Empress POV.
Siya yung lalaki sa mall!
Omg! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung poging mayabang na kaagaw ko nung polo ni kuya.
"Ikaw?!"sigaw ko at tinuro sya.
Napakunot naman ang noo nya.
"Ako?"sabay turo niya sa sarili niya.
Hindi na nya ako naalala?
Sabagay haggard ako nung time na yun kaya siguro hindi niya ako nakilala ngayon hehe.
"A-ah wala wala."
Aalis na sana ako nang makita ko si kuya.
Nginitian niya naman ako at tinawag.
"Oh! Sis nandito kana pala."nakangiting sabi nito.
Napasimangot naman ako.
"Wala kuya Ford actually picture lang itong nakikita mo ngayon. Duh kuya! Use your common sense."inis kong sabi.
Narinig ko namang tumawa ang lalaking nasa likuran ko.
Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Anong nakakatawa?"mataray kong tanong.
Napatigil naman siya sa pagtawa at muling sumeryoso ng mukha.
"Bro, may ipapakilala nga pala ako sayo."sabi ni kuya at inakbayan ako bigla.
"Kapatid ko nga pala si Quennie—ouch!"sigaw niya at napalayo sakin.
Kinurot ko kasi ang bewang niya.
"My name is Empress!"sigaw ko at sumimangot.
Napakamot naman sa ulo si kuya at tumango.
"Oo na! Empress na kung Empress dami namang arte."
Hindi naman ako umimik at sumimangot nalang.
Tinignan ko naman yung kaibigan ni kuya.
Nakita ko naman siyang nakatingin sa akin habang nakangisi.
Bakit ang pogi niya! Uwu huhu.
"Nice to meet you, Quennie."nakangisi niyang sabi.
Kumalabog naman ng mabilig ang t***k ng puso ko.
Omg! What's happening uwaah!
"I-its Empress! Not Quennie!"inis kong sabi habang ramdam parin ang bilis ng t***k ng puso ko.
Ngumisi naman siya.
"I prefer calling you Quennie."
"Duh, whatever."sabi ko at inirapan siya.
"Okay, so uhm.. Empress meet my friend Sean Hiroshi Yagami."pakilala ni kuya sa kaibigan niyang masungit na nga mayabang pa.
Tinaasan ko naman ito ng kilay.
Ngumisi naman ako sa naiisip ko ngayon.
"Wow nice name Hiro."nakangisi kong sabi at kinindatan siya.
Tinignan nya naman ako ng masama.
HAHAHA .
Tinawag niya ako sa first name ko kaya tatawagin ko din siya sa second name niya.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin?"nakangisi kong tanong.
Hindi naman ito sumagot at inirapan lang ako.
"Ah bro, Mag bibihis muna ako hintayin mo lang ako dito." Sabi ni kuya Ford at umakyat na papuntang kwarto niya.
Tinignan ko naman si Hiro.
"Hoy! Saan kayo pupunta ni kuya?"
Malamig niya naman akong tinignan.
"Bar."maikli niyang sagot.
Napakunot naman ang noo ko. Aba, kailan pa natutong mag bar ni kuya?! I will tell mom and dad talaga.
Makalipas ang ilang minuto bumaba na si kuya Ford sa hagdan.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang suot suot niya. Ito yung polo na pinag agawan namin ni Hiro sa mall!
Hala!
"H-hoy bakit suot mo yan?"
Kumunot naman ang noo ni kuya.
"Bakit? Bagay naman 'to sakin eh at isa pa binigay mo ito sakin. Ang sweet mo pa nga nung binigay mo 'to sakin eh. May pa saksak mo sa baga mo kapang nalalaman eh hahaha."natatawang sabi ni Kuya.
Umiwas naman ako ng tingin kay Hiro.
Nakita ko kasi siyang tinitigan ako at ramdam ko parin ang tingin niya sa akin ngayon.
"SHUT UP!"
"Hahaha. Chill sis wag kang highblood. Wait lang magpapaalam na muna ako kay manang."nakangising sabi ni kuya at pumunta na sa may kusina.
Bigla namang nagsalita si Hiro nang makaalis na si kuya.
"So you're the girl from the mall?"
Nakita ko naman ang ngisi niya.
"O-oo ako nga! Pakialam mo."sabi ko at muling umiwas ng tingin.
Omg! He knows me na huhu.
Summer POV.
Okay na ako.
Okay na talaga ako.
Wala nang epekto yun sa akin.
Bukas magpapakita na ako kay Empress at Nicole. Alam ko naman na nag aalala na yun sa akin kasi hindi man lang ako nagpakita sa kanila.
TOK TOK TOK
Napatayo naman ako sa pagkakaupo sa may kama ko at dumeritso sa may pintuan at para buksan ito.
"Sandali lang."
Binuksan ko naman ang pinto at laking gulat ko nang makita ko si..
"Kuya Rey!"
Hindi ko naman mapigilang mapaiyak.
Niyakap ko naman ng mahigpit si kuya at umiyak ng umiyak. Close kasi kami talaga ni kuya eh.
"Haha, masyado mo naman akong namiss sweetie."natatawang sabi ni kuya.
"K-kuya naman eh! Sometimes lang kaya tayo nag kikita tapos..hindi kana dito nakatira."
Kasal na kasi ito si kuya at may bahay na silang dalawa ni ate Roxanne kaya hindi na dito nakatira si kuya.
Kung itatanong niyo kung nasaan ang mga magulang namin well busy sila sa business nila. Minsan nalang silang nakakauwi dito sa bahay kaya ako nalang lagi mag isa.
"Sorry naman swettie. Alam mo namang busy si kuya mo diba? Plus, nag dadalang tao si ate Roxanne mo kaya hindi kita ma dalaw dalaw dito." Sabi ni kuya at inakbayan ako.
Bumaba naman kami sa hagdan at pumunta sa sala. May sasabihin daw si kuya sa akin eh.
"Ano yung sasabihin mo kuya."
Ngumiti naman si kuya bago mag salita.
"May makakasama kana dito sa bahay."nakangiting sabi ni kuya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Huh? Sino kuya."
"Yung pinsan mong si Xandra."
Nanlaki naman ang mga mata ko.
A-ano?
Ano daw! XANDRA? as in XANDRA GOMEZ MONTIEL?
"A-ano ulit yun Kuya.."baka na bingi lang ako.
"Sabi ko dito na titira si Xandra sa bahay para may kasama ka dito." Ulit ni kuya.
Pero wait sa pagkaka alam ko nasa States si Xandra.
"Diba kuya.."
"Uuwi na dito si Xandra sa Pinas. Sabi ni tita dito na daw sa Pilipinas mag tatapos nang Koleheyo si Xandra." Naka ngiting sabi nito.
Bakit dito pa? Pwede namang bumili ng condo si Xandra eh mayaman naman sila.
Hindi sa ayaw ko sa pinsan ko pero hindi kasi talaga kami close at ayoko sa kanya sa hindi malamang rason.
To Be Continued..