11

1141 Words
Chapter 11 3rd Person's POV; 'Spongebob!isang kruby pat---ano nanaman yang ginagawa mo?.' 'Goodmorning squidward nililinisan ko lang itong mahiwaga kong spatula.' "29..30..31 bakit wala pa din si Langit?" Bulong ng binata habang nakapako ang tingin sa t.v at pinakikiramdaman ang mga taong dumadaan sa labas ng apartment at binibilang na parang bata. "32...33 may bisita." Napatingin ang binata sa veranda ng makaramdam ng kakaibang presensya sa labas. --- "Umalis na ba ang mga kapatid mo?" Tanong ni Mesiree sa kasintahan ng bumalik ang apat na lalaki. "Yeah pero mukhang ibabalik na nila sa isla yung mga babae kasama sina Triton." Sagot ng binatang si Dark na kinasapo sa noo ng dalaga sa noo habang nakatungkod ang dalawang braso sa hita. "Posible bang ang papa niyo ang gumawa nun?" Tanong ni Allison. "Hindi namin alam.. kung sino man yun hindi siya ordinaryong tao. Dahil napasok niya ng ganun ang company ni Racer at nasira ang computer lab ni Hector." Ani ni Luther na kinatingin ng mga babae. "Yung kay Mr.Griffin maraming posibleng mangyari pwedeng may traydor sa loob o may sumabutahe pero yung Com. Lab?panong nangyaring napasok yun?" Tanong ni Madison na kinatingin ni Aidan. "Mahigpit ang security ng mga Griffin Madison at ang mga empleyado dun galing sa agency na si Kuya Phantom din ang nagpapatakbo kaya imposibleng may tumaraydor galing sa loob dahil alam nila ang mangyayari sakanila pag may bumaliktad." Ani ng binata habang nakangiwi. "Sinusunog ng buhay ni kuya Phantom."sabat ni Derek habang ngumunguya ng bubble gum "Buti na lang talaga bago may back up security system si Hector kung nahack ang mga computers na nasa lab at nakuha ang mga info na nasa files katapusan na natin. Malalaman na ang mga exact location ng mga Aragon mapapahamak pa ang mga babae kung hindi agad nabura yun ni Hector." Dagdag pa ni Derek. "Ibig sabihin may MAS pa sainyong mga Aragon katuwa naman yun naisahan ang isang Phantom Aragon at nasalisihan ang isang Hector Aragon." Natatawang sambit ng dalagang si Mesiree. "Walang nakakatawa dun Madison kung nakahanap ng ganung tautauhan si Mr.Aragon hindi na siya basta basta." Paismid na sagot ng kapatid na si Harmony. --- "Bullshit!" Mura ng binata bago sipain ang mahabang sofa dahilan para bumagga ito sa pader. "Mukhang hindi umaayon ang lahat sa plano mo Mylord." Komento ng binatang si Vio habang nanatiling nakatayo sa pintuan ng inaakupahang hotel room. "Hindi pa ako tapos Vio at sisiguraduhin kong sa susunod na bagsak ko wala ng makakaligtas sakanila ni isa." Nanggagalaiting sambit ng binata habang nakataas ang gilid ng labi at nakatingin sa buwang unti unting tinatakpan ng ulap. Amber Lacson's POV; "Kailangan ko munang umuwi." Ani ko bago tumayo at tingnan sina Harmony na nakaupo sa sofa. "Mag iingat ka ate." Ani nina Madison bago ako yakapin ganun si Aki na nasa tabi ng kasintahang Aragon na agad yumakap sakin. 'Dalawang araw ang lumipas mula ng nangyaring aksidente at dalawang araw na rin ako hindi umuuwi baka kung ano ng ginawa ng kupal na yun sa bahay ko.' Nang makalabas ako sa ospital pagkatapos akong ihatid ng mga gwardya sa labas kung saan walang mga reporter agad akong pumara ng taxi. Hindi naman yun kalayuan dito kaya alam kong wala pang 45 minutes andun na ako. Hindi naman ako nag aalala kay kupal dahil may mga stock naman kami dun at marunong na siya ng magluto ang inaalala ko lang baka hanapin ako at maligaw nanaman siya. 'Wait?eh ano kung maligaw siya bakit ko ba inaalala ang kupal na yun tss.' "Anong nangyayari? manong dito na lang." Ani ko ng makita ko ang napakadaminh police at tao sa labas ng apartment bulding na inaakupahan ko. "Salamat manong." Ani ko pagkatapos kong bumaba at lakad takbong nakisiksik sa mga kumpulang tao na kinalamig ng katawan ko ng makakita akong napakaraming stretcher na palabas ng apartment building. "Lazarous!tumabi kayi diyan!" "Ms bawal pumasok sa lo---." "Nasa loob ng apartment ko ang kasamahan ko kailangan ko siyang makita!Lazarous!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga police. 'Takot na takot ako na sa buon buhay ko hindi ko naranasan sa ibang tao maliban sa pamilya ko. Ganitong ganito din ng mawala ang mama at papa ko wala akong magawa num kung hindi umiyak.' "Lazarous." Nangingilid ang luhang sambit ko. 'Hindi pwede, hindi pwedeng mawala si Lazarous siya na lang ang kasama ko. Ayoko ng maiwan ulit mag isa.' "Hindi siya pwedeng mawal---." "Langit!" Napatingin ako sa paradahan ng ambulansya sa loob ng mga warning line ng may lalaking nanakbo palapit sakin. "Lazarous!" Sigaw ko bago itulak ang mga pulis at pumasok sa loob para salubungin si Lazarous na aga yumakap sakin at sumubsob sa leeg ko na kinabato ko sa kinatatayuan ko. "A-Akala ko hindi kana babalik a-akala ko iniwan mo na ako." Bulong ni Kupal na kinatigil ko. "Mr!kailangan namin malinisan yang sugat mo." Napatingin ako sa mga nurse at doctor na papalapit samin. "Ikaw ba yung langit na tinutukoy niya?" Tanong nung doctor na kinatango ko bago tingnan si kupal na nakayakap sa bewang ko at parang batang nangingilala habang nakatingin sa mga nurse. "Pagamot ka muna babalikan kita kakausapin ko lang yunh doctor." Ani ko na kinatingin ni kupal sakin. "Wag kang lalayo hindi ka aalis?" Tanong ni Lazarous na kinabuga ko ng hangin. "Oo hindi naman kami lalayo." Sagot ko bago siya bumitaw at ngumiti ng malapad. "Tara na mga nurse!" Sigaw ni Kupal bago hawakan yung dalawang nurse sa kamay paalis na kinapokerface ko. 'Mamaya pagsasabihan ko siya na wag sino sinong hahawakan.' "Nasaan ang legal guardian ng pasyente? Kaano ano mo siya?" Tanong nung doctor na kinatingin ko. "Mukha namang okay ang kasama ko hindi siya pasyente." Ani ko na kinabuga ng hangin nh doctor. "Hindi dapat nagpaparagala gala ang tulas niya sa ganitong lugar masyado siyang bayolente at mukhan wala aa tamag pag iisip." Ani ng doctor na kinapokerface ko. "Mukha lang may sapak sa utak ang kasama ko pero matino yan." Sagot ko ng---. "Oy saan niyo ako dadalhin!langit!" Napatingin ako sa bukas na pintuan ng ambulansya ng makita kong hawakan ng mga pulis si kupal. "Teka!saan niyo dadalhin ang kasama ko!" Sigaw ko bago mabibigat ang paang tinulak mga pulis palayo. "Limang pulis ang muntikan niya ng mapatay kani kanina lang at walang kaano anong pumasok sa apartment building ng walang paalam...gusto din namin siyang imbistigahan dahil may mga nakakita na ang lalaking yan ang pumasok sa apartment building ng may hawak na baril at ilang black in men bago walang awang pagbabarilin ang mga tao na nasa loob ng apartment building." Ani ng mga pulis na kinatigil ko. "Lazarous totoo ba yun?" Tanong ko bago lingunin si Lazarous na walang makikitang kahit na ano sa inosente nitong mukha. "Langit hindi ko ala---." "Kailangan mo sumama samin." Ani ng pulis bago hilahin si Lazarous papunta sa police car.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD