Chapter 10

2688 Words
Chapter 10 "Anong nangyari sayo?" kunot-noong wika ni Aurelia ng maabutan niya ako sa kwarto na aligaga ako. "Tatlong araw na akong delayed Aurelia," pag alala ko at hindi ko mapigil ang sarili na ngatngatin ang mga kuko ko sa daliri. Isang buwan na simula ng may unang nangyari sa amin ni Gavin. Hindi lang isang beses kundi maraming beses na at natatakot akong kinakabahan sa pwedeng maging bunga ng kapusukan naming dalawa. "Tatlong araw lang pala--" she paused at dinaklit ang mga kamay ko. "Maddison, dont tell me na naisurrender muna yang bataan mo kay, Gavin," natapal nito ang noo niya at binitiwan ang mga kamay ko. Napabuntong hininga ako. " Kaya nga nag aalala ako, auring," mahinang saad ko at muling nginatngat ang kuko ko. "Ginagawa niyo na pala yan pero di kayo nag iisip na gumamit man lang ng proteksiyon ang daming nabibili sa botika, hayysss," turan ni Aurelia at binawi ulit ang aking kamay na nginangatngat ko. "Anong proteksiyon?" takang tanong ko sa kanya kasi wala akong alam pa sa mga ganyan. "Mga contraceptive pwede kayo gumamit panlaban para hindi mabuntis," suhestiyon niya. "Hindi eh kung alam ko lang di sana ginawa ko na." "Hindi ka sana nagpadalos–dalos pinsan ang bata–bata mo pa. Paano na kung sakaling buntis? Sa bagay hindi ka na man siguro pababayaan ni, Gavin ," naiinis na wika niya. Napatingin ako sa kanya at napapaisip. Naiiyak na lang akong napaupo sa katre may point naman siya alam kong hindi ako pababayaan ni Gavin. May doubt sa part ko, hindi ako ready! Hindi pa ako handa maging isang ina. Paano na lang ang mga kapatid ko si tatay? Ang pangarap ko. Ang pangarap kung maihaon sila sa kahirapan, ang pag aaral ng mga kapatid ko d bali na d ako makapagtapos basta silang lahat matapos nila ang pag aaral. Ano ba ang nangyari? Bakit ba ako nagpadalos.dalos sa bugso ng damdamin ko. "Sabihin mo kay Gavin yang problema mo pinsan saka d pana man sure kung talaga juntis ka mag PT ka muna kapag nag two lines un naku patay na talaga magready–ready kana. Kasi magiging nanay Maddison kana at tatay Gavin. May kukurutin na nanam ako dito sa bahay," natigil ang pagiyak ko sa mga sinabi ni Aurelia di ko mapigilan ang matawa. Kahit papano'y medyo gumaan ang pakiramdam ko. Tama hindi pa naman sigurado na buntis ako baka over exaggerated lang ako. Kung sakaling nakabuo man kami ni Gavin wala na kaming magagawa kundi maging mabuting magulang sa magiging anak namin. "Tama na yan at mag ayos kana, okay," alo nito sa akin. Yumakap ako sa kanya! "Salamat pinsan ah lagi kang nasa tabi ko." "Ay sus wala yun," ani nito at hinila na ako palabas ng kwarto. Sakto paglabas ko ng kwarto andiyan si Gavin sa labas nakikipagkwentuhan kay macky. Nakita kong inabutan niya ito ng pera at tumakbo agad ang kapatid ko papuntang tindahan. Kaya pala gustong–gusto siya ni Macky, laging may suhol na pera. At hindi ko gusto ang ginagawa niya. "Wag mong sanayin si macky ng pera, Gavin," patary kong sabi sa kanya. Kampante lang siyang tumingin sa akin balewala lang sa kanya ang sinabi ko. "Maliit na halaga lang iyon, Maddison , kumpara sa kaligayahan ng kapatid mo," pagalit din niyang sagot sa akin. Napamaang na lang ako sa kanya! Kakaiba din talaga ang Gavin na ito siya na itong pinagsasabihan mo ito pa ang parang galit. Pumikit na lang ako at napabuntong-hininga. Maliligo na nga lang ako baka umabot pa kami hangang jolo-sulo kung makipagtalo ako sa kanya. Padabog akong pumunta ng banyo at pabagsak kung sinara ang pinto. *** Tahimik akong umangkas kay Gavin tinatamad akong kausapin siya. Nakakapikon at nakakainis. Hindi rin ako kumapit sa bewang niya may distansiya ang upo ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa bewang niya pero dinaklit ko ito. Galit siyang pina.andar ang motor at kulang nalang paliparin niya ang pagpapatakbo nito. Abot–abot imperyeno ang kaba ko sa ginagawa niya bigla itong nagpreno at muntikan na akong mahulog. "Gago kaba?" asik ko sa kanya, dali–dali akong bumaba at tinanggal ang helmet hinampas ko sa kanya. Natawa lang siya! Nagagawa pa talaga niya tumawa pagkatapos niya akong pakabahin ng sobra–sobra! Sira ulo ba siya. "Ano? Mag iinarte kapa?" tila nainis. Tinalikuran ko siya sa inis! " Gago ka papatayin mo ko sa nerbiyos," sigaw ko ng lingunin ko siya. "Maddison, sumakay kana," sigaw din niya sa akin pero d ko siya pinakinggan nagtuloy–tuloy akong maglakad maghahanap ako ng ibang masakyan. Pinaandar niya ang motor at hinabol ako. Hinarang–harang niya sa harap ko ang motor niya sa bawat pupuntahan ng mga paa ko. "Pwede ba, Gavin , umalis ka sa harapan ko nakakainis ka kung balak mong magpakamatay mag isa ka, papatayin mo pa ako sa takot," naiiyak ko ng bulyaw sa kanya. Nagbago ang expression ng mukha ni Gavin. Ang mga mata nito'y puno ng pag alala. Dahil sa matinding inis ko sa kanya. Pinaghahampas ko siya sa dibdib, pinilit niya akong pakalmahin pero naghehestirikal ako. Hindi ko macontrol ang damdamin ko sa takot na ginawa niya kanina Pinilit niya akong yakapin pero nilalabanan ko siya. Hinayaan na lang niya ako hangang sa mapagod ako at napaupo ako sa gilid ng kalsada. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I'm so emotional at hindi ko alam kung bakit? Lumuhod siya sa harapan ko para yakapin ako. "Im sorry! Kung natakot kita kanina gusto ko lang naman yumakap ka sa akin ng mahigpit," mahinahon na sabi niya. Bumitiw siya sa pagyakap sa akin at dahan.dahan na hinawakan ako sa baba tinaas niya iyon para humarap ako sa kanya. Suminghot ako. I looked at him. "Three days na akong delayed Gavin," diretsahan kong wika sa kanya ng magkaroon ako ng pagkakataon na masabi sa kanya ang problema ko. He was speechless for a while! Ang nag alala niyang mga mata napalitan ng mga hindi mapaliwanag na kasiyahan. "B-buntis ka?" tila hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "H-hindi pa sigurado pero iwan ko." Lumapad ang ngiti niya sa labi. "Sana Mahal! Sana nga buntis ka," excited niyang sabi at bigla akong hinalikan. "Ang saya–saya ko Mahal," puno ng kasiyahan ang mga mata niya. "Mahal, hindi pana man sigurado," paglilinaw ko at piniliti kung ngumiti sa kanya. "Siguraduhin natin," aniya at itinayo ako. Bumalik kami sa motor at muli niyang isinout ang helmet ko. Dahan–dahan lang siyang nagpatakbo at napapansin ko panay ang silip niya sa akin sa side mirror. Ngumiti siya sa akin ng mahuli ko siya! Nakarating kami sa isang botika. Nagpaiwan na lang ako sa motor siya na lang ang pumunta para bumili ng PT kit. Nahihiya din akong bumili baka kung ano pa iisipin ng tindera sa akin. Na ang bata–bata ko pa eh naglalandi na. Napapansin ko iba ang ngiti ng tindera kay Gavin. Nagpapakyut ito parang timang lang! Maya.maya bumalik na siya bitbit ang isang plastic. Inabot niya sa akin sinilip ko at limang PT kit ang binili niya. "Ba't ang dami?" takang tanong ko. "Mas marami mas maganda para makasiguro tayo, Mahal! Subukan na natin 'yan excited ako," masayang wika niya. Pinisil pa niya ang palm ko bago muling buhayin ang makina ng kanyang motor. Sinubukan kong ngumiti sa kanya kahit ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ko magawang mag-saya dahil hindi ako prepared at ayaw ko pa. Ayoko mang biguin si Gavin pero sana negative ang resulta. *** Narating namin ang riverside dito sa amin. Nagulat ako dumiretso si Gavin sa isang motel. Hinila niya ako papasok pero pinigilan ko ang mga kamay niya. "Ayaw ko uwi na lang tayo," angal ko pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid namin. "Saglit lang tayo malayo na kapag uuwi pa tayo dito na lang natin gawin." I furrowed my forehead! May narinig akong tumawa siguro dahil sa sinabi ni Gavin. Gusto ko siya sigawan na hindi kami mag sesex dito. As in big NO! Nangingimi akong pumasok sa loob! Napa sign of the cross pa ako. Natulala si Gavin na nakatingin sa akin! "Anong ginagawa mo?" "Ang sama mo Gavin pwede na—" Tuluyan na niya akong nahila papasok sa loob. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko patungo sa reception area. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Nagtanong siya kung may bakante! Tumango ang lalaki na nakatoka doon binigyan siya ng susi. Ngumisi sa akin ang lalaki at pinilit ko na lang din ngumiti. Naginit ang magkabilaan kong pisngi sa kahihiyan. First time kung pumasok ng motel na ganito kaaga at lalaki pa ang kasama. Nauna maglakad si Gavin ng mapansin niyang di ako nakasunod bumalik siya. Inakbayan ako at patawa–tawa ito sa inis ko pinagsisiko ko siya. Narating namin ang second floor sa pinakadulo ang kwartong kinuha niya. Sumadal ako sa dingding sa may gilid ng pinto at bumusangot. Pinihit niya ang seradura at hinila ako papasok. Kulay puti lahat ang nasa loob pati pintura ng kwarto malinis naman at may sariling banyo. May maliit na balcony ito paharap sa ilog. Nangingig ang mga kamay ko at nangangatog ang mga tuhod ko. Bago pa ako mawalan ng balanse umupo na ako sa gilid ng kama. Namewang si Gavin sa harapan ko at nagtataka ang hitsura. "Okay ka lang?" tanong niya at lumapit sa akin. "Sige na umihi kana at masubukan na itong mga pregnancy kit," mahinahon niyang sabi. "Bakit kasi dito pa tayo pumunta kung pwede naman umuwi na lang tayo," pataray kong wika. Ngumisi ito at hindi ko gusto ang ngising iyon. Nababaliw na naman ang isip ko! Bago pa ako malunod sa mga ngisi nito tumayo na ako at pumunta ng banyo. Dagdasal ako na wag sana magpositive! Umupo ako sa bowl at pinilit kong umihi kahit hindi ako naiihi. Siguro limang minuto na akong nakaupo, nang makarinig ako ng mga katok. "Mahal,bat ang tagal mo?" naiinip nitong tanong. "Saglit lang di ako makaihi," sigaw ko. Pumihit ang seradura ng pinto sumungaw ang ulo ni Gavin. Napatingin ako sa hawak niyang plastic cup. "Diyan mo ilagay ang ihi mo dito na natin gawin ang test sa labas tapos ko na basahin ang instruction , Mahal," abot tenga na ngiti niya sa akin. Inabot ko at muli niyang sinara ang pinto. Kinakabahan akong nakaupo lang sa bowl napapadasal pa rin na sana negative. Bahagya akong nalungkot naiisip ko si Gavin. Yung excitement niya na nakikita ko sa mga mata niya ay kakaiba. His ready pero what about me? Hindi ako handa na magdala ng bata sa sinapupunan ko. Napapabuntong hininga nalang ako. Hangang sa makaramdam ako ng pamimigat ng puson ko. Naiihi ako!Nakakaihi pala ang matinding kaba! Itinapat ko sa ihi ko yung plastic cup na binigay ni Gavin. Konti lang nilagay ko sapat na siguro ito. Lumabas na ako naabutan ko si Gavin na kampante lang nahiga sa kama.Nasa tabi niya ang nakabukas ng PT kit talagang hinanda niya. Bumangon siya ng makita ako ang sarap ng ngiti nito at dali–daling bumaba ng kama. "Akin na mahal," aniya sabay bawi ng plastic cup sa kamay ko. "Mga 5minutes daw mahal ito ang nakasulat sa intruction ang hintayin natin para malaman ang result." Pinilit kung ngumiti hindi ko rin alam ang isasagot. Dahil wala rin akong alam! Inumpisahan niyang patakan bawat Pregnancy Test. Nakikita ko rin ang kaba sa mukha ni Gavin pero nanaig ang kasiyahan sa kanya mga mata. Umupo ako sa gilid ng kama! Na tetense ako sa pwedeng maging resulta at hindi ko napigilan ang sarili na ngatngatin ang mga kuko ko. Lumapit siya sa akin at itinukod ang baba sa hita ko. Dinaklit ang mga kamay ko. Ngumiti ako sa kanya ng pagak. Mamaya tumayo nanaman siya halatado sa kanya ang nerbiyos. Namewang palakad–lakad paroon at parito. Parang ako yong nahihilo sa ginagawa niya. "Mahal, maupo ka nga," tawag ko sa kanya.Kinakabahan na ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Bumalik siya at sinilip ulit pero wla paring dalawang guhit na lumabas. Nag umpisa na siyang maging iritable. Tumingala siya sa kisame at pahimas.himas ng noo. Umabot na ng 5minutes pero wala parin! So, ibig sabihin dahil hindi two lines means negative. Hindi ako buntis. Baka nagbago lang ang menstraution schedule ko. Nagtatalon ang puso ang ko sa tuwa. Baba akyat ang dibdib ko di ko mapaliwang ang kasiyahan ko na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan nangumiti. "Parang tuwang–tuwa ka pa yata," he mocked at galit ang boses niya! I looked at him! Nagsasalubong ang mga kilay nito at minasamaan ako ng tingin. Ang kanina'y masayang mukha ay nilukob ng matinding pagkadismaya. "H-hindi sa ganun, Mahal , ayaw mo 'nun wala tayong iispin na ba—" napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niyang hampasin ang side table! Napaigtad ako sa gulat. Galit na naman siya! Hindi ko alam ang gagawin sa kanya. He chuckled. "Sa pinapakita mo at sa pangiti–ngiti mo, ayaw mong magka anak tayo," galit niyang turan sa akin. Lumapit ito at galit na pinagpupulot ang PT kit sa ibabaw ng kama. Naglakad ito patungo sa balcony padabog niyang binuksan ang pinto. Hinagis niya sa ilog lahat ng mga iyon at malakas niyang sinipa ang balustre ng terrace na gawa lang sa kahoy. Kamuntik na itong masira. Kinakabahan ako sa kanya! "G-gavin," naiiyak kung sambit sa pang-ngalan niya. Bakit ba ang bilis mag init ng ulo niya? Nakakinis na talaga siya! Bumalik ito sa kinaroroonan ko. "Wag mo ako iyakan, Maddison , natutuwa ka pa sa kabila ng matinding frustration ko ngayon. Sana hindi mo na lang sinabi para hindi ako umasa. Asang–asa ako maddison," galit niyang sabi sa akin at naupo ito sa gilid ng kama. Nakayuko. Nakita ko taas baba ang balikat nito. Umiiyak ba siya? Ano ba ang nagawa ko?Para mapaiyak ko siya? Big deal ba sa kanya ang pagkakaroon ng anak? Lumapit ako sa kanya lumuhod ako sa harapan niya. Umiiyak siya may nakikita akong luha pumapatak sa bed sheet na kulay puti. "Gavin," mahinang sambit ko.Hinagod ko siya sa likod. Naawa ako sa kanya! I felt guilty! Para itong batang yumakap sa bewang ko!Panay taas-baba ang balikat niya! Patuloy ko lang siyang hinagod–hagod sa likod. "Im sorry, Mahal , baka hindi pa ito ang time para bigyan tayo ng baby," mahinahon kong sabi pero hindi makukubli sa akin ang kaba sa dibdib. Baka magalit na naman ito. "Sorry din, Mahal , sobra akong nag expect akala ko magkakababy na tayo," he said. "Ibibigay din sa atin yon, Mahal." "Sinagad ko naman at binaon–baon ko pa pero hindi parin nakabuo. May kulang siguro," pabiro niya na mahihimigan parin ang konting lungkot. Natawa nalang ako kahit corny! "Timang ka talaga." Nagulat ako ng bigla niya akong hilain sa kama at pumaibabaw siya sa aki. "Gawa nalang ulit tayo at sisiguraduhin ko na magkakalaman itong tiyan mo," nguso niya sa tiyan ko at hinaplos–haplos niya ang tiyan ko. Tinitigan ko siya. Kinulong ng mga palad ko ang gwapong mukha nito. "Mahal na Mahal kita, Gavin," malambing kong sabi. Tumitig din siya sa akin pababa sa labi ko. "Mahal na Mahal din kita Maddie lagi mong tandaan yan," tugon niya sa sinabi ko at hinaplos niya ang mga pisngi ko. "Sulitin na natin ang 3hours, Mahal , sayang ang binayad ko maraming rounds na ang magagawa natin," nakangiting sabi niya. Napangiwi na lang ako. At sinimulan na niyang angkinin ang mga labi ko hangang ang mga kamay nito ay minamasahe ang dalawang dibdib ko. Hindi nga ako nagkakamali sa naisip ko. Ito na naman ang patutunguhan namin dalawa. Hindi ko na siya tinanggihan pa kahit na tumanggi ako wala din akong magagawa. Dahil sa ayaw at sa gusto ko may mangyayari at mangyayari talaga sa amin. At lagi kung tinatatak sa isip ko. Mahal na Mahal ko siya at mahal na Mahal niya ako kaya namin nagagawa ito. Kahit ilang ulit pa na may mangyari sa amin hinding-hindi ako magsisi dahil sa matinding pagmamahal ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD