10

1112 Words
Chapter10 Skyler Lacson's POV; Mula dito sa kinatatayuan ko sa hallway kitang kita ko sina Allison na nasa kabilang dulo kasama ang kani kanilang kasintahan. May ilang babae din dito na mukhang kasama ng mga Aragon na hindi pamilyar sakin ang mukha. Masasabi ko lang talaga na isa sila sa mga Aragon dahil sa sobrang bigat ng presensya nilang nangingibabaw sa lahat ng nandito at galaw nilang parang sakanila ang mundo. "Sa tingin ko kailangan na naming umalis hindi safe kung nandito tayo lahat." Ani ng lalaking may kakaibang kulay ng mata. "Trigger nasa ICU ang kapatid mo hindi ka ba nagwowor---." "Look Levi mas nag woworry ako sa maaring mangyayari kung may makakaalam na nandito tayong lahat hindi lang sina kuya ang mapapahamak dito." sagot nung lalaki. Trigger Aragon siya yung batang ang bilis bilis mag palit ng mood in 3 seconds iiyak then biglang papatay. "Mas mabuti ngang umalis na kayo sa laptop na lang tayo mag uusap uusap." Ani nung lalaking hindi binibitawan ang laptop mula kanina pa. "Kuya Hector dito lang tayo?" Napatigil ako at napako ang tingin ko sa lalaking nakasampa sa bench na may hawak ng pack ng candy. Biglang pumasok sa isip ko si Kupal dahilan para matulala ako ng segundo hanggang sa mapansin ko na lang na nakatingin sakin yung lalaki na nakasampa sa bench na agad ngumiti sakin na kinaiwas ko ng tingin. Hector at Hellion Aragon si Hector ang planner then si Hellion ang fighter. Mahina ang ulo ni Hellion pero sa lakas at bilis nito kaya nitong makipag sabayan sa mga kapatid. "Ate." Napatingin ako kay Aki na nakaharap sa glasswall ng kuhanin nito ang pansin ko. "Hindi naman ako tanga at bingi para hindi ko malaman ang pinoproblema ng pamilya natin at ng mga Aragon." Bulong ni Aki habang tumutulo ang luha. "Aki." Bulong ni Madison ng lumapit sila sa pwesto namin at matamang tingnan ako. Ang salita ko parang espadang nakabaon sa bato na hindi mabubunot ng kahit na sino at mababago lalo na sa pamilya ng mga Lacson dahil ako ang unang anak at tagapagmana. "Matagal ng tapos ang kasunduan natin sa mga Aragon." Ani ko na kinatingin ng mga kapatid ko.kasama na dun ang mga Aragon na nasa hindi kalayuan samin. "A-Ate." Namumutlang ani ni Allison lalapit ito sakin ng hawakan siya ni Madison. "Tinaraydor tayo ng pamilyang yun at kung pagbabasehan natin ang batas ng High Society sa ginawa ng mga Aragon...pamilya at sa unang anak ng Embrosio siguradong kamatayan ang ipapataw sakanila kasama na dun ang pagsira sa kasunduan." Ani ko na kinayuko ni Mesiree at kinalaki ng mata ni Aki. "Ate please w-wag siguradong pag nalamam ito ng council ieeliminate nila ang mga tagapag mana!" Naiiyak na sambit ni Harmony bago sandaling lingunin ang mga Aragon at tingnan ako. Pero mas pinanitili kong kalmado ang sarili ko kaysa pakitaan sila ng kahit na ano. "A-Ate kung sinasabi mo ito dahil gusto mong layuan namin ang mga Aragon gagawin na namin please ate." Naiiyak na sambit ni Allison na kinatigil ko. Matapang si Allison ito yung tipong mas matibay pa sa bato ang puso at sa nakikita ko ngayon hindi na siya yung Allison na nakilala ko. Natuto na siyang umiyak at magmakaawa na hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. "Hindi." Napatinging ako sa mga Aragon ng sabay sabay silang lumapit samin at pinalibutan kami. Napapokerface ako ng tingnan nila ako ng para akong kakainin ng buhay. Aminado akong hindi ko sila kaya oo pero hindi ako magpapatinag hawak ko ang alas. "Kung magsusumbong ka gawin mo hindi ako makakapayag na kunin mo sakin si Harmony." Sambit ng lalaking may maamong mukha at malamig na nakatingin sakin. "Ano bang sinasabi niyo?!pag kinalaban niyo ang High Society para niyo na ding kinalaban ang buong mundo! Hindi basta basta ang High Society kung pababagsakin niyo sila ng wala sa tamang proseso hindi lang ang High society ang makakalaban niyo." Nanggigil na sabat ni Allison. "Kung mapabagsak niyo man ang High Society ng Asia sa tingin niyo isasawalang bahala yun ng ibang council?" Nakayukong sambit ni Madison. "Eh kung patayin ko na lang ito." Napatigil ako ng may naramdaman akong malamig at matalas sa gilid ng leeg ko. 'Halimaw.' Yan ang unang words na pumasok sa utak ko ni hindi ko man lang siya nakita,naramdaman o narinig na pumunta sa likuran ko. "Pag pinatay na kita hindi na mamomoroblema sina kuya diba?" Rinig kong sambit niya sa tenga ko na kinabato ko sa kinatatayuan ko. "Wag!" Rinig kong sigaw ni Mesiree at sa isang iglap nahulog na yung patalim at yung kasintahan ni Mesiree na nasa likuran niya kanikanina lang nasa tabi ko na at hawak ang braso ng lalaking nangangalang Hellion. Napaatras ako at napadikit sa pader ng makita ko ang pagngisi nung Hellion habang nakatingin sakin. "She looks like a doll akala ko hindi siya nakakaramdam ng takot." Ani niya ng---. "Aray!Ara aww! masakit!" Daing ng lalaki ng may maliit na babaeng humila sa tenga ni Hellion at dalhin kung saan. "Kailangan ba namin lumuhod sa harap mo?" Tanong nung lalaking nasa harapan ko na kinatigil ko. "A-Anong luluhod?!Dark!" Sigaw ni Mesiree. "Derek!" "Luther!" "Aidan!tatamaan ka sakin!" Sigaw ng mga kapatid ko na kinapoker face ko ng makita ko yung apat papunta sa harap ko. Luluhod sila ng---. "Teka!" Ani ko habang hinihilot ang sintido ko. "Hindi yan ang gusto kong gawin niyo sa sinabi ko." Ani ko na kinaayos nila ng tayo bago walang expression na tingnan nila ako. "Ate Sk---." "Naputol ang kasunduan dahil sa hayop na ama niyo pero binigyan kami ng huling utos at pangako ng sarili naming ina at ama." Ani ko bago ibaba ang kamay ko at iyukom. "Poprotektahan pa din namin kayo kahit na anong mangyari." Bulong ko bago iangat ang tingin ko at isa isang tingnan ang mga Aragon. "Gusto kong linawin sainyo na ang Embrosio at kaming mga Lacson mission naming protektahan kayo dahil isa kayong mga ARAGON." May diing sambit ko bago ituro ang mga kapatid ko. "Kaya wag niyong gawing inutil ang mga Lacson na katulad namin." Ani ko bago tingnan sina Mesiree na kinabuga ko ng hangin bago sila harapin. "May pangako at mission pa din tayo bilang Lacson, naiintindihan ko nahihirapan kayong gumalaw dahil sa called possesive jerk boyfriend niyo." Ani ko na kinangiwi ni Allison habang pinupunasan ang pisngi niya. "Dun muna kayo gusto namin makausap si ate." Kalmadong sambit ni Mesiree sa mga Aragon bago tingnan ang kasintahan. "Ate pwede ba diretsuhin mo na kami kasi nagkakaiyakan na dito tapos sina Dark alam kong badtrip na mga yun dahil sa ginawa mo." Ani ni Mesiree na kinaismid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD