Kabanata 10 HALOS hindi matingnan ni Addison ang sariling sugat nang alisin ni Santino ang benda niya. Magpapalit ito ng gasa niya, tapos ay magpapahinga na rin. Her bag of blood was already removed this afternoon. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Swero na lang ng nakakabit sa kanya at ang antibiotics. "Luckily, your kidney wasn't damaged because of the stab, Addy," ani Santino, naghahanap ng kanyang maipapalit na pang-itaas sa loob ng kahon, "'Yon lang, talagang maraming dugo ang nawala sa iyo. Ang hirap-hirap pa naman dito sa atin dahil walang dugo. Mabuti na lang at type B si poging Hermitanyo. Sayang ang t'yan mo, ang puti mo pa naman at napakakinis, nagka-marka pa tuloy. Buti medyo tago, kakapagsuot ka pa rin ng crop top." "Naku, salamat kamo at buhay ako," iyon ang nasambi