Trip (2 of 2)

3556 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ----- Nahinto siya sa pagtatawa noong napansing nakatitig na pala ako sa kanya. “B-bakit?” “Seryoso ako na magpaligaw sa iyo,” ang seryoso kong sabi bagamat drama lang iyon sa akin dahil sa loob-loob ko ay lolokohin ko lang talaga siya. “Hindi lang pala ako ang may tama, pati ikaw rin!” sabay bitiw ng nakakalokong tawa. “O e di, gawin nating seryosohan ang lahat,” ang sagot niyang marahil ay naamoy na nagbibiro lang talaga ako at malayo iyon sa katotohanan. “Seryoso nga ako…” ang pag-giit ko pa. “O e di, seryosohin nga natin. No problem. Pero dapat ay maging basketball player ka muna bro… Iyan ang kundisyon,” ang pag-emphasize niya sa salitang “bro” na para bang ipinaalalang lalaki ako, hindi babae na liligawan niya kung sakali ngang magiging basketball player ako. “At hindi lang basta isang basketball player, dapat ay isang MVP player pa!” Tawa naman ako ng tawa. Syempre, mataas ang standard niya. “Grabe naman ito, sobrang taas naman ng standard!” “O e di kung hindi mo kaya, quits na tayo. Walang ligawang magaganap” ang sambit niya tumawa pa ng malakas. “E di sige… simula mamaya, magpraktis na ako,” ang biro ko. “Mukhang seryoso ka nga bro! Pero kung seryoso ka nga talaga na matikman ang sarap ng panliligaw ko, dalian mo na. At gusto ko, kasali ka sa university team natin,” ang sagot niya. Siguro ay iniisip niya na talagang imposible nang makahabol ako sa team kasi kumpleto na ang line up at malapit na ang laro. “Grabe naman. Sobrang pressure!” ang sagot ko. “Pede namang next year pa, or after next year. Kahit 5 years kung nandito pa tayo.” Tawanan. “E paano naman kung makahabol ako this year?” ang tanong ko. “E di liligawan kita. At agad-agad pa!” pag-emphasize niya sa salitang “agad-agad” Tawa ako nang tawa. Para bang kinilig. “Paano ka ba manligaw?” ang tanong ko. Pinanindigan ko na talaga ang plano ko. “Ano ba ang gusto mo? Bulaklak? Tsokolate? Harana? Marunong akong kumanta…” “Wow! All of the above na!” Hindi pa rin ako maaawat sa katatawa. Kinabukasan, pinuntahan ko ang gym club na sinabi niya. At totoo nga, isa siyang gym instructor at bagong bago ang kanilang mga equipment. Maganda, malinis, malawak, at maganda ang ambiance. May sounds at malaking TV monitor pa. “Hey! Buti napadayo ka dito bro!” Sambit ni Edward noong nakita niya akong pumasok. Naka-outfit na pang gym, bakat na bakat ang ganda ng hugis ng katawan. Pogi, hayop ang porma. Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili sa nakita. Muling pumasok sa aking isip ang “trip” na sinabi ng kaibigan kong si Andrew. Para akong kinikiliti nang kung anong hindi ko maintindihan. Parang may nag-udyok sa akin na pagtripan na rin si Edward at ituloy lang ang panunukso ko sa kanya. At kung bumigay man siya, bahala na si batman… “Woi!” ang sigaw niya noong para akong natulala noong nakita siya sa ganoong ayos. “Hindi ka makapaniwalang dito talaga ako nag work ano?” tanong niya. “Oo nga! At ang ganda ng gym nyo bro… nakakaengganyong magpa-member!” “E di magpamember ka na?” “Puwede ba trial muna?” “O siya… mabuti’t kaunti lang ang tao, makakapag-assist ako sa iyo ng todo. May baon ka bang damit or pang workout na outfit?” “Meron, heto sa bag ko….” “Good!” Nang nakapagbihis na ako, nag-assist nga siya sa akin sa pagbubuhat. At habang nasa ganoong ayos kami na nagtuturo siya, mas lalo pa akong na-challenge na ituloy ang balak na tuksuhin siya. Pakiramdam ko kasi ay sobrang close na talaga kami sa isa’t-isa. ARAW BAGO ang aming liga ng basketball, inanyayahan ko si Edward na manood kami. May entrance fee ito ngunit binigyan ko siya ng libreng pass. At sa pinakaharap pa mismo ng puwesto. Tuwang-tuwa naman siya. “Saan ka nakakuha ng ticket?” ang tanong niya. “Binili ko,” ang pag-aalibi ko. “Talaga!” ang sagot niyang halata ang matinding tuwa. “Para sa akin?” “Syempre naman! Sisipot ka ha?” “Kahit nga ‘di mo ako binilhan nito, sisipot naman talaga ako eh. Bibili na nga sana ako ng ticket, kaso naunahan mo lang ako. At ring side pa! Wow!” Tumawa lang ako. “Ok… antayin kita sa entrance para sabay na tayong pumasok.” Araw ng laro. Nauna akong nakarating sa may bukana ng stadium, hinintay siya. Tinawagan ko na lang ang coach namin at nag-alibi na sasamahan ko lang sandali ang pinsan ko at susunod na sa locker room upang magbihis kapag malapit na ang aming laro. Pumayag naman ang coach. Magkatabi kaming naupo ni Edward sa upuan ng ringside. Syempre, kumain na naman kami ng pop-corn na naging paborito na rin niya. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang hindi pa nagsimula ang laro. Binalik-balikan namin ang unang pagkakataong natapunan ko siya. Tawa kami nang tawa na lang. Hindi ko rin lubos maintindihan ang aking sarili sa sandaling iyon. May magkahalong excitement na naramdaman, naiilang, may tuwa… hindi ko mawari. Mistula kasing magsing-irog na kami sa porma naming iyon. “Ang suplado mo noong una pa lang kitang nakita!” ang sabi ko. “Paano hindi ako magsusuplado… pinaliguan ba naman ako ng pop-corn at softdrink! Kung ikaw ba naman ang nasa kalagayan ko, baka nambugbugo ka na. Swerte ka, kahit karate black belter ako, nagtimpi pa rin ako. Pero kaya kitang i-pin down d’yan sa sahig kung gugustuhin ko,” ang sagot niya. “Oo na. Blackbelter ka. Nasa iyo na ang lahat, maliban sa height” ang biro ko naman. “Hmmm. Matangkad ka lang bro. Pero wala ka pa ring binatbat kaysa mga basketball players ng team. Sayang ang height na iyan. Walang silbi,” ang sagot ding biro niya. Tawanan. “Pero alam mo bang gusto kong tumawa talaga noong nakita ko ang mga pop-corn na nagkalat sa buhok, damit, at may mga asinat cheese na dumikit pa sa mukha mo? Kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko.” “Sinadya mo iyon, makilala mo lang ako” ang biro niya uli. “Hahahaha!” tumawa lang ako. Tahimik. “Ano kaya kung bigla akong tawagin at palaruin sa team ng university natin no?” paglihis ko sa topic. “Sige… mangarap ka lang bro. Libre naman ang mangarap eh,” ang sagot niyang tumawa pa ng malakas, iyong sarcastic. “Paano nga kung magkatotoo at ngayong-ngayon na?” “May ganoon talaga? Ngayon na agad? Ni hindi ka pa nga nag-apply sa team at ewan kung marunong kang mag-dribble, sali ka agad? ‘Di ba puwedeng water boy muna?” sabay tawa uli. “Hypothetical lang naman eh. Kung halimbawa lang, anong gagawin mo?” “Maglulundag ako sa tuwa. Tapos magsisigaw ako ng ‘Erick! Erick!” “Iyon lang ang kaya mo?” “Ahm…” nag-isip siya. “Huhubarin ko ang t-shirt ko hanggang sa matapos ang laro!” “Aw. Nice naman. Ipakita mo talaga ang magandang katawan mo?” “Support lang sa iyo.” “Pero hindi mo ako liligawan?” “Dito mismo?” “Oo…” “Pwede rin,” sabay tawa ng malakas. “Hypothetical lang naman di ba?” Tumango lang ako. Iyon ang biruan namin. Hanggang sa nagsimula ang laro ng elementary level at sinundan ito ng high school. Noong natapos na ang high school, ang main event na, ang sa amin. “Erick, tayo na ang sunod!” text sa akin ni Coach. “Bro, may pupuntahan lang ako ha? Urgent lang. May problema ata sa bahay. At dito ka lang muna,” ang seryoso kong pagpapalam. Dalli-dali kong tinungo ang locker room upang magbihis. At dahil kami ang home team, ang team players namin ang huling tinawag. Nasa center court na ang lahat ng players ng kalaban naming team. Sinimulan na ring tawagin isa-isa ang mga players. “Carl Fernando!” “Jeremy Jocson!” “Gerry Tayag!” “Alfredo Cuisia! Mel Gascon…!” ang sigaw ng announcer. Nakapila na ang lahat ng players namin sa center court noong base sa request ko, umalingawngaw muli ang boses ng announcer. “And now, to do the ceremonial toss, please welcome, a transferee to this university but very much into sports, a blackbelter in karate, and especially, a basketball fanatic addict. Please welcome Mr. Edward Piamonte!!!” Sinilip ko sa holding room ang kinaroroonan ni Edward. Nakatayo ito, bakas sa mukha ang sobrang kalituhan at napalingon-lingon pa na tila nagtatanong kung pangalan niya nga ba talaga ang tinawag. Ngunit napilitan din siyang tumayo at magpunta ng court noong may nakakilala sa kaya at tinuro siya at minuestrahan na siya ang tinawag at tumungo na sa court. Nasa loob na ng court si Edward at hinawakan na ang bula sa gitna ng mga players na nakapuwesto na handa nang mag-agawan sa bola noong ako naman ang tinawag. “And now, the pride of the home team... Fans, admirers, and supporters!!! Please welcome, the most valuable player, MVP of the home team and defending champion team, Mr. Erick Santiagoooooooooo!!!” Dinig na dinig ko ang hiyawan, sipulan at palakpakan ng mga audience at fans. At noong nagtatakbo na akong palabas ng holding room nakita ko sa court si Edward na bakas sa mukha ang matinding pagkagulat, ang isang kamay ay itinakip pa sa kanyang bibig, hindi makapaniwalang ang taong biniro-biro niyang liligawan ay tunay na basketball player pala. Habang nagmamadali akong nagtatakbo patungo sa court, minuwestrahan ko naman siya na hubarin ang t-shirt niya base sa sinabi niyang gagawin kapag nalamang basketball player din ako. At upang mas maintindihan niya ang minuwestra ko, hinubad ko ang aking t-shirt habang nagtatakbo. Hindi pa ako nakaabot sa court, nahubad na rin niya ang kanyang t-shirt. Halos maglupasay naman ako sa pagtatawa sa nakita. Syempre, naghiyawan ang mga tao at mga fans na nakitang nakahubad ako. At noong nakita ng mga lalaking kasali sa gym niya na naghubad si Edward, nakihubad na rin sila. At nang napansin din ito ng ibang kalalakihan, nakihubad na rin sila, iniisip na iyon ang kanilang paraan ng pagsuporta sa hme team. At dahil maganda ang katawan ni Edward at guwapo pa kung kaya lalo pang naghiyawan at nagsipulan ang mga audience, lalo na ang mga babae at bakla. Hindi makatingin-tingin sa akin si Edward. Namula ang mukha at napailing-iling na lang ito, iyong bang tila sa isip ay nagmumura, “Tanginang tarantadong to! Fck! Naisahan ako!” Hanggang sa isinuot ko muli ang aking uniporme at handa na sa ceremonial toss. Pagkatapos ng ceremonial toss niya, tiningnan ko pa si Edward habang pabalik siya sa kanyang upuan. Nanatiling nakahubad pa rin ang pang-itaas na katawan. Nang lumingon siya at nagsalubong ang aming mga tingin. Ngiting-aso ang binitiwan ko. Pabiro namang itinaas niya ang kanyang kamao, pahiwatig na makatikim ako sa kanya. Hanggang sa naupo siya sa kanyang upuan, nanatili pa ring nakahubad, pagtupad sa binitwang salita na maghubad siya hanggang sa matapos ang laro. Mahigpit ang laban at sobrang taas ng adrenalin ng mga tao sa puntos na halos hindi umuusad ang lamang ng teams. Sobrang saya at ingay ng mga tao sa matinding excitement sa laban. Halos matapos na ang laro noong napansin kong wala na si Edward sa kanyang kinauupuan. Medyo nagtaka ako. Ngunit parang may sumundot na lungkot sa aking puso. Tuloy pa rin ang aming laro. Natapos ang laro na hindi ko na nakita pa si Edward. Tuwang-tuwa ang buong team sa resulta dahil napanatili namin ang aming title bilang champion at sa napakahigpit pa na laban. Nagpahinga lamang ako ng sandali at noong nagsiuwian na ang team, naisipan kong daanan si Edward upang alamin kung bakit ito biglang nawala sa stadium. Bitbit-bitbit ang aking knapsack, naka-shorts at t-shirt lang, naglakad ako patungo sa gym nina Edward. Noong nasa bungad na ako ng pintuan, laking pagkadismaya ko nang nakita ko ang nakapaskil dito, “Closed.” Napailing na lang ako. Matindi ang aking pagtataka kung bakit siya umalis at nagsara ang kanilang gym. Ngunit inisip ko na lang na maaaring sarado talaga ang gym dahil nanood siya ng laro o baka may nangyari ring problema sa kanila kaya bigla siyang nawala. Ngunit may lungkot akong nadarama. Akmang lisanin ko na sana ang lugar nang bigla namang bumukas ang pinto ng gym at simbilis ng kidlat na hinila ako papasok. Sa loob ay naramdaman kong may sumipa sa likuran ko dahilan upang matumbang nakadapa ako sa sahig. Pagkatapos ay may umipit sa aking katawan, hinatak ang isa kong kamay at hindi ako makakilos. “Ilagay ang blind fold!” ang narinig kong utos, ang boses ay hindi ko kilala. “Bitiwan ninyo ako! Tangina! Ano ba ‘to?” “Cool ka lang bosing. Niloko mo ang boss namin kung kaya matikman mo ngayon kung sino ang binangga mo!” ang boses na narinig ko. Habang inilagay ang blind-fold sa aking mga mata, may isang taong nagtali naman sa aking kamay na nasa likuran ko. May narinig din akong nag-lock ng pinto. Magkahalong kaba at galit naman ang aking naramdaman. Iyon bang hindi mo alam kung ano ang kasalanang nagawa mo at bibiglain ka na lang. “Ano ba talaga ang kasalanan ko? Tanginaaaa!” sigaw ko. Ngunit isang malakas na samapal ang tumama sa aking pisngi. “Arekop! Tanginaaa!!!” ang sigaw ko. “Sige, sumigaw ka pa at may gripo ka sa tagiliran!” pananakot naman ng isa. “Hipuin mo nga ito?” dugtong niya sabay dampi ng isang bagay sa kamay kong nakatali sa aking likuran. Nasalat ng aking kamay ang blade at dulo ng isang patalim. Kaya sa takot na totohanin nila ang banta ay wala na akong nagawa kundi ang tumahimik. Matinding kaba ang aking naramdaman sa pagkakataong iyon. Pakiramdam ko ay seryoso talaga ang mga taong iyon na saktan ako. Ipinaupo nila ako sa isang silya. At base sa ingay ng mga yabak nila, nasa limang tao o higit pa ang naroon. “Alam mo ba ang kasalanan mo?” ang tanong ng kanilang lider. Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang aking kasalanan. At kung magsasalita man ako, baka sampal na naman ang aking aabutin. Nagtimpi na lang ako. Hindi sumagot. “Isang sindikato ang binangga mo. Pinahiya mo ang aming boss… si Boss Edward! Kaya magdasal ka na at ihanda ang sarili dahil katapusan mo na ngayon!” Gusto ko nang magreact sa narinig noong biglang may narinig akong kalampag mula sa rolling shutter door ng gym na halos kasabay sa siga na, “Mga pulis kami! Walang kikilos nang masama!” Bigla akong nabuhayan ng loob. “s**t! May pulis! May pulisss! Takbooooo!” at narinig kong sigaw ng mga kumidnap sa akin. Narinig ko rin ang mga yabag nila na nagtatakbuhan. Tahimik. Nanatili akong nakaupo at hindi gumalaw. Nakiramdam lang ako sa sunod na mangyayari. Habang nasa ganoon akong pagpakiramdam, marahang iginalaw ko ang aking mga nakataling kamay. Doon ko napansin na lumuwag na pala ang pagkatali nila sa akin. Dali-dali kong tinanggal ang tali. Noong natanggal na ito, isinunod kong tanggalin ang aking blind-fold. At doon na ako muntik malaglag sa aking inuupuan sa matinding pagkagulat. Sa harap ko ay nakatayo na naka unipormeng katulad ng sa mga waiters ang may limang myembro ng gym club ni Edward, nakapaligid sa amin at ang isa ay may hawak-hawak na gitara. At sa harap ko mismo ay may isang mesa na puno ng pagkain, may kandila sa gitna nito at sa harap naman ay nakaupo si Edward, naka-amerikana pa! Guwapong-guwapo. “SHIIIIIITTTTT! Tanginaaa! Tinakot mo ako!!!” ang sigaw ko kay Edward. Sabay namang nagtawanan silang lahat. Nagsimulang gumitara ang isa sa kanila at kumanta si Edward at nagback-up singer ang mga kasama niya… Winter snow is falling down Children laughing all around Lights are turning on Like a fairy tale come true Sittin' by the fire we made You're the answer when I prayed I would find someone And, baby, I found you And all I want is to hold you forever All I need is you more everyday You saved my heart from being broken apart You gave your love away and I'm thankful everyday, for the gift Watching as you softly sleep What I'd give if I could keep Just this moment If only time stood still But the colors fade away And the years will make us gray But, baby, in my eyes You'll still be beautiful And all I want is to hold you forever All I need is you more everyday You saved my heart from being broken apart You gave your love away and I'm thankful everyday, for the gift And all I want is to hold you forever All I need is you more everyday You saved my heart from being broken apart You gave your love away I can't find the words to say And I'm thankful everyday, for the gift Pakiramdam ko ay pulang-pula ang aking pisngi habang pinakinggan ko ang kanta ng grupo na ang galing-galing din. “Mga tol… maraming maraming salamat sa magandang palabas. Pwedeng iwanan na ninyo kami. Ako na ang bahala rito. Kaya ko na ‘to. Matangkad lang siya pero hindi kakayanin ng basketbolista ang karate blackbelter.” Nagtawanan naman ang mga kasama sabay kaway at nagsialisan na. Nang kaming dalawa na lang ni Edward ang naiwan, binulatlat niya ang isang nakalukot na streamer at isinabit ito sa digdin. Binasa ko ang nakasulat, “Liligawan na kita, Erick, at wala nang atrasan ‘to…” Hindi ko lubos maisalarawan ang nadarama. Pakiramdam ko ay nag blush ako, hindi