Kabanata 12 ADDISON moved her wrist after Santino removed her dextrose. Nakaginhawa ang kamay niya na para ng ibinabad sa suka ang kulay. Wala naman iyong pamamaga. "Okay, you're free as a bird now, Addy," nakangisi na sabi ng bakla sa kanya, "Be careful na lang always sa sugat ha. Sasakit pa rin 'yan syempre at normal naman 'yon. Babalik na ako sa ospital. Mamayang gabi. Mami-miss kita," anito sa kanya na kunwari pa ay nagpahid ng imaginary tear, pero naluluha naman talaga. Nagyakap silang dalawa dahil nalulungkot din siya. Isang linggo rin ang inilagi nito sa mansyon ni Dusk, kakwentuhan niya madalas sa mga naunsyami nitong pag-ibig, habang busy naman ang pinsan nito sa kung anu-anong aktibidad sa pulitika. Naging close sila ni Santino na sobra. "Puntahan mo pa rin ako habang nandito