"Hey Alliah, sasama kaba samin magmall mamaya nina Tita?" tanong ng pinsan niyang si Vein.
Si Vein ang pinsan niyang pinakamalapit sa kanya maging sa Mommy at Daddy niya. Masayahin kasi ito hindi tulad niya na mas gustong magmukmok sa isang silid kesa makipagkulitan o makapagkwentuhan sa mga magulang.
Mahal niya ang kanyang parents pero ewan ba niya feeling nya kasi hindi siya ganon kahalaga sa mga ito. Mas masasabi pa nga niyang parang si Vein ang anak ng mga ito kesa sa kanya.
Palagi siyang ikinu-compare kay Vein ng mga ito. Na kesyo, maganda daw si Vein, matalino, masayahin, magiliw, na kesyo sinusunod lahat ng sinasabi nila.
Simula ng magkaisip hindi na niya naramdaman ang kahalagahan niya sa mga magulang. Mahal na mahal niya ang mga ito pero siya hindi niya maramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga ng mgs ito. Minsan nga naiisip niya baka ampon lamang siya ng mga ito at si Vein ang tunay na anak ng mga ito dahil Ibang-iba talaga kung ituring siya ng mga ito.
Aminado siyang maganda si Vein, lalo at mahilig itong mag-ayos. Palagi itong nakaporma na kahit nasa bahay lamang ei animo may pupuntahan ito palagi. Baka nga iyon ang dahilan kung bakit di siya magawang mahalin ng mga magulang.
Siya kasi palaging malaking tshirt at short lamang ang sinusuot. Minsan over sized na jacket, with hood at halos hindi siya magsuklay sa buong maghapon.
Hindi siya naiinggit sa kanyang pinsan pero minsan nasasaktan na rin siya. Buong buhay niya punong-puno siya ng kalungkutan at ang palagi nya lamang kasama ay ang kanyang gitara.
Mahilig din siya sa games, sa katunayan isa siya sa pinakamabibigat na gamer ng isang sikat na game app sa Pilipinas.
Sa pamamagitan niyon ei, nababawasan ang pagiging malungkutin niya. Doon sa mundo na iyon, nagiging masaya sya at nagkakaron siya ng mga kaibigan.
May isang gamer na nagfollow sa kanya at palagi siya nitong iniinvite. Mataas na rin ang rank nito pero syempre mas mataas pa rin siya.
Hanggang sa umabot ng isang buwan na palagi silang magkasama sa game. May mga time din na hindi nalang sila naglalaro kundi nag uusap nalang sila doon. Ilang beses na rin nitong hiningi ang f*******: account nya pero di nya binibigay. Hanggang sa isang araw napapayag na siya nito.
Umabot ng halos two months na regular silang nag-uusap sa chat at video call. Masaya itong kausap kaya mas naging masaya ang bawat araw ni Alliah dahil sa bagong kaibigan.
Si Alliah Sanchez ay nag-iisang anak ng mag-asawang Robert at Alondra Sanchez. Labing anim na taong gulang pa lamang siya ngayon at kasalukuyang nag-aaral sa isang private school bilang Grade 10 student.
Maganda si Alliah, hindi nga lang talaga sya palaayos kaya kapag tumatabi siya kay Vein masasabing wala siyang panama dito. Palagi nalang niyang naririnig mula sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya na walang-wala siya sa kagandahan ng pinsan.
Napatingin siya dito, napakaganda talaga nito sa floral dress na kulay pink na suot nito. Kanina pa rin siya sinabihan ng kanyang Mommy na magsashopping sila pero wala siyang balak sumama. Palagi namang ganon ei, kunyari aayain siya pero feeling niya hindi bukal iyon sa puso nito.
Mas gusto niyang magkulong sa kwarto, maglaro ng games o kaya makipagchat kay Brix.
Sa pagkaalala sa lalaki, napangiti siya. Ewan ba niya parang may kakaibang nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Palagi na lamang niyang hinahanap-hanap ang presensya ng lalaki.
Gusto nalang niya itong palaging makausap. Napakasarap kasi nitong kausap isa pa, ei marespeto itong masyado. Iyon bang never pa sya nitong nabastos.
" Oi, ano sasama ka ba? " muling tanong ni Vein sa kanya.
" Hindi na, pakisabi kay Mommy hindi ako sasama kasi may gagawin pa akong homework. " pagsisinungaling niya.
Tumango naman ito at lumabas na ng room.
Agad niyang tsinek ang messenger nya, at napangiti siya ng ubod ng tamis ng makita ang sunod-sunod na message ng lalaki.
Tinatanong siya nito kung kumusta ang tulog niya, kung nagbreakfast na sya at niremind din sya nito na kumain ng lunch.
Halos dalawang buwan na palagi itong ganito. Nasasanay na nga ang puso niya ei at unti-unting na nga siyang nagtitiwala dito. Sa katunayan nailalabas na niya ang mga problema dito.
Si Brix Robles ay taga Laguna, medyo malayo din kasi sa Manila siya nakatira ei. Pero sabi nga nito hindi naman daw hadlang ang layo kung gusto ko daw talaga syang makita.
Isa itong Engineering student sa isang University sa Laguna. Matalino ito at mayaman ang pamilya. Isa pa iyon sa nagustuhan niya dito, hindi ito mayabang di tulad ng mga classmate niyang mayayaman.
Pakiramdam nga niya unti-unti ng nahuhulog ang loob niya dito pero syempre dapat makatiyak muna siya.
Agad siyang nagreply sa mga message nito.
Napangiti naman siya ng marinig na umandar na ang kotse ng kanyang Daddy, ibigsabihin mag-isa nanaman siya.
Dati-rati sobrang lungkot niya kapag naiiwan pero simula ng dumating ang lalaki sa buhay niya. Mas masaya siyang ito lamang ang kasama nito.
Patago lamang siya kung makipag-usap dito kasi ipinagbabawal ng kanyang Mommy na makipagchat o mag intertain siya ng mga boys.
Nagreply agad ang lalaki sa kanya.
Napangiti nanaman siya.
Hanggang sa napapahakhak na siya.
Na bihirang-bihirang mangyari sa kanya.
Maya-maya nag video call ito, wala siyang kasama kaya okey lang na sagutin niya iyon.
Napangiti siya ng makita ito.
Nakahiga pa ito sa kama katulad niya,wala itong pang itaas at nakabalot naman sa kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito.
" Nakatulog ka ulit? Ang dami mong message ah. Tapos kakagising mo lang din ngayon? " natatawang sabi ko dito.
" Hehehe, naalimpungatan lang ako kaya ako nakapagmessage sayo kanina. " nakangiting sagot nito.
Ang pogi talaga nito, kahit pa bagong gising ei pogi pa rin.
Para tuloy bumilis ang t***k ng puso niya. Alam niya sa kanyang sarili na kakaiba na ang nararamdaman niya sa lalaki pero hindi pwedeng malaman iyon ng lalaki, nakakahiya kasi sa side niya.
Kung ano-ano lang ang pinag uusapan nila hanggang sa may tila gusto itong sabihin sa kanya.
ITUTULOY