makaimik, nakangiti lang habang tinitigan niya ang aking mukha. “Alam mo, lalo kang gumuwapo noong tingnan kita sa basketball court na nakahubad… Ito ang kauna-unahang pagkakataon na manligaw ako ng isang lalaki,” ang sambit niya. Ewan pero pakiwari ko ay lumutang ako sa ulap sa mga sandaling iyon. Hindi makapagsalita, hindi makatingin-tingin sa kanya. “Hindi ko alam kung paano, ngunit kaya natin iyan. Grabe bro… nakaka in-love ka pala kapag naglalaro. Hayop sa galing! Hindi ko akalain na literal na mainlove talaga ako sa iyo!” Napangiti lang ako ng hilaw. Ngunit sa kaloob-looban ko, para akong kandila na nakatirik sa gitna ng mesa, unti-unting nauupos sa kanyang mga titig at papuri. “s**t! Para akong kinilig! Ganito pala ang pakiramdam ng nililigawan!” sa sarili ko lang. Nanatili lang akong nakangiti. “At dahil sa ginawa mo sa akin, hindi ako papayag na na mabasted! Fck! Tangina ka, halos mamamatay ako sa sorpresa mo!” “B-biro lang iyong sa akin bro na m-magpaligaw sa iyo. Gino-good time lang kita!” Doon na tumaas ang boses niya bagamat alam kong pabiro. “Wala akong paki kung biro mo lang iyon! Gino-good time moa ko! Puwes, totohanan natin ito kung ayaw mong babalian kita ng leeg! Papayag ka ba o hindi!” “Eh…” ang naisagot ko. Bagamat may kilig akong nadarama, napakabilis naman ng mga pangyayari. Hindi pa nagsink-in sa aking utak na mangyayari pala talaga ito, at sa punto na iyon na talaga. “Tatanungin uli kita, sasagutin mo ba ako sa panliligaw ko sa iyo? O sasagutin mo pa rin? Binitiwan ko na lang ang ngiting hilaw. At nang kinuha niya ang bote ng wine at nilagyan ang aking wine glass, doon na ako nagmamadaling uminom. Gusto ko nang magpakalasing upang… bahala na kung ano ang mangyayri. Nakalimang shot din ako. Tila umiikot na ang aking paningin. “Kain muna tayo bro….” ang malambing na sabi niya sabay subo niya ng pagkain sa akinng bibig. Doon ko na siya hinayaan. Ibinuka ko ang aking bibig. At habang nginunguya ko ang kaning isinubo niya, hindi naman maalis sa aking mukha ang kanyang mga titig. Nanatili akong nakayuko. Mistula akog tino-torture. Noong tila naprocess na ng aking isip ang mga pangyayari, at lalo na sa patuloy niyang pagtitig sa aking mukha, hinawakan ko na ang kanyang ulo, inilapit ito sa aking mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi… Sa gabing iyon ay una kong naranasan ang sinasabi nilang “Trip”… sa piling ni Edward. At totoo nga ang sinabi ng kaibigan ko. Sa tanang buhay ko, hindi ko malilimutan ang experience na iyon. Ibang klase talaga! Sobrang saya ko sa araw na iyon. Dalawang klaseng basketball ang aking nalaro, nai-shoot, at naipanalo: ang isa ay sa loob ng basketball court, at ang isa naman ay sa ibabaw ng kama. Ngayon ay magdadalawag taon na kami ni Edward. Bagamat patago lamang ngunit pareho naming ginusto ang ganitong set-up. Pareho naming naintindihan ang aming kalagayan. Parang isang bromance lang. Alam din naman kasi naming sa babae din kami hahantong at magpakasal sa takdang panahon. Well… hindi rin natin talaga masabi. Wala naman kasing nakakaalam kung ano talaga ang maaaring mangyari sa hinaharap. Tanging tadhana lamang ang makapagsabi. Pero, tama ang best friend ko. Masarap maka s*x ang ang kapwa lalaki. Try niyo ring subukan mga bro. Kahit Trip lang… WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD