Chapter 08

2604 Words
Chapter 08 Yayain ko pa sana si Gavin sa loob ng bahay pero tumanggi na ito. Pareho namin nakitang nakasimangot si Winston na nakatayo sa pintuan. Humalik lang ito sa pisngi ko at nagpaalam na. "Ang landi mo, ate!" salubong niya sa akin ng papasok ako ng bahay. Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Paano ako naging malandi? Sino ang nilandi ko? Si Gavin? Wala akong matandaan na nilandi ko ang lalaking iyon? FYI lang siya ang lumandi sa akin dahil marupok ako kaya bumigay ako. At malandi na pala ngayon ang magmahal?Siguro nasulsulan nanaman ito ng mga kapitbahay naming mga CCTV. "Pinagsasabi mo, tonton?" galit kung tanong sa kanya huminto ako para harapin siya. "Hindi mo ba alam na ikaw ang pinagtsi-tsismisan ng mga tao dito sa atin mahiya.hiya kana man, ate," inis na sagot nito sa akin at pagak na tumawa. "Wala akong nilalandi saka boyfriend ko si Gavin," matigas kung sabi sa kanya. Pailing-iling lang ito ng ulo. "Ang daming nakakita sayo ate inumaga ka kila kuya, Gavin , naghahalikan pa kayong dalawa." Natahimik ako sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya yung inumaga ako ng uwi. May nakakita kaya sa amin ni Gavin sa burol habang may ginagawang milagro? Napadasal ako sa taas ng wala sa oras. Sana wag naman! Napahilot ako ng sentido! Nahihiya ako sa kapatid ko ako itong ate pero ako itong pasaway! Puro na lang ako Gavin ngayon wala na akong alam gawin kundi sumama kay Gavin. "Walang masama kung magkiss kami boyfriend ko siya," ani ko sa malambot na boses bilang depensa ko sa sarili at hinakbang ko na ang mga paa ko papasok sa loob ng bahay. "Iwan ko sayo, ate," pahabol niyang sabi. "Tumigil ka tonton hindi ganyan ang pakikipagusap sa ate mo," sabad ni Aurelia " Isa ka pa ate Aurelia si kuya denver naman ang nilalandi mo," nanlaki ang mga mata nito. Hindi siya nakapagsalita Pareho kaming hindi nakapagsalita. Nakakahiya pala kapag napagalitan ng kababata mong kapatid. Hiyang.hiya ako kay Winston, nagkatinginan nalang kami ni Aurelia at pareho kaming nahihiya sa mas bata sa amin. "Parehas kayong dalawa," dugtong pa nito bago kami talikuran. Kapwa napa buntong-hininga kami ni Aurelia. Aaminin ko maling-mali ako! Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko nagiging marupok ako, pagdating kay Gavin. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga sinabi kanina ni Winston. Hindi parin ako makapaniwala na may nasasabi ang mga taong nasa paligid namin. Wala naman akong nakikitang masama kung ganun kami sa isat-isa ni Gavin. Nalulungkot akong napapailing ng ulo! Ang nakakainis lang nakiki-alam sila ng buhay na may buhay. Ang mas nakakahiya pa napagsasabihan ako ng mas bata sa akin. Lumabas ako ng silid nakita ko si Winston gising pa. Lumapit ako sa kanya para kausapin siya tungkol sa amin ni Gavin. "Bakit gising kapa?" mahinahon kung tanong sa kanya. Tumingin lang ito sa akin at nagkibit-balikat. "Sorry ate," paghingi ng paumanhin niya sa akin.Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Okay lang yun basta wag muna uulitin ahh. Na gi-guilty si ate, Winston." Tumango siya at umakbay sa akin "Naiinis lang ako sa sinasabi nila sayo pati kay ate Aurelia siyempre pareho ko kayo mahal ayaw na ayaw ko yung may naririnig na hindi maganda sa inyo. Wala naman ako tutol kay Kuya Gavin siya nga nagbibigay ng baon ko lagi," natatawa ito Napakunot ang noo ko sa narinig! "Bakit kulang ba binibigay ko sayo," pagtatampo ko kunwari. "Sakto lang pero dinadagdagan ni Kuya lagi eh saka hinatid rin niya ako sa skul." Peniktusan ko siya. "Wag abusado hindi purkit mabait yung tao aabusuhin mo," paalala ko sa kanya. Napapangiti ako at kahit papano naibsan ang ang iniisip ko, hindi ako nagkakamali na sagutin si Gavin. Hindi lang ako ang mahal niya kundi pati buong pamilya ko. Nakisali narin si Aurelia sa amin naghaharutan kaming tatlo. Kapatid na ang turing namin kay Aurelia matanda lang ito sa akin ng isang taon. Mula ng maulila ito sa mga magulang niya kinuha niya siya noon ni nanay para sa amin tumira.Pero wala na si nanay namatay siya nung pinanganak ang bunso namin na si Macky. "Basta wag lang kayo lokohin ng mga boyfriend niyo lagot sila sa akin," biro pa nito at kinuyom ang kamao at sinuntok sa isang palad niya. Binatukan naman ito ni Aurelia! "Para naman kaya mo sila," biro nito. Nagtawanan kaming tatlo. Pagkatapos ng kwentuhan ay natulog narin kami. Maaga pa sila bukas sa bukid at ako lang maiiwan dito sa bahay. Schedule ko ang maglaba ng mga damit namin. *** Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda ng almusal at babaunin nila sa bukid. Hangang bukas sila doon maraming gagawin. Nakakunot ang noo ko ngayon habang nakatingin sa tambak na maruruming damit. Ako lang ang maglalaba nitong lahat ang dudumi pana man ng damit ng mga lalaki, may mga kumot pa. Ang hirap kapag marami kayo sa pamilya. Pero wala akong karapatan magreklamo hanga't nakatira ako dito sa pamamahay ng tatay ko wala akong karapatan na magreklamo. Inumpisahan ko na ang maglaba pinuno ko ang bawat palanggana. Pinaghiwalay ang puti sa de color, kailangan matapos ko ito bago magtanghali balak kung sumunod sa bukid. Tutulong ako! Nagstretch ako ng muscle ng matapos ko ang mga short. Isasamapay ko na lang muna sila, pagkatapos isusunod ko ang mga de color na tshirt. Lastly, ang mga kumot. Kapag nagkapera ako bibili ako ng washing machine. This is the hard part ang magpump ng poso. Poso ang gamit namin wala kaming gripo. "Akin na," nagulat ako sa boses mula sa likuran ko. Si Gavin! I'm not expecting him naisip ko baka may trabaho din ito dahil wala siyang sinabi na pupuntahan niya ako ngayon. Kinuha niya mula sa kamay ko ang handle ng poso. " Maupo kana lang diyan at ako na tatapos nito lahat," nakangiting sabi niya. Parang gusto ko itong sapakin sa iba kasi ito nakatingin. Nagsasalita nga pero ang mga titig niya. Nakatitig ito sa dibdib ko! Particularly, in my breast part. Bumakat ang dibdib ko sa sout kung puting sando hindi ko rin naiisip magsout ng bra dahil komportable ako kumilos kapag dito lang sa bahay. "Grabe namang titig yan, Gavin , parang gusto mong sumuso," pabiro ko na lang sa kanya at hinampas ko siya sa dibdib. Nangislap ang mga mata nito. Akala naman niya totohanin ko ang sinabi ko. "Talaga Mahal pwede ba?" namimilog ang mga mata nito habang ang isang kamay ay nag pa pump sa poso. Gumagalaw-galaw ang muscle ni Gavin habang tumatagal nagbabago ang katawan niya. Dati kasi payat ito na matangkad pero ngayon nagkakalaman na siya siguro dahil sa 24 na siya. Tinampal ko ang noo niya! "Saka na, Mahal , nagiging mahilig ka purkit nakatikim ka lang ng luto ng diyos. Gusto ma araw-arawin namimihasa ka ata, Mahal," pabiro ko parin turan sa kanya. He smiled playfully at ayaw na ayaw ko sa mga ngiti na yan! "Hindi lang tikim, Mahal , kundi kinain ko na at nilunok pa," natatawang saad nito. Tapos nagflex ng muscle niya. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa mga green jokes niya at sa mga pinagagawa niya. Sumayaw pa ito sa harapan ko hindi lang pala ito magaling kumanta magaling din pala itong gumiling. "Ikaw na talaga Gavin pwede na," ani ko at nagbow sa harapan niya. "Pwede na Mahal, san?" I furrowed my eyesbrows! "Oo sa mga gay bar," natatawa kong sabi Napailing siya ng ulo at nagpout ng lips. Nawala ang pagod ko sa kanya at hindi maawat ang mga ngiti ko sa labi. Habang pinapanood siya sa mga ginagawa niya. Hindi ko lang siya mahal kundi stress reliever ko pa. "Sabihin mo sa akin kapag maglalaba ka para matulungan kita. Kawawa kanaman ang liit-liit mong babae tapos maglalaba ka ng ganito karami," pailing-iling niyang sabi. Matutuwa na sana ako sa sinabi niya pero nilait pa niya ako. Inismiran ko siya! "Joke lang kahit naman maliit ka ang laki-laki naman ng pagmamahal ko sayo. Halos hindi ka na nga magkasya sa puso ko kasi bihag na bihag muna ako." Nahampas ko siya ulit sa dibdib.Ang baduy talaga nito mag pick up line. "Iwan ko sayo Gavin parang timang ka," tinalikuran ko siya at kinusutan na lang ang mga de color. Malakas itong tumawa! Sana araw-araw masaya lang kami at walang problema na darating sa amin. Nakangiti akong nakatitig kay Gavin ang sarap niyang pagmasdan habang matamis na nakangiti sa akin. Ang mga mata nitong nangungusap palagi at mga kilos niyang nagpaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. At sana ang pagmamahal na yan hindi mawala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko parang nakakaramdam ako ng lungkot. Lungkot na hindi ko mawari kung saan nang- gagaling. "I love you Gavin Sebastian," sabi ko sa kanya at sabay flying kiss. Sinalo niya iyon at itinapat sa dibdib niya at kinindatan ulit ako. "Mas mahal kita I love you i love you..." tugon niya at hindi napigilan nito ang sarili lumapit siya sa akin niyakap ako at siniil ng halik sa labi na buong pusong tinugunan ko. Gavin made may day! I really love this man!! *** Tanghali na kami matapos maglaba,siya narin ang nagsampay sa lahat ng nilabhan namin. Pinagpahinga na niya ako at inutusan na maligo at magsout ng maayos na damit. Sinunod ko na lang ang gusyo niya may point naman siya sa mga sinabi niya sa akin. Pagkatapos kung maligo nagbihis narin ako lumabas ako para silipin siya. Nakita ko siyang nagpapahinga sa ilalim ng mangga nagduduyan ito. Naririnig kung kumakanta-kanta ito. Hindi talaga ako makaget over sa boses nito ang sarap sa tenga pakinggan. "Mahal, magluluto ako dito kana kumain, ha," halos pasigaw kung sabi medyo may distansiya ang bahay namin sa puno ng mangga. "Wag na doon na lang tayo kumain sa karinderya nila Carlos." "Magbabayad ka Gavin ha. Kilala kita mahilig kayo sa 123," paalala ko sa kanya. Narinig kung tumawa ito ng malaks. Gawain kasi nila yang magbabarkada kahit sariling karinderya ng kaibigan niya hindi nila pinapalampas kahit si carlos ginogoyo minsan ang nanay niya. Kawawa naman hirap na nga itong magbayad ng 5/6. "Oo naman, Mahal. Ako pa!" pagmamayabang pa nito. " Bilisan mo diyan gutom na rin ako baka mamaya iba ang makain ko," pabirong dagdag niya. "Timang ka talag Gavin," hinanap ko lang naman ang payong. Mainit maglakad malapit sa basketball court ang karinderya nila Carlos. Mga 100 meters away din iyon mula dito bahay. Bahagya akong nagulat ng sumungaw ito sa pintuan. Nakakaloko ang mga ngiti nito tila ba nagpapahiwatig nanaman ito. Tinulak ko na siya palabas ng pinto bago pa niya maihakbang ang mga paa papasok. "Bilisan mo," aniya at sinalaksak ko sa mukha niya ang payong. Parang normal na sa amin ang mag PDA ni Gavin. Kahit naman ilayo ko ang sarili ko sa kanya para lang hindi kami magdikit. Siya mismo ang hila ng hila sa akin nagagalit siya kapag lumalayo ako. Ni ayaw nitong magkahiwalay ang mga kamay naming dalawa. Kulang nalang itali niya ako sa kanya. Kaya pala ang mga kapitbahay namin nagsisitaasan ang mga kilay. Naiinggit yata ang mga feeling maganda.Well, sorry sila may nanalo na. At ako iyon si maddison! Sinadya ko pang kumapit ng todo sa braso ni gavin.Habang bitbit nito ang payong naka-akbay ang isang kamay nito sa balikat ko. "Ano ang gusto mo kaninin, Mahal?"tanong niya sa akin ng makarating kami sa karendirya. Inisa-isa niyang buksan ang mga nakatakip na ulam . "Chopsuey at adobong manok nalang." Iyon ang pinili ko nakaramdam ako ng pagkatakam. "Gavin, mahaba na ang listahan mo dito," paalala ni aling sonya. Inirapan ko si Gavin! Napakamot na lang ito ng ulo. "Magbabayad po ako ngayon aling sonya yung utang ko saka na," giit niya at kinindatan ang