#TheSecondHusband CHAPTER 23 Ngayon ay muli kaming naglalakad sa mall. Pagkatapos naming kumain at maglaro, ito at nagpapahinga kami sa pamamagitan ng paglalakad. “Ang saya ko ngayong araw... Mabuti na lang talaga at sinama kita.” Sabi ni Gray na ngumiti sa akin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti. “Ako din.” Sabi ko. Masasabi kong sa pagsama ko sa kanya, kahit papaano ay nakalimot ako sa mga gumugulo sa isipan ko na hindi naman dapat. “Ulitin natin ito a.” Sabi niya. “Oo ba... Sa susunod libre ko na.” Sabi ko. Mas lalo siyang napangiti. Patuloy lang kami sa paglalakad. “Oo nga pala... Gusto sana kitang imbitahin sa bahay.” Sabi niya na ikinataka ko. “Ha? Bakit?” tanong ko. “Wala lang... Gusto ko lang na makita mo ang bahay ko saka