Chapter 12
Amber Lacson's POV;
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis ng makitang namumula ang braso ni Lazarous dahil sa mga hawak ng mga pulis.
"Bitawan niyo ako!hindi naman ako ang---."
"Wag niyo na siya saktan okay!" Naiinis na sigaw ko bago tabigin yung mga kamay ng pulis na nakahawak kay Lazarous.
"Sasama siya." Naiinis na sambit ko bago iangat ang tingin ko kay kupal.
Kitang kita sa mata niya ang takot na kinayukom ng kama ko.
"Look kupal sumama ka okay?pupuntahan kita dun makakalabas ka at isasama kita pauwi." Ani ko na kinatigil niya.
"Kalma lang susunod ako sayo hindi kita iiwan. Pag kasundo ko sayo dun aalis tayo then bibili kita ng ice cream." Bulong ko maya maya tumayo na ito ng ayos at naging normal na rin ang expression nito.
Hindi na siya yung mukhang papatay o ano. Nakangiti na ulit ito at siya na mismong humila sa mga pulis.
"Kukunin daw ulit ako ni langit bleeh!"
"Ms hindi ka ba natatakot na masaktan ng pasyenteng yun?" Rinig kong tanong ng doctor na kinatingin ko.
"Nakita niyo bang kaya niya akong saktan?" Walang emosyong tanong ko bago umikot at humarap sa doctor.
"Masyado siyang harmless para sakin kaya hangga't ganun siya...May lugar siyang papasukan at sa ba bahay ko yun hindi sa kahit na anong mental hospital.
----
"Ako na bahala dito Skyler puntahan mo na." Nakangiting sambit ni Nicolas private Lawyer ko at dati kong kaschoolmate.
"Eh di maganda siya kung ganun."
Bahagya akong napatigil ng makita ko yung tatlong pulis sa harap ng iisang kwarto dito sa police station na may rehas.
"Yup! Tapos sobrang ganda niya." Boses yun ni Lazarous.
"Andito na yung kasama nung lalaki." Ani ng mamang pulis na nasa nasa desk.
"Langit!" Rinig kong sigaw ni Lazarous habang nakasilip sa mga rehas.
"Siya pala yung langit maganda nga siya, siya ba yung lagi kang pinalalayas?" Tanong ng mukhang isa sa mga presong nakasilip din sa mga rehas na kinapoker face ko.
'Chinismis pa ako ng siraulo tss.'
"Hindi ako makapaniwalang killer yan." Komento ng isa sa mga pulis ng lumapit ako sa rehas at lumuhod dun para makapantay si Lazarous na kumikinang ang mga mata.
"Lalabas na ba ako sasama na ako sayo?" Parang batang tanong ni kupal habang inaabot ako.
"Wag mo na ulit uulitin yun okay?" Kalmadong sambit ko na kinatigil ni Kupal.
"Hindi ako gumawa nun Langit pumasok ako sa loob nung apartment kasi akala ko andun kana at bumalik ka."
Naidikit ko ang noo ko sa rehas at pumikit ng madiin.
'Pero kitang kita ko sa CCTV na siya yung pumasok sa apartmemt building na may baril.'
"Langit hindi ako ang pumatay." Napaangat ako ng tingin ng basag itong sumagot at anytime iiyak dahil sa hindi ako naniniwala.
"Okay lang yan bata."
Ani ng isa sa mga preso bago tapikin si Lazarous na nakayuko.
"Skyler." Napatingin ako kay Nicolas bago tumayo at harapin siya.
"Ginawan ko na ng paraan... matibay ang ebidensya pero may nakakita sa kasama mo nung time na may pumasok sa apartment building at nandito sila ngayon."
Ani ni Nicolas bago tumabi. May apat na matanda at isang bata ang lumapit samin.
"Kuya L!" Napatingin ako nung lumapit yung bata at sinilip si Kupal.
"Pwipwi." Malungkot na sagot ni kupal.
"Sinabi ko na mamang pulis hindi siya yun kasi kami mismo nagsabi sa binatang yan na nagkakagulo dun sa labas ng apartment building na tinitirhan niya." Ani ng matanda habang kausap ang matandang officer.
"Pero siya yung nasa CCTV." Ani ng officer.
"Matibay ang ebidensya Skyler at siya ang tinuturo ng mga taong nakakita sakanya na pumasok sa apartment building." Ani ni Nicolas na knayukom ng kamao ko.
'Ramdam ko hindi si Kupal yun hindi ganun si Kupal pero sino yun?'
"Mamang officer hindi si Kuya L yun kasi kasama ko siya nung pagtapos ng klase namin kung gusto niyo po tingnan niyo po yung CCTV ng eskwelahan namin andun siya Mamang officer nilibre ko pa nga po siya ng ice candy nun kasi sad siya diba nanay Lolay." Sabat nung bata na kinatinginan ng mga officer.
"Icheck niyo yung eskwelahan kung san school napasok ang batang yan." Utos ng isa sa mga officer na agad kinatalima ng dalawang pulis at lumabas ng police station.
"Ibig sabihin nung dumatibg yung mga pulis sa apartment building kasama niyo si Mr.Lazarous?" Tanong ni Nicolas sa mga matanda.
"Oo iho dahil hinahanap niya yung langit daw niya lagi namin siyang nakikitang nagpapaikot ikot sa lugar nung isang araw pa kaya kinausap namin. Tindera kami sa labas ng eskwelahang pinapasukan ng batang babae at nagkataon na bumili samin yung bata at yang gwapong binatang yan kaya nakipagkwentuhan kami." Sagot ng matanda na mukhang nasa 60s.
"Mabait na binata iyan kaya imposibleng siya yung pumatay sa mga nasa apartment building. Nung time kasi na napadaan ako sa apartment building kung nasan ang binatilyo maraming pulis tapos nakita ko ang binatang yan na nakikipagtawanan sa apo ko sa harap ng eskwelahan at ako mismo nagsabi na sobrang daming pulis sa labas ng apartment building nila." Dagdag pa ng binata na kinatingin ko kay kupal na nakayuko.
"Kuya L wag ka ng sad ilalabas ka din nila dito." Ani ng batang babae.
"Bata." Ani ko bago lumuhod sa harapan niya kinatingin sakin ng babae.
"Ikaw po siguro yung Langit na kinukwento ni Kuya L ang ganda niyo nga po." Nakangiting sambit ng batang babae na kinangiti ko ng konti.
"Langit wala naman talaga akong kasalanan." Napatingin ako kay kupal ng hawakan nito ang rehas at nakasimangot na nakatingin sakin.
"Bakit ba ayaw mo maniwala sakin?" Tanong ni Kupal na kinabuga ko ng hangin.
"Naniniwala ako okay? Ano naman kasi magiging rason mo para gawin yung sa mga co boarders natin." Ani ko na kinatigil ni kupal.
"Matamaan nga lang ng tilampsik ng mantika takot kana sa putok pa ng baril?" Dagdag ko na kinasimangot niya.
"Nanahimik ka lang kasi kala ko hindi ka naniniwala." sagot ni kupal na kinatigil ko.
Kaya ba siya mukhang iiyak kanina kasi kala niya hindi ako naniniwala?