#TheSecondHusband CHAPTER 37 Ilang araw pa ang lumipas at hindi na nangulit pa si Gray sa akin tungkol sa nararamdaman niya, tila bumalik siya sa dati na kaibigan ko. Lagi ko na siyang kasama, pinapabaunan ako ng niluluto niya, kinakausap niya ako na parang walang nangyari nung mga nakaraan. Hindi ko nga alam kung nanliligaw pa siya o kung ano, basta bigla na lang nawala iyon at ito siya, kaibigan ko pa rin. Hinayaan ko na lamang siya sa kung anong gusto niya. Hindi naman na rin niya nababanggit ang nararamdaman niya para sa akin pero sa totoo lang, hindi na kagaya ng dati ang tingin ko sa kanya, kung dati kasi, pure na kaibigan ang tingin ko kapag magkasama kami pero ngayon, hindi na dahil alam ko na may nararamdaman siya para sa akin, kumbaga, may pader na biglang humarang s