#TheSecondHusband CHAPTER 27 Kanina pa umalis sila Mama at Greco. Dadalaw-dalaw na lamang sila dito kapag may oras at ganun din naman ako, dadalaw din ako sa kanila kapag nagkaroon ako ng oras. Ngayon ay nakaupo ako sa sofa na nasa living room, nakatitig ang mga mata sa tv habang tawa nang tawa sa pelikulang palabas. Comedy kasi. Tumigil ako sa kakatawa, napatingin ako sa katabi kong hindi pa umuuwi sa sariling unit dahil gusto munang tumambay dito. Napansin kong nakatitig lamang siya sa tv pero walang reaksyon. Kanina pa siya ganyan katahimik at hindi ko alam kung bakit. “Oy!” pagtawag ko sa kanya kasabay ng pagkalabit. Napatingin siya sa akin. Wala man lamang reaksyon ang mukha niya. “Bakit ganyan ka?” tanong ko pa. “Ha?” pagtataka niyang tanong. “Kan