Kabanata 22.1 PILIT na nilabanan ni Addison ang sariling sistema. Iniiwas niya ang mukha kay Dusk at saka ito marahan na itinulak papalayo. "V-Virgin pa po ako," buong lakas ng loob na sabi niya rito. Para rin naman itong natauhan bigla at napatigil sa ginagawa sa kanya. There was fear in her eyes this time. Nawala ang pagkadarang niya. She gulped because Dusk stared at her. "Hindi po ako tulad ng sabi niyong mga kasama ko sa casino," muli siyang lumunok, "Tagalinis po ako sa mga kwarto ng hotel at hindi po ako nagpapa-takeout." Ibinaba niya ang binti at saka inayos ang sarili niya. Dusk loosened the grip and freed her arms. Baka na lang iniisip nito na mabilis siyang makuha dahil akala nito ay tulad siya nina Paula, na kahit cesarian na ay nagbebenta pa ng sarili sa mga matatanda s