Masaya siya sa tinuran nito, kahit walang nangyaring ligawan o kung anuman basta ang importante sila na at masayang-masaya siya.
Hindi na talaga siya mag-iisa dahil palaging andiyan si Brix na handang damayan siya.
" Oii, di ka na sumagot. Sabi ko tayo na ha, okey lang ba? " muli nitong sabi s kanya.
Ngumiti si Alliah at tumango ng bahagya.
" T-Talaga?! Waahh, salamat love ko! Sobrang saya ko, akala ko hanggang pangarap nalang kita ei. I love you Alliah Sanchez. " masaya nitong pahayag.
Napangiti siya at mababanaag ang kasiyahan sa kanyang mukha.
" I love you too Brix Robles, sana wag mong sirain ang tiwalang ibinigay ko sayo. Mahal kita, ikaw lang ang nag-iisang taong nakakaintindi sakin. Kaya ipinagkakatiwala ko na sayo ang lahat. Please, wag mo sana akong sasaktan. " madamdamin niyang pahayag.
Masaya siya, oo sobrang saya pero hindi niya maintindihan kung bakit may tila mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib.
" Pangako mahal, pangako hinding-hindi kita sasaktan. " nakangiting pahayag nito.
Halos maghapon lamang silang magkausap ng araw na iyon. At isang beses pang may nangyari sa kanila.
Bago ang lahat ng pinapalasap sa kanya ni Brix, pero dahil mahal niya ito at ang nais ay mapasaya ito kaya ibinigay niya ang kapritso nito.
Isa pa, nagugustuhan na rin niya ang bagay na iyon. Lalo pa at magkasabay silang nakakarating sa paraisong sila lamang ang nakakaalam.
Napakabilis ng panahon, mahigit isang taon na silang magkasintahan. Ramdam naman ni Alliah na mahal na mahal siya ni Brix,sa katunayan gusto na nga nitong magkita sila. Pero siya itong ayaw dahil natatakot pa siya, alam naman niyang hindi lang simpleng pagkikita ang gusto nito kundi iyong totoo ng may mangyari sa kanila.
Napakahilig pa naman nito sa bagay na iyon, sa loob ng mahigit isang taon nilang pagiging mag-on walang araw na hindi siya inaya nitong gawin ang bagay na iyon.
Araw-araw walang kapaguran, kahit ayaw niya hindi siya tumatanggi dahil na rin sa takot na baka magtampo ito o magalit ito ng tuluyan at ewan siya.
Napakababaw na dahilan para sa iba pero sa kanya iyon ang talagang pinakakinakatakutan niyang mangyari. Sa loob ng mahigit isang taon, naging napakasaya niya minsan may simpleng tampuhan na palaging ito ang dahilan pero agad niya itong sinusuyo.
Ganon siya, nagsosorry siya kahit na hindi naman siya ang may kasalanan. Ganyan siya katakot na mawala ito sa buhay niya.
Ngunit sa isang relasyon, dumarating talaga sa puntong naliligaw ang landas ng isa. Kahit pa ang isa ay sobra-sobra ang pagmamahal na pinapadama sa isa.
Unti-unting nagbago ang lahat ng mabarkada si Brix. Hindi naman sa naging bad na ito sa kanya, kaya lang halos nawalan na ito ng oras sa kanya.
Pero kapag gusto nitong umiskor, ayon nagkakaron ito ng time. Ayaw niyang magtanong, ayaw niyang kwestyunin ang mga ginagawa nito kahit sobra na siyang nasasaktan.
Iniiyak nalang niya ang lahat at ngumingiti sa harap ni Brix kapag nagkaron ito ng time na kausapin siya. Habang masaya itong nagkukuwento ng mga pinagagagawa nila ng mga barkada nito.
Ngumingiti siya, tumatawa pero sa loob niya durog na durog na. Sobrang nasasaktan siya na may iba ng nagpapasaya dito, lalo pa at nalaman niya na may mga babae din silang nakakasama.
Patuloy niyang sinasabi sa sarili.
" Okey lang yan Alliah.
Mahal ka non, ano ka ba.
Kelangan nya rin syempre ng barkada sa buhay nya. Yong mga babae, kaibigan lang nya yon. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano diyan. Mahal ka ni Brix. " yan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.
May tiwala naman siya sa lalaki na hindi siya nitong magagawang lokohin.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Alliah, unti-unti na talagang nagbabago si Brix. Hindi na ito ang dating Brix na nakilala niya, sa katunayan hindi na rin siya ang pinapantasya nitong maikama kundi ang girlfriend ng isang tropa niya.
Si Candy, isang napakasexy at napakakinis na nursing student sa kanilang university. Napakalambing nito,animo tuko ito na palaging nakakapit sa kanyang tropang si Ariel.
Wala din itong kahiya-hiya na kahit andiyan lamang siya ay nakikipaglandian ito sa lalaki. May time pa nga na hindi yata ito nakapagpigil at mismong sa harapan niya ay nakipagsex ito sa boyfriend nito.
Siya nalang ang tumalikod dahil siya pa itong nahiya pero nong time na yon tumindi sa kagustuhan niyang matikman din ang alindog nito.
Naboboring na kasi siya sa mga ginagawa nila ni Alliah, ayaw naman nitong makipagkita sa kanya para sana maikama na niya ito sa totoo.
Twenty-one na siya pero never pa niya naranasan makipagtalik sa totoo. Kaya inggit na inggit siya kay Ariel. Minsan pa nahuhuli niyang nakatingin sa kanya di Candy kaya alam niyang type din siya nito.
Ganito ang gusto niya, iyong palabang babae pagdating sa kama. Hindi katulad ni Alliah na alam niyang napipilitan lamang na pagbigyan siya.
Hindi naman niya iiwan si Alliah ei, katulad ng pangako niya. Gusto lang niyang tumikim ng totoong putahe.
" Dude, pahiram muna ako saglit ng phone mo. Tatawagan ko lang si Candy, ang tagal nya kasi,nalowbat ako ei. " sabi ni Ariel sa kanya.
Nasa isang resto kasi sila, nag-aya ang barkada kasama ang mga girlfriend ng mga ito pero nagpahuli si Candy kasi may tatapusin pa daw na report para bukas.
Agad niyang ibinigay ang phone niya, syempre tatawagan nito si Candy walang kahirap-hirap na makukuha niya ang number nito.
Idinayal nito ang number ni Candy at nagtungo sa isang sulok. Naaatat na siyang ibalik agad nito ang phone dahil gusto niyang maisave ang phone number ni Candy.
At may isa pang dahilan, may pinakainiingatan siyang mga video doon na ayaw niyang makita ng sinuman. Ang video ni Alliah habang ginagawa nila ang bagay na iyon.
Iilan lang naman ang video doon pero ang pinakapaborito niya ang unang beses na may nangyari sa kanila. Yon kasi ang pinakadabest yong wala pa siyang alam at iginaguide pa niya ito sa dapat gawin.
Agad siyang napatayo ng makitang tila excited na patungo sa kanya si Ariel. Agad siyang kinabahan.
" King*na ka dude, may kakaiba ka palang ditong collections ni hindi ka manlang manshare! " tila nakakalokong sabi nito.
Inagaw niya ang phone mula dito.
" Sira! For private only to, hindi pwedeng ishare. " inis na sabi niya dito.
Narinig ng buong tropa ang pinag-uusapan nila.
Itutuloy