hindi ko gusto ang laman ng isip ko ngayon. Nakakafrustrate sa totoo lang!Pinag iisip niya ako! Pailing-iling na lang ako ng ulo at pumasok sa kwarto namin.Itulog ko na lang itong masamang nasa isipan ko. Ayoko isipin na baka s*x lang ang habol ni Gavin sa akin. Purkit ba nakuha na niya ako hindi na siya magparamdam. Nakakainis talaga sobra! Pasimple kung pinunasan ang luha sa mga mata ko. Humiga ako sa katre nagtalukbong ako ng kumot. Para itago itong mumunting paghikbi ko. Nang makarinig ako ng tunog ng gitara mula sa labas ng bahay. Baka kila Aling Ibyang lang sa may tindahan sa harapan ng bahay lang namin. Tuwing hapon may nag iinuman diyan asahan na ang malakas na video-ok or tugtugan gamit ang gitara. Kaya sanay na ako sa kanila, sanay na ako sa mga kapitbahay kong maiingay. Siguro wala silang pang video-ok kaya gitara na lang muna ang trip nila. "Maddison!" Narinig kung tawag sa akin ni Aurelia pero dedma ako sa kanya. Dumapa ako ay isinubsob ko ang ulo ko sa unan. Nagtakip pa ako ng tenga gamit ang mga kamay ko. Nagulat ako sa malakas na palo sa pwetan ko at nakita ko ang patawa—tawa na si Aurelia. "Ano ba auring matutulog na ang tao distorbo ka?" Asik ko sa kanya Napataas ito ng isang kilay. "Tulog?Alas sais palng ng gabi Maddison ang aga-aga pa para matulog d ka pa nga kumakain ie." "Sa gusto ko nga," pagmamaktol ko sa kanya at nakabusangot na nakatitig lang sa kanya. Pakamot.kamot ito ng ulo!" May bisita ka," nakangiting turan nito Nakunot naman ang noo ko! Wala akong inaasahan na bisita kaya matutulog nalang ako. "Bahala kana diyan," walang kabuhay-buhay na saad ko. "Ayaw mo? Di bahala ka din!" balik nito sa akin. " Sayang may dala siyang pagkain at bulaklak," pina sway-sway pa nito ang pang upo niya ng talikuran ako. Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino ba ang tinutukoy niya? Nakapa ko ang sariling dibdib nakaramdam ako ng kaba at excitement! "Ateeeee....." tawag sa akin ni macky na biglang sumungaw sa pintuan.Ang bunso kung kapatid. Hinila ako palabas kulang na lang magkada subsob ako sa ginagawa niya. Lumalapit sa pandinig ko ang tugtog ng gitara at parang tama ang excitement na nararamdaman ko. "Ate," tili naman ni ricky ang binabae kung kapatid. Natutop ko ang bibig ng makita ko si Gavin kasama ang dalawang itlog sina Alfie at Carlos. May sukbit itong gitara sa balikat niya matamis itong ngumiti ng makita ako.Nawaglit ang masamang iniisip ko sa kanya kanina. Para akong walang tiwala kay Gavin pinagdududahan ko ang sensiridad ng pagmamahal niya sa akin. Gustong-gusto ko itong pektusan ngayon pinag alala niya ako ng sobra. Sa ilang araw na hindi siya nagparamdam sa akin. "Arte mo dayyy, pa emote-emote ka pa.Yun pala balak ka lang surpresahin. Kinilig naman siya," paniniko nito sa akin sabay pang aasar ni Aurelia. Napangiti ako at nagbunyi ang dibdib ko. Deep inside of me kinikilig ako na naiinis sa kanya. Kumindat sa akin si Gavin! Nanlambot naman ang tuhod ko sa ginawa niya. Tuluyan ng nawala ang pagdaramdam ko sa kanya. Kumuha pa ito ng palakpakan sa amin bago sinimulan ang patugtugin ang kanyang gitara! At sinulam nitong kumanta. All i want is nothing more To hear you knocking at my door Cause if i could see your face one more I would die, a happy man, Im sure When you said your last goodbye I died little bit inside I lay tears in bed all night Alone without you by my side But if you loved me,Why'd did you leave me? Take my body,take my body All i want is, and all i need is To find somebody, Im fine somebody like you ooh ooh ooh ooh like you ooh ooh Cause you brought out the best of me A part of me I'd never seen You took my soul wiped at clean Our love was made for movie screen Tumulo ang luha ko sa kinanta ni Gavin. Bakit naman ganun ang kinanta niya? Bakit parang ang sakit-sakit naman? Sa dinami-dami ng kanta na pwede kantahin. Bakit iyon pa? Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na kayang dugtungan pa niya ang malungkot na kantang yun. Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan namin. Pati mga kapitbahay naming nakikimarites lang. "Galing mo talaga,bossing," sigaw ni Carlos na nakipag apiran kay Alfie. "Na miss mo ako, noh?" nakangiting sabi niya sa akin and he winked. Tumango.tango ako. "Bakit ka umiiyak ie andito na ako?" masuyo nitong tanong sa akin at pinunasan ng mga daliri niya ang mga luhang nagsilandasan sa pisngi ko. Suminghot ako bago ko sinagot ang tanong niya. " Saan kaba kasi nagpunta at hindi ka man lang nagpapa-alam sa akin," nagtatampo kung turan sa kanya. Hinuli niya ang mga kamay ko at dinala iyon sa labi niya. " Nagpapamiss sayo," may himig na biro ang saad niya sa akin sabay tanggal sa gitara sa balikat niya. At inabot niya iyon kay carlos. Kinurot ko siya sa tagiliran! Napaigtad siya! Grabe siya kung magpamiss pinag alala niya talaga ako at pinag-iisip ng masama. " Kuya Gavin, kainin na namin itong mga dala mong pagkain gutom na kami ni kuya nonoy," paalam ni Macky sabay taas ng pansit sa bilao at may pacake pa si Gavin. " Oo ba sa inyo naman lahat yan," masigla niyang sagot sa kapatid ko.Tuwang-tuwa naman na tumalon-talon ang sampung taong gulang na bata. Maya.maya lumapit si Carlos may bitbit na isang boquoet na bulaklak. At ang isang kamay may bitbit na isang kahon ng alak. Nakangiting inabot ko ang bulaklak at minasamaan ko ng tingin ang alak na bitbit nito. "Inuman while kwentuhan maddison paminsan-minsan lang naman," hirit pa nito. "Tapos maglalasing kayo?" masungit kung tanong "Ngayon lang pagbigyan muna," sabad naman ni alfie. Ngumisi ako! "Basta yan lang ha." Tumango-tango ang mga ito at naghanap agad ng pagpwestuhan nila. Nakita kung si naayos na pala ni Aurelia ang pagiinuman ng mga ito. Parang naisahan nanaman nila ako at napailing nalang ako. Napapangiti akong inamoy-amoy ang bulaklak na binigay ni Gavin para sa akin. "Saan kaba talaga galing?" tanong ko ulit na maalala ko. Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay at naupo kami. Nilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng mesa sa gilid namin."Mahal,saan kaba talaga galing? Alalng-alala ako sayo alam mo ba yun," pangungulit ko. Napahimas siya ng batok. " Sinama ako ni tatay kulang sila ng helper sa construction kaya nagsideline lang muna ako," sagot niya sa akin na tila nahihimigan ko sa boses niya na parang pagod siya. Nakonsensiya naman ako doon baka dahil ito sa kaartehan ko. Noong mga nakaraang araw napayuko ako dahil sa nilalamon ako ng hiya. Hindi ako kayang tiisin ni Gavin. Iniangat niya ang ulo ko para maharap sa kanya. "Na miss kita sobrang.sobra,Mahal," sabay halik sa labi ko. Na buong puso ko namang tinugunan. "Ate at kuya," boses ni macky na nakatutok ang paningin sa amin ni Gavin. Naitulak ko ng bahagya si Gavin para ilayo ang mukha ko sa kanya. Pasimpleng isinandal ni Gavin ang likod niya at nagawa pa niyong ipandekwatro ang mga binti niya. Nagkuyakoy pa! Nag-init naman ang mga pisngi ko. Nahiya ako sa bunso kung kapatid na nakikita niya akong nakikipaghalikan. "Ilugar mo naman kasi dapat maddison," kastigo ko sa sarili at pilit na ngumiti kay Macky. "B-bakit Mack?" nauutal kung tanong sa bata. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gavin.Samantala si Gavin ay tahimik lang nagawa lang lagi nitong maging kampante sa tuwing mahuhuli kami. Paano niya nagagawa ang ganyang mga bagay?Napakasarap talaga nitong pektusan! "Sabihin ko lang sana na kain na kayo ate pero bakit kayo nagkiss ni kuya," sabay tingin kay Gavin "Mahal ko kasi ang ate mo Mckinley kaya hinalikan ko siya," walang ka preno.preno na sagot nito sa kapatid ko. Namilog naman ang mata ng bata. "Ayyy pwedw ko lang ikiss si bambam ate mahal ko din siya," napatakip ako sa labi ni mAcky at nahampas ko si Gavin. Kung ano.ano lang sinasabi sa bata. Baka gayahin niya ang sinabi nito at baka bigla itong manghahalik ng batang babae sa labas. "Hindi ganun macky sa malalaki lang ginagawa ang mga ganoon," paliwanag ko sa bata hindi ko alam kung tama ang dinahilan ko sa bata. "Pwede macky tuturuan pa kita," sulsol nito sa kapatid ko. Muling namilog ang mga mata niyo. Hinampas ko si Gavin at pinanlakihan ng mata. Hindi ko gusto ang sinabi niya sa kapatid kung ano-ano lang ang tinuturo niya. Humahalakhak lang ito ng tawa. "Gavin, Maddison, halina kayo dito umpisahan na natin ang inuman," sigaw ni Denver dumating na din pala ang binata. Napataas ako ng kilay ng makita si Aurelia na nakaupo sa tabi ni Denver. Nakakapit na ito sa braso ni Denver, lantaran din ito kung makalandi sa boyfriend niya. "Susunod na kami," sigaw ni Gavin at hinapit ako sa bewang at muli akong hinalikan. Hinalikan niya ako sa harap mismo ng kapatid ko at napapikit na lang si Macky. Ang malakas na tawa ang binitawan niya nung kumalas siya sa akin. Napamaang na lang ako at ngumisi ang kapatid ko. *** Hindi na ako tumanggi ng abutan ako ng isang basong alak na beer. Tumingin ako kay Gavin at nakita ko ang pag sang ayon niya. Nilagok ko iyon ng tuloy-tuloy. Napangiwi àko ng malasahan sa unang pagkakataon ang lasa ng alak. " Ang pait pala niyan," pakiramdam ko nanginig ang buong katawan ko at napamaymay ko ang dalawang kamay ko. Pinagtawanan nila ako! "Sa tanga kaba naman ininom mo na walang ice tapos ginawa mong tubig malamang talagang mapait yan," pang aasar sa akin ni Aurelia. Inismiran ko ang babae at tumingin ako kay Gavin. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang din sa akin. Tila ba binabasa niya ang bawat kilos ko. "Gusto mo pa?" alok nito sa akin at binuhos niya lahat ng laman sa hawak niyang bote. Napatitig ako kay Gavin! Okay lang ba sa kanya na uminom ako ng alak? Nilagyan din niya ng yelo ang baso. "Hindi na masyadong papait yan saka dahan-dahan sa pag inom hindi tubig yan," nakangiting paalala niya. Kinuha ni Gavin ang gitara at pinagtugtog niya. Forevermore by Side A. Nilaro niya muna ang string ng gitara bago tuluyan na kumanta. The are times when i just want look at your face With the star's in the night There are times when i just want to feel your embrace In the cold night I just can't believe you are mine now You were just a dream that once knew I never thought I would right for you I just cant compare you with anything in this world You're all i need to be with forever more Feel na feel nito ang pagkanta at ang ganda ng kanyang boses. Tagos sa puso ang bawat banat niya sa mga salitang ginagamit sa kanta. Sobra naman akong kinikilig habang kinakanta niyang nakatitig lang sa akin at thw whole time. All those years I've longed to hold you in my arms I've dreaming of you Every night, Ive been watching all the stars that feel down Wishing you could be mine "Tama na Gavin," basag ni aurelia sa pag eemote ni Gavin. "Baka lang-gamin na tayong lahat dito samantala 'yong isa dito walang ginagawa," parinig nito kay Denver. Napakunot noo naman ang lalaki sa kanya. Nahinto si Gavin sa mga pasaring ni Aurelia kaya binigay niya kay Denver ang gitara at tumugtog din ito. Napakamot na lang ako ng ulo nabitin ako sa kanta ni Gavin. Muli kong ininom ang alak na nilagay niya sa baso ko kanina. Inubos ko iyon isang tung-gaan lang,medyo hindi nga mapait kapag may yelo. Tatayo sana ako ng makaramdam ako ng hilo. Buti nalang maagap si Gavin at naalalayan ako. His broswed raised. " Ok ka lang?" Nag alalang tanong nito. Tumango ako at tumawa para kasing dumudoble ang paningin ko at nagawa ko pa mag peace sign. "Okay lang ako at medyo nahihilo lang." At bigla na lang ako natawa. Napasapo sa noo ni Aurelia ang noo. "Nalasing kana ata pinsan mas maganda matulog kana. Alam mo naman, Gavin , na hindi sanay uminom yan pinainom niyo," kastigo niya sa lalaki. Hindi lang ito umimik inalalayan niya lang ako. At muli akong nag peace sign kay Aurelia at hindi ko napigilan ang magburf. Napailing siya sa akin. Tipsy na ako! "Yan na yung pinakiusap mo sa akin brod naasikaso ko na," rinig kung sabi ni Denver kay Gavin sabay abot ng papel. Pero hindi ko sila pinapansin nakikipagkwentuhan, ako kila alfie at carlos nakikitawa ako ng walang dahilan. "Ano yan?" narinig kung tanong ni Aurelia sa kanila "Wala usapang boys lang to nakiki.alam kna naman," saway sa kanya ni Denver. Nakita kung kinurot niya ito sa tagiliran at tumayo ang babae hinabol naman ito ni Denver. "Para saan yan?" Baling ko kay Gavin. Hindi ko rin natiis ang makinig lang. Hinila ako ni Gavin patayo dinala niya ako sa maliwanag na area. Ngumiti siya sa akin at nangingislap ang mga mata niya. May nilagay itong ballpen sa kamay ko. "Mahal, papirma ako nito need ko help mo," masuyo nitong paki.usap sa akin sabay turo ng pipirmahan ko. "Para nga saan?" Pangungulit ko at namumungay ang mata ko dala ng espiritu ng alak sa katawan ko. "Basta!" pagkibit balikat nito. At muling matamis na ngumiti sa akin at kinindatan lang ako. Nahampas ko siya sa balikat at natatawa ulit ako. Malamlam ang mga mata kung tumitig sa kanya at tumawa ulit ako. "Tama na ang kakatawa, Mahal , walang nakakatawa pirmahan muna yung tinuturo ko sayo," parang nawawalan ng pasensiya na turan nito sa akin. Hindi ko rin kasi alam kung bakit hindi ko mapigilan ang tumawa. "Kasalanan mo ito, alam mo naman i dont drink alcohol this is yu—" Tinakpan niya ang labi ko! "Lasing kana nag e-english kana," nakangiting wika nito Napahalakhak ako ng tawa! At sinunod ko na rin ang gusto niya pinirmahan ko yung tinuturo niya. Hindi na ako nag aksaya na basahin pa may tiwala naman ako kay Gavin. Ngumiti ulit ako sa kanya bago ko tuluyan pinirmahan iyon. Matapos ko pirmahan abot tenga ang ngiti ni Gavin. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha at niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you, Mahal," malambing niyang saad at sinabayan ng halik sa labi. Natulala lang ako at hindi na nakapagsalita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD