Matagal bago sumago ang lalaki kaya inakala ko talaga na hindi na niya ako muling kausapin pa. Ganunpaman, hindi ako dapat malungkot. Sino ba siya sa buhay ko? Kung ayaw niya akong kibuin, eh di bahala siya! Hindi sasakit ang tiyan ko dahil sa pang-iisnob niya sa akin. “Bati na tayo please? Ayokong magalit ka sa akin,” sabi ko sa kanya. “Kasi wala ka ng driver, binobola mo pa ako,” sagot ng lalaki. Tumawa ako ng malakas sabay kurot sa kanyang tagiliran. “Ang cute mo talaga kapag naiinis ka,” sabi ko. Pero teka, nakipag-flirt ba ako kay Jericho? “Pero ikaw ay hindi cute,” tila nananadya si Jericho at gumanti. “Salbahe nito,” sabi ko. “Nagsasabi lang naman po ako ng totoo,” giit ng lalaki. “Tumigil ka na, ikaw ha, malapit ka na talagang makakatikim sa akin!” “Okay lang, mukhang masa