“Ahm, m-magpapahangin lang ako.” Kahit na pinaalis niya ako, umupo pa rin ako malapit sa kanya, pero hindi sobrang lapit. Tama lang, may ilang pulgada pa rin ang layo namin sa isa't isa. Huminga ako ng malalim saka ininom ang gatas na hawak ko. Kahit yata uminom ako ng gatas hindi pa rin ako makakatulog dahil dito. Bakit naman kasi biglaan ang pagsulpot nitong si kuya Gun? “Kuya Gun, bakit ka nandito?” tanong ko saka lumingon sa kanya. Tumingin siya sa 'kin saka napakunot ang noo. Nako, nainis na naman siya panigurado. “Why? Am I not f*****g allowed to be here?” masungit na tanong niya. Sabi na nga ba minasama na naman niya ang tanong ko. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Diba may unit ka? Hindi ka na titira ro'n?” tanong ko naman. Bumagsak ang balikat ko nang mas lalong kumuno