balo na matanda. Matamis naman na ngumiti ang matanda parang kinilig pa. "Alam ko naman iyon Gavin pinapaalalahan lang kita na sana naman makaisip ka magbayad at wag mo akong makindat-kindatan dahil hindi na ako nadadala sa mga ganyan sa tanda kong ito bobolahin mo po ako," galit na sabi nito sa kanya.Habang nagsasandok ng ulam na pinili ko. Natawa ako sa mga sinabi ni Aling Sonya akala siguro ng Gavin na ito makakalusot siya. "Baka makalusot lng po Aling Sonya," hirit pa niya sabay hila sa upuan. Pinaupo niya ako doon at hindi ko mapigil ang matawa sa kanila. "Maddison, baka gusto mo mag apply ng abroad may kilala akong recruiter pupunta sila dito anytime magbabAkasyon," sabi ni aling sonya sa akin ng ilapag ang ulam at kanin sa mesa namin. Napaupo ako ng matuwid at napapaisip ko. Nagbabalak din ako mag abroad kung sakaling walang ibang option. "Saan po ba?" interesado kung tanong sa kanya "Hindi ko alam kung saan talaga pero ang dami nilang lugar na pwede ipadala ang mga aplikante nila may amerika pa nga akong narinig." Aniya. "Ano naman yang sinasabi niyo kay maddie, Aling sonya?" mahinanahon na sabi nito pero ang mga mata nito ay iba ang pinapahiwatig! Hindi niya gusto ang narinig. "Naisip ko lang baka gusto ni Maddison maganda siya at tiyak madali lang siyang makapasok," nakangiti na sabi niya. Natuwa naman ako sa sinabi ni Aling sonya at hindi ko maiwasan na ngumiti. Maganda naman talaga ako. Napawi ang ngiti ko ng makitang hindi maganda ang rehistro ng mukha ni Gavin. Napayuko na lang ako ng ulo. "Walang pupunta ng abroad," matigas niyang sabi. "Saka walang mag aabroad,"dagdag niya at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. " Diba, Mahal?" balik tanong niya sa akin. Matipid akong ngumiti sa kanya at tumango na lang. Para wala ng pagtatalunan pa. Madali naman akong kausap! Napakamot na lang ng ulo ang matanda. "Hindi pa kayo kasal pero parang sinasakal muna si maddison, Gavin," naiiling na sabi ni Aling Sonya. "Wag na lang ho kayo maki.alam dahil hindi naman kayo ang nasa relasyon na ito. At wag na wag kayong magsasabi na kung ano-ano kay maddison," he warned. Pinisil ko ang palad niya ramdam ko ang tensiyon sa mga sinasabi at kinikilos niya. Alam kung nagpipigil lang siya. "Iwan ko sayo Gavin dahil iyon ang nakikita ko sayo masyado kang mahigpit," ani nito at tinalikuran na kami. Makikita sa mukha ni Gavin ang matinding pagkadis-gusto sa sinabi ni Aling Sonya. Padabog nitong nilapag ang kutsara at tinidor na kinuha niya. I know Gavin from tip to toe. His kind but mainitin ang ulo at minsan mataas din ang ego ng lalaking ito. Tahimik lang kaming kumakain napapansin ko parin sa kanya ang inis sa mga simpleng sulyap niya sa akin. Nabasag ang tensiyon ng dumating sila Carlos at alfie. Napabuntong-hininga ako kahit papano. Nag uusap sila na di ko maintindihan may OR CR akong naririnig pero benalewala ko lang iyon. Parang sa motor yun! Naalala ko ang sinabi ni Aling Sonya kanina. Gusto ko makilala yung sinasabi niya na recruter baka ito ang sagot sa para mapaganda ang buhay namin. "Hatid kita maya Mahal tapos babalik ako sa bahay niyo mga 5 may gig ako sama kitA," malumanay na sabi niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang ugali nito. Sala sa init at sala sa lamig. Kanina biglang uminit ang ulo niya ngayon okay na naman siya. Saan ba ito nagmana?Napakabait ni Mang Saul ang layo-layo sa ugali ni Gavin. Kahit papano nawala ang worries ko baka nawaglit na sa isip niya ang sinabi kanina ni aling sonya. At nagbago naman ang timpla ng mood niya. Talo pa ang babae na may buwanang dalaw! "Sige," maikling tugon ko Tinapos namin ang pagkain! Tapos hinatid niya ako sa bahay, makakapagpahinga ako may ilang oras pa para matulog. Sayang wala si Aurelia isama ko sana siya manood!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD