13

944 Words
Chapter 13 3rd Person's POV; "Bukas?pero officer gawan niyo ng paraan ngayon kahit magkano magbabayad ako." Naiinis na sambit ng dalaga bago tingnan si Lazarous na nakikipag usap sa batang babae. "Ms hindi pwede yang gusto niyo anong oras na Ms. mamaya darating na ang iba pang officer para magkaroon ng palitan kaya kailangan niyo ng umalis dito.Bukas na bukas din bumalik kayo para kuhanin ang result." Ani ng officer. "Skyler hindi madali ang proseso nito kahit sabihin pa nating hindi yung kasama mo ang may gawa." Ani ng binatang si Nicolas habang matamang pinagmamasdan ang dalaga na punong puno ng pag aalala ang expression. "Anong gusto mo sabihin Nicolas hayaan kong umisang araw si Lazarous dit---." "Skyler ano ba para sayo ang lalaking yan para magkaganyan ka?" Gusot ang mukhang tanong ng binata na kinatihimik ng babae. "Bakit hindi mo din sinabi na may pinatitira kang lalaki sa apartment mo? Tapos malalaman ko pulot pulot mo lang kung saan saan pano kung masaman tao y---." "Nicolas mabait si Lazarous at sino ka ba para sabihim sayo kung sino ang dapat patirahin ko sa bahay ko." Nanggigil na tanong na dalaga. "Hindi ko lang matanggap Skyler na mag aanim na taon na akong nanliligaw sayo pero ni hindi mo man lang ako magawang papasukin sa bahay mo ni hindi man lang kita makitaan ng ganyang pag aalala sakin kahit nung time na magkaibigan tayo at ako lang ang meron ka." Ani ng binata na kinadilim ng anyo ng dalaga. "Professional ka Nicolas at alam mo ang pinagkaiba ng trabaho sa relasyon na gusto mo." Dagdag ng dalaga bago tumalikod at lumapit sa binata na nasa loob ng rehas at nakatingin sakanilang dalawa. "Langit." Ani ng binata. "Uuwi na ba si Kuya L?" Tanong ng batang babae. Amber Lacson's POV; Hanggang ngayon kinikilabutan pa din ako pag naririnig ko yung L sa bibig ng batang babae pero imbis pansinin yun. Bumuga ako ng hangin para makapantay silang dalawa. "Kailangan pa daw ng proseso mukhang matatagalan pa dito si Kupal." Ani ko. "Pero ate walang kasalanan si Kuya L." Ani nung batang babae na kinangiti ko. "Alam ko baby girl kaya gagawa ng paraan si ate." Ani ko bago tingnan si kupal. "Dito ka muna pupuntahan puntahan na lang kita." Ani ko na kinabagsak ng balikat ni kupal. Naawa ako sakanya pero anong magagawa ko may batas pa din na dapat sundin pag nakakulong siya. 'Kasalanan ko ito dapat hindi ko siya iniwan.' "Okay lang Langit basta pumunta punta ka dito wag mo na ulit ako kakalimutan." Para akong binuhusan ng tubig sa huling sinabi ni kupal. 'Kalimutan?' "Natakot kasi ako na baka iniwan mo na ako dun at kinalimutan kaya hindi ka umuuwi kaya yun hinanap kita hindi ka naman nagsabi kung saan ka pupunta." Dagdag ni kupal habang nakangiti na kinatahimik ko. "Skyler kailangan na natin umalis." Ani ni Nicolas na kinatayo ko. "Ihahatid na din po namin kayo nay ikaw din bata." "Dito ka lang kupal babalik ako." Ani ko bago ilusot ang kamay ko sa mga rehas at marahang haplusin ang gilid ng ulo ni Lazarous na kinangiti ng malapad nito bago sunod sunod na tumango. "Aantayin kita langit." Hindi ko alam pero biglang pumasok sa utak ko ang tinanong sakin ni Nicolas kani kanina lang. 'Siguro dahil nararamdaman kong mas kailangan niya ako higit pa sa inaasahan ko.' 3rd Person's POV; "Nakita niyo na ang kapatid ko?" Tanong ng binata sa mga tauhang pumasok. "Hindi sila ang inutusan ko para hanapin si Master L." Magalang na sabat ng binatang si Vio na nagtataka din. "Boss yung mission na binigay niyo samin sundan yung babae." Ani ng lalaking nakaluhod habang nakayuko. "Then anong natanggap ko na nakita niyo ang kakambal ko?" Walang emosyong tanong ng binatang pretenteng nakaupo sa sofa. "Dahil nakita din namin siya sa apartment na pinasok natin kaninang umaga nung time na pinaiwan niyo kami dun para magmanman at masiguradong kung dun nga nakatira yung babae." Magalang na sagot ng lalaki. "Yung sa mission namin na babae confirm mylord siya ang nawawalang pinuno ng pang walong henerasyon ng Embrosio at si Master L nakita ko din mylord kasama siya ng tagapag mana at kasalukuyan silang nasa Police station." Sagot ng lalaki ng mapahawak ito sa earpiece. "Umalis na po pala yung tagapag mana pero sinundan na sila ng first team at yung second team naiwan sa police station para bantayan si Master L." Bawi ng lalaki bago tumayo at yumuko. "Kailangan ko makuha ang kakambal ko." Bulong ng binata bago damputin ang pack ng marshmallow at isubo ang limang piraso nun. "Tawagin mo si Claud aalis tayo." Ani ng binata bago tumayo na kinayuko ng mga tauhan. "Masusunod Mylord." --- "Huh?" Napamulat ng mata ang binatang si Lazarous at napabangon sa kinahihigaang banig ng makarinig siya ng hiyawan at mga pagsabog sa labas. "Bata!umalis na tayo!" Sigaw ng isa sa mga preso na magiba yung pader ng prisito. "Umalis na kayo dito lang ako." Bulong ng binata na kinalaki ng mata ng dalawang lalaki na natataranta dahil sa mga pagsabog. "Mga pre umalis na tayo bilis!" Sigaw ng isa sa mga preso bago nanakbong umalis dun at nakipagsabayan sa mga civillian na hindi alam kung saan pupunta ng may sunod sunod na kotse ang dumating at walang kaano anong pinagbabaril ang mga pulis sa prisinto. "Tingnan niyo kung may buhay pa." Walang emosyong sambit ng lalaki bago tumapak sa loob at matamang tingnan ang paligid hanggang sa mapatingin sa rehas na nasa pinakadulo. "Kuya." Bulong ng binata na nakaupo sa banig at nakatalikod sa rehas kung saan nakatayo ang kakambal. "Wala ka pa ding pinagbago napakalambot mo pa din...L."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD