bc

moonlight in a quiet garden

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
badboy
lighthearted
campus
school
shy
like
intro-logo
Blurb

Alaenor was supposedly joining her two best friends named Danerie and Helena in AU, Ateneum University. The popular prestigious school of their town, her dream school. But her drunkard Auntie declined and told her she’s more suited on Havenport which is the complete opposite of AU. There, she’ll meet Javi. The ruler of the campus. The former king of her dream school. And their world will intertwine when Javi, out of the blue, shows his interest in Alaenor.

She’s an outcast of their school, she’s like no one. Boring, not cool, doesn’t bully anyone, quiet, always keeping herself from those people who can harm her. Because she was once taught that there’s no one you can trust in this world.

Javi pursued Alaenor for a cause, for a nightmare that has been enraging him. He wants revenge, badly. And Alaenor is a perfect fit for that. Sweet, innocent, and vulnerable. But he never expected it, never in his life. That, that revenge will take him to pure souls and magical places. When the heart comes in, and the love grows, everything changes. He saw better places and better people. How the moonlight gives its light to a dark quiet garden, how it listens to every untold story, all of that is because of Alaenor.

But the trust, love, and promises are broken by the revenge he was seeking. And the love of his life accepts the defeat, steps back, and promises to never trust him again. And the moon taught him to always come back because the dark garden always waits.

chap-preview
Free preview
Kabanata 3
Kabanata 3 “Kung alam ko lang na d’yan pala lilipat si Vivenzio, edi sana kami ang nagkita!” may kilig na sabi ni Helena. Sabado, walang pasok. Magkasama kami ngayon ni Helena sa shop dahil nga sobrang na-curious niya sa Javi na kinukuwento ko. “Pero alam mo? Sobrang ilap niya d’yan ha.” habang tinitiyaga niyang halungkatin ang tungkol sa misteryosong si Javi sa social media nito gamit ang laptop. “Kasi lahat nang nakikita ko about sa kan’ya? Puro nasa AU.” dinungaw ko ang kung anong tinitingnan niya. Mga litrato ni Javi ang nakita namin, lahat nga talaga ay puro nasa AU noong doon pa siya nag-aaral. “Oh…” sabay kaming nagkatinginan ni Helena sa nakita. Litrato ni Javi na may kasamang magandang babae, sobrang ganda. Parehas silang nakangiti sa isa’t isa na para bang sila lang ang tao kahit pa na ang daming tao ang nasa background. Kuha yata ito sa isang event nila sa school dahil may mga banners at nakasuot ng kani-kanilang department shirts. Sa sumunod na litrato ay kuha naman sa isang bar, madilim at pulang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag para sa litratong iyon. Kumunot ang noo ko sa isang imaheng nakita, “Oh my god…” ani Helena. Tila parehas yata kami ng reaction, tago lamang ang akin. “Tapakan moa ko… ano ang ibig sabihin no’n? Dati bang Titan itong si Javi— Oh shoot!” binasa ni Helena ang mga comments ng may gumulantang na video sa amin. “Body shot! Body shot!” sabay-sabay na chant ng mga taong nasa video, tumutugtog ang kantang Trip ni Ella Mai sa background. Kita namin kung paano yumuko ang isang babae halos mahubaran na yata sa iksi at nipis ng damit. Habang si Javi ay nakaupo sa isang upuan, hubad ang pang-itaas na damit, kita ang tattoo sa kaniyang lower left abdomen. Mapungay ang mga mata habang may hawak na rocks glass na may laman na alak. Hiyawan ang mga taong nasa video nang patungan ng babae si Javi, pumalupot ang kanang kamay ni Javi kung saan malaya nitong hinaplos ang likod ng babae. Payuko na ang babae at lalong lumakas ang hiyawan nang kaagad na isinara ni Helena ang laptop dahil sa biglaang pagtunog ng bell sa pintuan at doon nagpakita si Danerie na may dala na mga libro. “Ito ba? Oh, bakit gulat?” ipinatong ang mga librong nakuha sa book shop malapit sa amin at sumulyap kay Helena na hindi naman tumitingin sa kan’ya. Hindi ko na rin siya pinansin dahil sa kaba at sa ibang direksyon na lang din tumingin. Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili sa mga assignments at projects, lalo na’t hindi naman ako natututo talaga sa totoo lang. Hindi ako matalino kung kaya’t kailangan ko talagang makinig pero kung hindi naman talaga nagtuturo ano ang pakikinggan ko? Mag-isa akong kumakain sa cafeteria, mag-iisang buwan na yata akong nag-aaral dito pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging kaibigan. Payapa, may kaingayan pero okay lang. Hanggang sa may nagtapon ng sopas diretso sa mukha ko kung kaya’t halos maramdaman ko ang lapnos ng balat ko dahil sa init nito. “Aray!” napatayo ako sa init, habang ang lahat ay gulat at tumatawa. Kaagad kong pinunasan ang sarili gamit ang dulo ng damit saka binasa ito ng malamig na juice maibsan lang ang hapdi. Tila lalong nasiyahan ang mga nanonood sa ginawa kong iyon. Nahihiya, hinanap ng mga mata ko kahit malabo ang isa at nakita ang tatlong babaeng tumatawa habang hawak ang puting bowl. Mukhang iyon ang ginamit nila at gusto kong magalit, ipagtanggol ang sarili ko dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Kilala ko sila, pero hindi sa pangalan. Kahit kakaunti ang taong pumapasok dito marami pa rin kaming nagsisiksikan sa isang room dahil nga may kaliitan ang Havenport kumpara sa AU. Mabilis kong iniligpit ang gamit ko at kumaripas ng takbo, hindi na naubos ang pagkain. Doon lang bumuhos ang mga luha. Nakabangga ko pa ang kung sino habang tinatakbo ko ang hallway papunta sa comfort room na malapit. Hindi ko na ‘yon pinansin, humingi na lang ako ng paumanhin ng hindi ito binabalingan ng tingin dahil pilit ko rin na tinatakpan ang namumula at lapnos kong kaliwang mata. Pagpasok ko sa isang cubicle ay doon na ako napaupo na lang at dinama ang sakit. May mga araw talaga na ganito, parang feeling mo ang dami-dami mong problema at may nakikisabay pa. Sa katunayan? Maliit lang ito kumpara sa mga problemang takot talaga akong harapin. Kaya lang hindi ko puwedeng i-deny ang sakit at hinihiling ko na sana, nasa isang displinadong paaralan na lang ako. Dahil hindi ako bagay dito. Hinintay kong lumubog ang araw, kahit nang matapos na ang last subject. Hinintay kong magdilim. Hinintay kong maupos ang nag-iinit kong damdamin. Dito ba talaga ako Kuya? Pa? Bukod sa hindi ako makapag-aral nang maayos, ang dami ko pang kaaway at hindi ko alam kung paano ko sila nagiging kaaway. Masama ba ako? May nagawa ba ako na hindi maganda para sa kanila? Gabi na nang makababa ako, karaniwan sa mga eskwelahan dapat ay tahimik na ng gantong oras. Pero sa Havenport? Magulo pa rin. Nadaanan ko ang isang rambol sa may court. Ipinagbuntong-hininga ko na lang, tila hindi ko yata talaga mahahanap ang sarili dito dahil una’t sapul? Hindi naman ako para rito. “Ang tamad mo! Gumising ka lintik na bata na ito.” Tinatamad pa akong bumangon, sinadya kong hindi mag alarm dahil ayaw kong pumasok. Sariwa pa rin ang naranasan ko kahapon. Bumuntong-hininga na lang ako sa sigaw ni Auntie, saka inayos ang blanket at kama. Gusto kong maging enthusiastic, pumasok ng may gana araw-araw pero… ang hirap. “Alaenor!!!” kalabog ni Auntie sa pinto. “Heto na po!” dali-dali akong kumilos. “Diyos ko…” bulong ko. At panibagong araw nanaman, nahanap ko na lang ang sarili na pumapasok ulit sa gate. Makikita ang mga graffiti sa mga bawat dingding. Sinipa ko ang batong maliit, bumuntong-hininga at pinilit ang sarili na maglakad tungo sa building ko. “Nawalan po tayo ng trentang estudyante Sir…” dinig ko ang isang babaeng nakasuot na pormal habang kausap ang isa pang lalaking nakapang-pormal din. Hindi ko na narinig ang sagot. Nawalan pa ng estudyante, siguro naman tinanggal na ang mga iyon ano? May pag-asa pa ‘to siguro? Sa isip ko. “Ay! Hija, Fine Arts student ka ‘di ba? Tara muna rito!” pagtawag sa akin ng babaeng nasa corridor malapit sa locker ko. May mga dalang flyers at ang ibang estudyante ay naabutan na niya. “Gusto mo bang sumali sa Malayang Pagpinta? Next week iyon, sign ka lang dito sa form—” “Hindi na po…” sinubukan kong kumawala ngunit agad akong naharangan ng babae. “Sayang ito, next week pa naman ang official start. Marami ka pang araw—” “Hindi na ho—” “Hija.” tiningnan niya ako diretso sa mata, ngumiti siya sa akin na para bang malaki na agad ang tiwala niya. “Para sa’yo ‘to naniniwala ako.” aniya, malaki ang ngiti at para bang nauuto naman ako ng ngiti niyang iyon. Buntong-hininga ay agad kong kinuha ang papel saka umalis. “See you next week Hija!” sigaw pa niya. Maaga kaming na-dismiss, as usual… wala nanamang mag te-take over, ‘yan ang palaging palusot ng mga Professor kahit ayaw lang nilang pumasok. Naisipan kong mag grocery muna sa may itaas ng daungan kung saan maraming convenience store, supermarket at iba pa. Puro na kasi mga alak ang nasa refrigerator, wala na akong makain na matino. Nang makuha na ang lahat, kinuha ko sa bulsa ang pitaka. Nanlaki ang mga mata ko ng iilang barya, dalawang bente at tatlong tig-iisang daan na lang ang naroon. “Kamo…te” bulong ko. Ang alam ko ay may dalawang libo akong nakatabi rito dahil nga kahapon ko pa binabalak na mamili kaya lang ay naantala dahil sa mga babaeng iyon na naghagis sa akin ng sopas sa mukha. “Malas naman…” bulong ko, parehas pa kami ng babaeng kahera na nakatingin sa isa’t isa, nag ngiting aso na lang ako at unti-unting inaalis ang mga pagkaing mahal, itinira ang mga mura. Nang iaabot ko na ang bayad, may isang matangkad na anino ang tumabi sa akin. Nasulyapan ko siya ng tingin nang makatabi ko na mismo ang taong iyon. Tamad at mapungay ang mga mat ana parang antok pa, habang gulat naman ang akin. Pareho kaming nakatingin sa isa’t isa. Agad akong nag-iwas, lumunok, nag ngiting aso ulit kay Ate’ng kahera. “Sabay mo na.” malalim ang boses, hindi na agad magkanda-ugaga ang babae dahil sa presensya ng lalaking katabi ko. Nang simulang i-scan ng babae ang mga pagkain na itinara ko ay nabahala ako, hindi niya kasi tinanggap ang bayad nang matapos. At nang abutin niya ang mga hiniwalay ko sa basket, lalo lang akong nawindang at nagulat. “Ay! Hindi na ho ‘yan, ito lang—” “Sir?” angat niya ng tingin sa lalaking katabi ko na para bang iyon ang may-ari nitong mga pinamili ko, at nakita ko namang tumango sabay nag lapag ng black card. Hindi na siya nag-abalang tingnan ako. Natataranta na talaga ako sa utak ko, tapos biglang ang bilis-bilis nang kabog ng dibdib ko na para bang ang hirap na humingi. Pero hindi dahil sa takot eh, alam ko. Ini-swipe ng babae ang card at lumabas ang listahan ng binili ko na nagkakahalagang sakto dalawang libo dahil tantyado ko na talaga iyon, at may butal na bente singko na kaniya namang binili na tubig. Kinailangan kong huminga at matulala, dahil kung hindi baka ikahiya ko ang sarili ko sa susunod na mga oras. “Uhm— hi, bayad m… uhm...” bigla naman siyang tumalikod nang magtatanong na ako. Sabay kinausap na rin ako ng babaeng kahera pero hindi naman sa akin ang tingin niya habang nilalagay sa supot ang mga pinamili ko. “Tulungan na kita riyan!” inabot ng lalaki katabi at gusto sanang gawin ang trabahong nararapat sa kan’ya. “Ako na!” padabog na sabi ng babae at pinagpatuloy ang pagtingin sa lalaking ngayon ay nasa labas na tila may hinihintay. Dali-dali kong binitbit matapos yata ang trenta minutos niyang paglagay ng mga pinamili sa supot. Ang dami niya kasing pause moments dahil minsan ay nawawala sa tingin niya ang binabantayang lalaki. “Nagawi rito? ‘Di ba taga-Saeville ‘yan?” “Ang guwapo… buti nakadayo ulit dito.” “Mas lalong tumindig… parang huling kita ko, ang bata niya pa.” “Tumatanda ka na talaga Lani.” halakhakan sila. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa lalaking iyon, halos isalampak na nga lang ng babae ang resibo nang mahulog ko ito. Lumabas ako sa minimart na iyon at nakita ulit siya na nakatayo, hawak ang mamahaling cellphone. Ginapangan ako bigla ng kaba sa pag lingon niya pa lang sa akin. Ngiting-aso na lang ulit, dahan-dahang nag lakad hanggang sa malampasan ko siya, ngunit kaagad din na pinatingil ng tawagin niya ang apelyido ko. “Luna!” sa isang malalim at punong-puno ng awtoridad niyang boses. Agad akong lumingon, “Oh?” kinakabahan. “Wala ba’ng thank you?” unti-unti niya akong nilapitan, hawak ang ulo ng bote ng tubig niya matapos niyang lagukan. Iba ang itsura niya ngayon sa totoo lang, mas nakakatakot, mas mukhang nangangain… hindi ko alam. Kung paano pa siya gumalaw at maglakad. Hindi na siguro talaga maaalis sa kaniya ang ganiyan, ‘yang parang tigre na lalapa kung kumilos. Naka-itim siya na plain t-shirt, kita ang halos kabuoang tattoo niya sa may bandang itaas ng braso. Mukhang hanggang leeg at tricep pa nga yata ito. Lumunok ako, hindi ko yata kayang pagmasdan kung paano siya kadelikado tingnan. “H-ha? Salamat pala… Javi…” nauutal kong sagot, bahagya siyang natawa at hindi ko alam kung paano ko ipo-proseso ang tawa niyang iyon. “Kumusta ‘yang mata mo?” Binasa ko ang nanunuyong labi at ngumiti, “ayos naman… mahapdi.” sagot ko. Halos mapa-atras ako ng abutin at haplusin niya ang band-aid na nilagay ko sa ibaba lang ng mata ko kung saan ang pinaka mahapdi. At dahil sa pag-abot niyang iyon sa mata ko ay nasulyapan ko rin ang nakabendaheng kamay niya at may pula pa na para bang sariwa pa ang sugat na sinusubukang itago ng bendaheng iyon. “Anong nangyari d’yan?” tanong ko, nang mapagtantong kamay niya ang tinutukoy ko ay kaagad niya iton ibinagsak at malalim na bumuntong-hininga. “Uuwi ka na ba? Sumabay ka na.” malamig niyang tugon saka lumunok dahil sa pagtaas-baba ng adam’s apple niya. “Ah, hindi na. May bike ako.” Sinulyapan niya ang bike sa likuran ko, tumungo na rin ako roon para mailagay ang iilang supot sa basket sa harap. “You deliver flowers?” aniya, napansin yata ang signboard na nakasukbit sa harap at likod ng bike at puro rin kasi bulaklak na disenyo ang bike na ito. Tumango siya’t sumakay na rin ako. “Salamat ulit! Mag-iingat ka pag-uwi ha!” ani ko, saka kumaway at dahan-dahang pumadyak para makaalis. Hindi naman pala siya ganoon tulad nang sinasabi ng iba. Palagi kong naririnig sa iba kung gaano siya kapilyo, palabiro, at kung ano-ano kaya na-aatract ang mga babae. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala siya kalamig, mabusisi at misteryoso. O baka… iba lang talaga ang pakitutungo niya sa mga kagaya ko? Hindi ko alam. Kinabukasan, pumasok ako. As if may choice. Pero mukhang wala yatang masyadong gulo ngayon bagaman nalagasan ng mga iilang estudyante, malas ko nga ay hindi iyong mga babaeng bumuhos sa akin ng soup. O baka nasasanay na ako rito? Sana nga. Mas okay na nga ang masanay. Break time, tinititigan ko pa rin itong form na inabot sa akin. Gusto kong sumali, hindi lang para sa incentives. Gusto ko rin ito matagal na, iyong sasali sa mga art events, para naman nagagamit ko itong pagpipinta ko sa ibang bagay. Pero may parte sa akin na huwag na lang, mas gusto kong pagtuonan na lang ang pag-aaral. Hindi ko alam, bahala na. Muli kong tiniklop ang papel saka itinago sa bag ko. “Javi!” tili ng isang babae, sa tapat ko lang at mukhang lumabas yata si Javi sa kanilang building dahilan para magwala ang iilang kababaihan dito sa quadrangle. Naalala ko ang kagabi, napangiti na lang ako. Iba pa rin pala talaga ang galing sa AU.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Two Bad Boys Beside me (Tagalog) COMPLETED

read
275.3K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
99.5K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
253.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
157.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook