PINAGTANGKAAN ni Janice wakasan ang sariling buhay nang nakita mismo ng mga mata niya ang pagtataksil sa kaniya ng sariling nobyo. Sobra-sobrang sakit ang napala niya rito. Halos buong buhay niya kasi ginugol niya sa binata at hindi niya inakalang pagtataksilan lang siya nito. Hindi niya ngayon alam kung paano makababangon sa sakit na dulot ni Randy sa kaniya. Sinumpa niya sa sariling hindi na magmamahal pa. Una at huli na si Randy, iyon ang pangako ni Janice sa sarili.
Hanggang sa makilala niya si Steve Guerrero. Ang nangialam sa tangka niyang pagtalon sa tulay. Pinigilan siya nito, wawakasan din daw nito ang sariling buhay pag tinuloy niya ang nais niya. Wala sana siyang pakialam sa gusto nitong gawin--- miserable na siya. Pero hindi nakaya ng konsensiya niya dahil kasama nito ang tatlong taong gulang nitong anak. Hiwalay daw ito sa asawa.
Isang kasunduan ang inalok sa kaniya ni Steve. Isang daang araw daw kasama ito at ang anak nito. Pag gusto niya pa rin daw mamatay pagkatapos ng isang daang araw wala na raw itong pakialam pa sa kaniya. Tinanggap ito ni Janice. Gusto niya rin naman subukan ang ilang bagay bago siya mawala sa mundo.
Pero paano kung pagkatapos ng kasunduan nila ni Steve siya ang natalo dahil puso niya ang tinaya rito? Paano pa siya muling makakabangon kung pagkatapos ng lahat bumalik ang tunay nitong asawa? Matatanggap ba ni Janice ang masaklap na kapalaran sa muling pagkakataon o, ipaglalaban niya ang lalaki na mas minahal niya ngayon?